Jhorene's POV
Dumating na kami sa Hospital at sinabi agad ng Doctor na wala na nga ang aking kaibigan .
Umiyak ako ng Umiyak dahil hindi ko alam ang gagawin , nasabi ko na din sa mama niya ang nangyari at sobrang nagulat si Tita.
"Nasaan ang anak ko?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Tita, Nandito na pala siya
"Nanduon po" at tinuro ko sa kanya ang kwarto kung saan nakalagay ang katawan ni Genea.
Agad naman siyang pumasok duon , pero ako nanatili lang sa labas .
Muli ay naiyak ako dahil sa awa ko kay Tita . Alam ko ang kanyang hinagpis , dahil kung ako nga na kaibigan lang e sobrang nasasaktan na, siya pa kayang ina na nawalan ng Anak.
Lumabas muna ako ng Hospital, nais ko sana munang maglakad lakad , pero bago iyon ay pumunta muna ako sa cr upang ayusin ang aking sarili
Nilabas ko ang aking panyo upang punasan ang aking mga mata sa harap ng salamin nang biglang nag patay bukas ang ilaw , medyo kinilabutan naman ako nun, para kaseng may kasama ako ngayon
"Bhes, wag naman agad ngayon, please wag mo naman akong takutin oh" at naiyak naman ako na kinikilabutan pa din.
Pero hindi nga ako nagkamali
May kasama nga ako ngayon
Dahil pagtingin ko sa harapan ng salamin , nanlaki ang aking mga mata ! Hindi pwede! Hindi ito nangyayari! Pinikit ko ulit ang aking mga mata , ang lungkot na nararamdaman ko kanina ay napalitan na ng Takot . Takot sa lalaking nakita ko .
Unti unti akong nagmulat at duon ay wala na akong nagawa kundi ang sumigaw
"AAAAAAAHHHHHHH"
Jasmin's POV
Dumating na ang mga pulis at tinanong kami sa nangyri
"Anong ginagawa niyo sa Rooftop ng mga oras na iyon?"-Pulis
"Nagpapahangin po " -Angel
"Kung ganun , ano ba talaga ang tunay na nangyari?, nagkaalitan ba kayo ng biktima?" Tanong nitong muli
"Hindi po , nakaupo lang po kami sa bench tapos.."
Biglang tigil ni Angel at tumingin sa akin saglit
"N-nakita po namin si Genea , tapos nilapitan po ni Jasmin pagkatapos nun , pinagpatuloy na po namin ang pag-kukwentuhan at...at nagulat po kami nang nakarinig kami ng sigawan sa baba at duon po namin nakita yung katawan niya" paliwanag ni Angel
"Kung ganun, sinasabi niyo na tumalon ng kusa ng biktima?"-pulis
"Ga-ganun na nga po" sabi ni Angel
Humarap naman sa akin ang pulis at nagtanong
"Ano naman ang sinabi mo sa biktima ng mga oras na nilapitan mo siya?"
" Tinanong k-ko po-po siya kung bakit hindi po si-siya pumasok, kase bago po iyon , hindi po siya pu-pumasok sa klase namin , k-kaya po nagulat ako at nasa rooftop po pala siya" paliwanag ko
Napatango na lang ang mga pulis.
"Kung ganun, paparito na lang ulit kami upang tanungin pa kayo ng mga ilang katanungan, hindi pa namin kayo makausap nang maayos dahil sa nangyari" Sabi niya sa amin
At tumingin naman siya kina Tito Oliver, Ma'am Mila at kay Mama, nanduon din ang a*s. Principal na si Ma'am Becky.
"Sir, Ma'am base sa mga nakuha naming impormasyon, mukha ngang wala namang motibo ang mga batang ito para pumatay . At para gawin ang krimen, kaya babalik na lang kami bukas upang tanungin muli sila ng mga ilang katanungan" mahabang sabi nang Pulis
"Sige po , maraming salamat Officer"
At duon ay lumabas ang mga pulis at sumama na din palabas si Ma'am Becky
Angel's POV
Nang tinanong ako ng pulis e pinili ko na lang mag sinungaling, Oo nag sinungaling ako , dahil unang una hindi ko naman talaga nakita si Genea nung mga oras na yun.
At mas lalong wala akong nakita na kinausap ni Jasmin . Baka.... Baka panakip butas niya lang , para kunwari yun talaga ang nangyari.
"Jasmin , dapat hindi mo na sinabi na nakita natin si Genea nung mga oras na yun para hindi na ako nagsinungaling" pabulong na sabi ko
Kasalukuyan kaseng nag-uusap ngayon sina Sir Oliver, Ma'am Mila at yung Mama niya
"Ha? Anong nagsinungaling?"
Halatang naguguluhan siya sa sinabi ko
"About kay Genea! Anong sinasabi mo na nakita natin siya ? Wala naman siya nung mga oras na yun" paliwanag ko
Mukhang natahimik naman agad siya ng kaunti
"I-ibig sabihin.. A-ako lang ang nakakita sa kanya?" Nagugutal na saad niya
Tumango na lang ako bilang tugon.
Malay ko ba kung nakita niya ba talaga, e sa hindi ko naman talaga nakita e.
"Kung ganun... Bakit .. Bakit ang sabi mo nakita mo din siya?"
"Kase akala ko , ginagawa mo lang na panakip butas iyon " sabi ko naman.
Nakita ko naman na parang hinahabol niya ang kanyang hininga at napakapit siya sa braso ko
"Jasmin?! O-okay ka lang ba?"
Nasambit ko na lang na nakatawag naman ng pansin kina Sir
"Anong nangyayari?!" Gulat na sabi nito at lumapit ito sa amin
"Jasmin Anak ?!" Pasigaw na sabi ng Mama niya nang bigla nalang siyang nawalan ng malay
Third Person's POV
Kanina pa ihing ihi ang isang nurse pero hindi siya makaihi sapagkat kanina pa niya hinihintay na bumukas at lumubas ang tao dito
"Kuya!, mukha namang walang tao e, pwede bang pakibukas ?" Sabi nito sa isang Janitor
"Ah sige po" saad nito
Agad namang kinuha ng Janitor ang susi upang mabuksan na ang Pinto
At nang subukan nila na buksan ito ay nahirapan sila
"Parang may nakaharang ma'am"
"Hay naku kuya , itulak mo pa para naman maka-ihi na ako"
Tinulak ng Janitor ang Pinto at laking gulat nila nang makita ang isang katawan ng babae na puro duguan ang mukha at ulo
"AAAHHHHHHHHHHHHHH!"
narinig sa buong 1st Floor ang sigaw nang Nurse at maging ang Janitor ay nagulat sa nakita .
Paanong mag kakaroon ng bangkay duon? At sa CR pa ?
Agad namang pumunta ang mga guards sa kinaroroonan nila at pumunta na din duon ang ibang Nurse upang buhatin ang katawan ng babae at dinala sa E.R.
Ginawa lahat ng mga Doctor ang pag salba sa biktima pero lumabas itong Dead on Arrival.
"Time of Death 7:46 pm"
Sinulat nama agad ito ng Nurse
"Tawagan mo ang pamilya ng biktima at sabihin mo ang nangyari ."
Dugtong nito at binigay nito ang I.D kung saan naroroon ang Contact no. ng pamilya ng biktima
--DELA CRUZ residence--
Matapos i handa ang hapunan ay agad namang umupo ang mag-asawang Dela Cruz upang kumain
"Aba ang tagal umuwi ni Coleen ah" pansin ni Mr.Dela Cruz
"Hay naku alam mo naman ang anak mo napakasipag na bata , ayaw mo nun? Ang anak natin ang mag aahon sa atin sa hirap"-saad naman ni Mrs.Dela Cruz
"Hala o sige, tayo'y kumain na , ipag iwan mo na lang siya jan ng makakain niya mamaya" sabi naman ni Mr.Dela Cruz
Habang inaabot ang ulam ay nasangi bigla ni Mrs. Dela Cruz ang baso na katabi niya na para sana sa anak.
Kaya napatayo silang dalawa at agad kumuha ng walis at Dustpan upang linisin ang nag kalat na bubog, nang biglang may tumawag sa kanilang telepono
'Hello ? Mrs.Dela Cruz?'
Tawag sa kabilang linya
"Ahhhm? Yes? Ako ito?" Sagot naman niya.
'Ahm Ma'am, pwede po ba kayong pumunta sa *toot* Hospital?' Saad ng kausap niya
Duon pa lang ay parang kinabahan na siyang bigla
"Ah h-ha? Ba-bakit? Si-sino to? "
Pautal utal na saad niya
"Oh sino ba yang kausap mo?" Pansin ulit ni Mr.Dela Cruz at agad lumapit sa Asawa.
'Ah kase ma'am may nangyari sa anak niyo.....p-patay na p-po siya' malungkot na saad ng Nurse
At nabitawan na ni Mrs.Dela Cruz ang teleponong hawak niya at duon ay tuluyang na siyang nanigas sa kinatatayuan niya, para siyang binuhusan ng Malamig na tubig sa sinabi ng kausap niya.
"Bakit?! Anong nangyari?" Hysterical na din si Mr.Dela Cruz
"Hndi pwede to, bilisan mo ! Kaylangan nating puntahan ang anak natin" at agad ay lumisan sila ng bahay at pumunta a sinabing Hospital
---HOSPITAL---
"Miss na-nasaan ang anak ko ?! Nsaan?!" Pasigaw at parang nag mamakaawa na sabi ni Mrs.Dela Cruz
"Ah ma'am kayo ho ba ang parents ng batang ito ?"
At pinakita ng Nurse ang hawak niyang I.D at agad ay tumango ang mag-asaw at hinatid sila sa kwarto kung saan naroroon ang ang kanilang anak
Pagkabukas pa lang ng pintuan ay Hagulhol agad ang sinalubong ng mag-asawa hindi sila makapaniwala na maabutan nila ang kanilang anak na isa na lamang na malamig na bangkay.