Chapter 14:Argument

1293 Words
Jasmin's POV Nandito na ako sa School , kahapon pagkatapos na makipag usap sa amin ng mga pulis e nahimatay ako , naaalala ko kasi yung pinag usapan namin ni Angel. Nung oras na yun ako lang pala ang nakakita kay Genea , hindi ko alam kung bakit pero natatakot talaga ako. "Nandito na pala ang Killer" rinig kong sabi ni Maria kasama niyang pumasok sa loob sina Thea, Veronica at Aya, nasaan si Jhorene? Bakit hindi nila kasama ? "Omg gurl! Baka tayo na ang isunod niya!" Sabat na sabi ni Veronica na nag a-acting na natatakot . Pinili ko na lamang na manahimik , kaming apat pa lang ang nandito e at tsaka ayoko ng away. Nanahimik naman sina Thea at nagkwentuhan na lang hanggang sa dumating na yung iba naming kaklase. Dumating na din sina Saveena na saglit akong tinignan. Nandito na kase ako naka upo sa tabi ni Angel e. Maya maya dumating na din siya.. "Hay naku ! Nakakaloka! Sobrang Traffic ugh!" Agad na sabi niya pag kapasok pa lang . Ngumiti na lang ako . At siya naman ay umupo . "Nga pala kumusta ka na ? Nag alala ako sayo kahapon , kase ba naman First Time yun ,na makakita ako ng nahimatay" nanlalaking mata na sabi niya "Hahaha sira , okay naman na ako , thank's" "Hay naku, masyado yatang natutuwa ang dalawa jan !" Biglang sabi ni Maria na agad naman nakakuha ang atensyon ng lahat Pero hindi na lang kami umimik, nakita naman namin siyang tumayo at agad na lumapit sa pwesto namin "Ano ?! Masyado ba kayong natutuwa dahil nagtagumpay kayo sa plano niyo ?!" Saad niya. "Teka ?! Ano bang Problema mo ?! Ke-aga-aga e akala mo naputukan ka ng tambutso sa bibig!" nagulat naman ako ng biglang tumayo si Angel at hinarap si Maria "Angel Tama na" hawak ko sa kamay niya at pinipigilan siya Pero hindi siya nag patinag at pinagpatuloy ang sinasabi "Kung akala mong matatakot mo ako , pwes ! Ibahin mo ako, dahil wala akong kinatatakutan dito kahit isa sa inyo !" Sigaw niya at dinuro ang lahat . "Gel. Ano ba?" Patuloy na awat ko "Ah Ganun! Pwe-" "Maria Tama na !" Natigilan si Maria sa sasabihin niya ng biglang sumigaw si Rina "Ang aga aga e !" Dugtong naman ni Adee. Pairap na umalis si Maria sa harapan namin at umupo naman ulit si Angel sa tabi ko "Bwesit yung Mariang yun ! Maria pa naman ang pangalan mala demonyo naman ang ugali " bulong niya. "Ano ka ba naman , wag na natin siyang patulan" saad ko "Pwes !, hindi ako kagaya mo noh, hindi ako nag papa api ! lalo na sa chararat na yun" sabi niya Natawa naman ako ng bahagya dahil sa ekspresyon nang kanyang mukha hahahaha Natigilan kami nang biglang pumasok sa loob ng kwarto si Ma'am Mila na parang umiiyak "Morning Class" "Morning Ma'am" malumanay na bati din namin "Okay ,Sit Down" saad niya at umupo naman kami agad "Okay , hindi na ako magpapaligoy ligoy pa " panimula niya at nagpahid naman siya ng luha. "Hindi lang si Genea ang .. Nawala sa atin kahapon.. Dahil si Jhorene ......" Naghihikbing sabi niya Kinakabahan ako ... Hindi pwedeng mangyari to "Wala na din siya " saad ni Ma'am Mila na siya namang ikinaiyak niyang muli at ikinagulat naman naming lahat Shit. Paanong...paanong nangyari to e kanina lang.........nakita ko si Jhorene . Flashback Pagkababa ko ng Jeep agad naman akong nag-swipe ng I.D at agad pumasok. Tinungo ko na ang elevator at agad na pumasok bago tuluyang mag-sara ang elevator ay nakita ko pang dumaan si Jhorene. END OF FLASHBACK Pero hindi ko naman na piniling buksan ito ulit dahil baka galit na din siya dahil sa nangyari kahapon , kaya paanong mangyayari ito sa kanya "Ma'am a-ano po ang nangyari"? Nauutal-utal na sabi ni Maria , marahil ay nagulat din siya dahil hindi lang isang kaibigan ang nawala sa kanya . Suminghot muna si Ma'am bago sumagot "Sabi sa Imbestigasyon, tumama ang mukha niya sa salamin na siyang kinadahilan ng kanyang pagkamatay" paliwanag nito "Ma-ma'am , ke-kelan po siya n-namatay?" Hindi ko na napigilan ng aking sarili dahil nagugiluhan na talaga ako "Ka-kahapon" at naiyak muli si Ma'am Mila Halos manlumo ako , paanong nangyari yun ? Nakita ko pa siya kanina! Imposible yun ! "IKAW!!!ANO NANAMAN TONG GINAWA MO?!" pasigaw na tumayo si Maria at dinuro duro ako Nagulat ako sa inasal niya , at maging ako ay nagulat dahil bakit ako nanaman ang Sinisisi niya? "Wa-wala akong g-ginawa" yan lang ang nasabi ko "SINGUNGALING!!! PATI SI JHO! PINATAY MO! HAYOP KA!" pinipigilan na siya nina Thea dahil ninanais nitong lumapit sa akin "HOY! BALIW! SIRAULO KA BA HA ! PAANONG SI JASMIN ANG PAPATAY E MAGHAPON KAMING NASA D.O KAHAPON HA! BWESIT KA TALAGA NOH?!" sigaw naman ni Angel kay Maria "WAG KANG MANGIELAM DITO DAHIL ISA KA---" *PAK* Isang malakas na sampal ang narinig namin sa Room naming iyon . Napatigil naman si Maria dahil sa sampal na iyon "Ano ba Maria? Wala tayong magagawa kung isisisi na lang natin lahat kay Jasmin" sabi sa kanya ni Aya. Nagulat naman ako sa Inasal niya . Pero ako , hindi ko na napigilan at lumabas na ako ng Room at agad na nagtatakbo. Marvin's POV Lumabas si Jasmin sa room , siguro ay hindi niya nakayanan ang pamimintang na ginawa nanaman ni Maria "YAN ! BALIW KA KASE ! ISA KANG BALIW!" sabi ni Angel kahit na Transferee lang siya dito ay hindi siya nag papatalo "ENOUGH! BOTH OF YOU , SIT DOWN!!!" sigaw ni Ma'am Mila maging siya ay nahihirapan na sa mga nangyayari "KAPAG HINDI PA KAYO NAGTIGIL AY PAREHO KO KAYONG DADALHIN SA D.O!" dugtong niya Natahimik naman yung dalawa at umupo agad sa kani-kanilang upuan Huminga lang saglit si Ma'am at nagsabi "Kung gusto niyong bumisita sa burol ng mga kaklase niyo , pumunta kayo duon ng matiwasay at hindi nag-aaway away" At pagkatapos nun e nag walk out siya. Panandalian naman kaming natahimik lahat hangang sa lumabas si Angel, siguro ay susundan niya si Jasmin. "Marvs, ano nang nangyayari ?" Sabi ni Saveena , nandito na pala siya sa tabi ko. Maging ako ay hindi din alam kung ano ba ang nangyayari , alam kong walang kinalaman si Jasmin sa pagkamatay ni Gen at mas lalong sa pagkamatay ni Jhorene. "Hindi ko alam" Yun na lamang ang nasabi ko . Tumayo ako at pumunta sa harapan . "Guys , makinig kayo " panimula ko "Ano nanaman ba yang walang kwenta mong sasabihin ha ! " sigaw ni Thea "Hoy ! Ano ba?! Manahimik kase muna" saway naman ni Renz Nanahimik naman si Thea "Sa tingin ko , walang kinalaman si Jasmin sa nangyayari, at wala talaga siyang alam kung anong nangyayari " patuloy na sabi ko Tama naman ako , alam kong dahil din sa amin kung bakit ba ito nangyayari sa amin. "Kung ganun?! Sino ang sisihin natin ha ?" Sabat naman ni Veronica Nakita kong tumayo si Adee at hinarap sina Veronica "Hindi ba kayo marunong makaintindi ? Manahimik nga daw muna kayo !" At agad naman itong umupo "Sa tingin ko may kinalaman ito sa nangyari sa atin nung nakaraang araw" "Anong ibig mong sabihin ?" Tanong ni Savee "Tama kayo , walang isa sa atin ang gumawa nang nangyari nung kaarawan niya,yung sapilitang pagbati nuon, dahil ...... Sa tingin ko konektado ito duon" "See?!!! nakita niyo na ?! Pinagbabayad kami sa isang kasaalanan na hindi naman namin ginawa !" Sigaw sa akin ni Thea at lumabas ito . Lumapit naman sa akin si Brix "Ano ka ba naman Marvin, sa tingin mo talaga babalik pa siya ?! Patay na siya! At hindi na makakabalik pa ang isang Patay!" Bulong sa akin ni Brix na nang-gigigil At lumabas na din ito ng kwarto Nabalot nanaman kami ng Katahimikan at ako ay bumalik muli sa aking upuan "Marvin , ano nang gagawin natin? Sa tingin ko ..... Naghihiganti na siya"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD