Chapter 23:Thea is Back!

451 Words
Heidi's POV Nakakapagtaka naman, bakit napalitan na ang aming Adviser ngayon ? Halos lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Ms. Cath. Pero agad din naman kaming bumalik sa kanya kanyang upuan at nakinig Sa anim na buwan ko dito sa Kirin Art ay ngayon ko lamang siyang nakita. "Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ngayon niyo lang ako nakita" Sagot niya na parang nabasa niya ang katanungan sa aking isipan "Bago pa lamang ako dito, sa katunayan ay dapat next year pa ako mag-tuturo pero dahil kinailangan ng isang guro ay pinatawag ako dito ngayon upang mag-simula na" Pag papaliwanag niya Pagkatapos nuon ay madami pa siyang sinabi tungkol sa kanyang sarili Siguro ay sinukuan na kami ni Ma'am Mila dahil sa mga nangyayari. Jhunrey's POV Pag-katapos mag-pakilala ni Ma'am Cath ay agad naman itong lumabas ng Kwarto Hindi daw muna siya mag tuturo ngayon sapagkat kapapapasok niya pa lamang. Pagkalabas na pagkalabas niya ay maririnig mo ang bulong-bulungan ng Klase , marahil lahat sila ay nag tataka . Hindi pa naman kase nila nakikita ang kalagayan ngayon ni Ma'am Mila . Nagulat naman kami nang biglang bumukas nanaman ang pintuan na siyang ikinatigil ng lahat At pumasok mula duon ang isang babae na matagal na naming hindi nakita Jasmin's POV "Nakakaloka naman ang isang yun" saad ni Angel pag-kalabas ng aming bagong Adviser Maririnig mo din ang ibang bulungan ng klase Maging ako din naman ay nagulat dahil pinalitan na si Ma'am Mila. "Ay nga pala bakla , nakakainis si Paul!" Pa-irap na sabi sa akin ni Angel Dito pa din kase kami sa likod naka-upo , hindi na ako bumalik sa tabi nina Saveena "Oh, bakit naman?" "E kase ! yung mga tingin niya sa akin nakakadiri!" Saad niya na umarte pa na nandidiri talaga "Anong nakakadiri duon? Baka naman assuming ka lang?" Tapos nginisian ko siya "Mygad! Sa gandang ko to?! Mag aasume ba ako ? Duh" saad niya Napatawa naman ako sa mukha niya HAHAHAHA at napatingin kami ng biglang bumukas muli ang pintuan , at mula duon ay pumasok ang isang babae. "Theaaaaaaaaaaaaa"-Veronica Pumasok naman si Thea dala ang kanyang gamit , pumunta si Veronica at Aya sa kinalalagyan niya at tsaka niyakap siya nang mahigpit "Alam na kaya nila ?" Sabi nitong katabi ko , alam ko kung anong tinutukoy niya Hindi kase namin sinabi sa Buong klase ang natuklasan namin na nag-dadalang tao siya Isa pa ayaw naman namin siyang pangunahan , lalo na sa pag sasabi sa mga kaibigan niya, lalo na't naging mabuti na ang pakikitungo sa amin nina Nikka. Pumasok naman nang tuluyan si Thea pagkatapos siyang yakapin nina Nikka at Aya. Tumingin naman siya sa dako namin ni Angel at tsaka ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD