Chapter 24:Fx

1119 Words
Jasmin's POV Pagka-uwing pag-kauwi ko ay agad naman akong nahiga sa kama Ramdam ko ang pagod kahit na wala masyadong ginagawa masaya ako sa aking mga narinig mula kay Thea Flashback nandito ako ngayon sa hallway , kagagaling ko lang nang CR e. Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa likuran ko . "Ui" bati ko agad tsaka ngumiti "Yeah, hi" parang nahihiyang bati niya sa akin Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad nang muli ay nagsalita siya . "Ummm, Jasmin , So-sorry pala ulit sa mga nagawa namin sa iyo, sa mga paninisi na ginawa namin sayo, at" Napahinto naman ako sa paglalakad , maging siya ay napahinto din . "Maraming Salamat , dahil hiningian mo ako ng tulong " Tsaka siya humarap sa akin at ngumiti "Nah, wala yun noh . Tsaka hindi naman ako tumitingin sa kung ano ang trato sa akin para lang tumulong " sabi ko nang nakangiti sa kanya . muli ay ngumiti siya, Tsaka niya ako niyakap . End Of Flashback Atleast ngayon, mukhang okay na kaming lahat . Kahit na nabawasan nga lang kami . Pero nakakainis lang kase,kung anong ikinasaya ko noong nakausap ko si Thea ay siya namang ikinainis ko sa lalaking iyon ! Haist! Flashback "Jasmin, hindi ako makakasabay sayo sa pagbaba ha ?" Saad sa akin ni Angel , kasalukuyan kase kami ngayon na pababa ng hagdan. Maraming nakapila para sumakay ng elevator . "Ah sige lang , kaya ko naman" May pupuntahan din kase sina Saveena na seminar kaya hindi ko sila makakasabay ngayon. Pababa na sana ako sa panghuling hagdan nang .. "Ahhh" "Oops, so-sorry Miss" . Nabanga kase ako ng isang lalaki At nabigla ako sa sumunod na nangyari na siyang ikinagulat ko Nagpatuloy lamang siya sa kanyang paglalakad at ako ay nananatiling nakadapa dito sa sahig. Sapagkat natumba ako nuong ako ay kanyang binungga Napatulala ako sa nangyari , at nakita kong pinagtitinginan na ako ibang mga istudyante kaya naman ay agad na akong tumayo. Aahhhh! Bwesit na lalaking yun ! Hindi manlang ako tinulungan ?! Bwesit yun. Kaya pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad kahit na nahihiya ako . End of Flashback Hayst! Kabadtrip talaga , kalalaking tao , wala manlang konsensiya . Tumayo na lang ako sa aking kama at tsaka bumaba ulit para makakain at para na din mawala na ang aking pag ka badtrip sa hinayupak na yun. Ej's POV Katatapos lamang ng seminar namin , mula kase sa aming section ay kaming dalawa ni Saveena ang nakuhang representative. "Sav, una na ako ha . Medyo malayo-layo pa kase ako" saad ko sa kanya . "Sige jay , ingat" agad na tugon niya . Lumabas na ako ng Gate ng School tsaka nag-abang ng Fx Medyo matagal talaga kapag ganitong gabi na , uwian kase . Nakapara naman ako ng isang Fx kaso ay medyo puno na , siksikan pa naman, kaya naman ay sumakay na ako , nasa may gitna ako nakaupo na malapit sa pintuan nito . Agad naman ako nag open ng f*******:. Hangang ngayon wala pa ding nag la-like sa pinost ko ? Ang hirap namang mag-padami ng Likes , kahit na puro hugot na ang pino-post ko . Agad namang may lumabas sa Notification ko at agad ko din itong binuksan 'It's been 1 month since Angelo's Birthday' T-teka? Bakit naman to lalabas ? Kailangan talaga ma-update pa ako ? Kiniclose ko ang notification ko at agad ay nag focus sa iba. Kumuha na ako ng pamasahe ko at tsaka binayad sa driver . Kaso di ko inaasahan ang susunod na nangyari. Jasmin's POV Habang kumakain ako sa kusina ay nanunuod nang balita sina mama at lola sa sala 'Isang istudyante ang kritikal, matapos tumalon sa sinasakyang Fx' Sabi sa balita "Hayy, grabe naman iyon" -mama 'Hindi alam nang driver at nang ibang pasahero kung bakit ba ito sumigaw bigla, at matapos ay pinag-pilitang buksan ang pintuan ng sasakyan at biglang tumalon' Saad ulit ng Reporter . 'Kinilala ang biktima sa pangalang Edwin Cortez Jr. Na kasalukuyang dinadala ngayon sa pinakamalapit na Hospital' Bigla naman akong napatayo nuon at biglang tumindig ang aking mga balahibo H-hindi kaya? S-si Ej yun? Agad akong napatakbo sa sala , at halata kina lola at mama ang pagtataka. "Ma! Classmate ko yan!" Saveena's POV Nagulat ako nang pag open ko sa f*******: ay sunod sunod na nag chat ang mga classmate ko sa GC namin 'Guys! Nabalitaan niyo na ba ?'-Rommiel 'Guys, kailangan tayo ni Ej'-Arman 'Puntahan natin siya '-Michael Nagtataka naman ako kung ano ba ang sinasabi nila tungkol kay Ej, e kanina lamang e mag kasama kami sa seminar 'Bakit? Nasaan ba si Ej? Anong nangyari sa kanya?"-Shay Mabuti na lamang at natanong na niya Bigla naman akong kinabahan nang hindi ko alam kung bakit. "Naaksindente siya , papunta na kami ngayon sa St.Lukes"- Marvin Kaya naman ay agad na akong umalis ng bahay nang hindi na nag papalit pa ng damit . Buti na lamang at wala sina Mama , nasa Batangas sila ngayon. Marvin's POV Agad akong nag-pahatid sa aking pinsan na may motor, kunakailangan kong puntahan si Ej. Sa pagkakaalam ko ay nag iisa lang siya sa bahay nila , sapagkat parehong OFW ang kanyang mga magulang . Agad ko namang binuksan ang messenger ko at hindi nga ako nagkamali , alam na din nang mga kaklase ko 'Naaksidente siya , papunta na kami ngayin sa St.Lukes" saad ko , duon kase ang hospital na piagdalhan sa kanya ayun sa balita. HOSPITAL Agad naman akong pumunta sa Receptionist upang malaman kung saan bang kwarto si Ejay , naroroon. Pero dinala lang ako ng Nurse sa labas ng ER. Sinabi niya na kasalukuyang inooperahan si Ej Maya maya pa ay dumating si Michael at Harreson. "Ano? Nanjan pa din ba si Ejay? " tanong sa akin ni Michael Halata din sa kanila ang pag aalala . Agad naman akong tumango sapagkat kinakabahan pa din ako, sobrang pag-aalala dahil saga nangyayari sa amin ngayon. Nakita ko namang dumating si Saveena na hingal na hingal . "Wala pa bang resulta?" Tanong niya, bakas din ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Wala pa " sagot ni Harreson na pagalakad-lakad. Naupo na lamang kami sa mga upuan na nasa gilid . "Kanina lang ay magkasama kami " wika ni Saveena. "Ang sabi sa balita , tumalon daw si Ej" saad ko . Para namang napatanong ang lahat kung bakit ito gagawin ni Ej. Hanggang sa lumabas ang Doctor Kaya naman ay agad kaming napatayo "Doc, k-kami po ang kaibigan ng pasyente , kamusta na po siya?" -Saveena "Pasensya na mga hijo at hija , pero dapat ay mga magulang niya ang narito at hindi kayo ." Saad ng Doctor "E , Doc, wala po kase dito sa bansa ang pamilya niya " paliwanag ko "Kung ganun, kinakailangan na nilang umuwi dito sapagkat wala na ang kaklase ninyo , i'm sorry for your Lost" Saad ng doctor na siyang, nag-patigil ng oras ko noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD