Chapter 22:Adviser

1097 Words
Jasmin's POV Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang sunod-sunod na namatay ang iba naming kaklase . Tatlong Linggo na din ang nakalipas nang huling magpakita ang lalaking iyon, ang lalaking nag mumulto sa amin, sinabi sa akin lahat ni Marvin ang nangyari , kung paano ba namatay si Mark, pero wala naman silang ideya na namatay din pala si Renz nang mga Oras na iyon Sinabi namin ang lahat nang nangyari , pero parang hindi naniniwala ang mga pulis, maging ang mga guro sa aming eskwelahan ay naguguluhan kung ano nga ba ang nangyari sa Section namin, kaya naman natigil ang imbitagasyon ng mga pulis. Ikinagalit naman ito nang magulang ng mga kakase namin na binawian nang buhay , maging sila ay galit na galit sa amin. Naniniwala sila na kami ang dahilan kung bakit ang mga ito ay namatay. "Oy, Jas. Sabay na tayo ." "Ahh, sige lang " kaya naman sumabay na sa akin paakyat si Jhunrey at Heidi About naman sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pinapansin na nila ako . Basta pagkatapos nang nangyari na iyon ay nagulat na lang ako na pinapansin na kami nang buong klase , pati na din si Angel. Pagka-akyat namin sa 5th Floor ay kapansin pansin ang ibang tingin nang mga taga ibang section. Halos lahat sila ay parang lumalayo. After din nang nangyari iyon , nag iba na din ang tingin ng ibang istudyante sa aming mga taga Class 103 Maging ang mga Guro namin sa ibang asignatura ay parang nilalayuan kami , kung magtuturo man ay mga kalahating oras na lamang . Tatlong Linggo na din na hindi namin nakikita si Ma'am Mila . Hindi din namin alam kung naki-libing ba siya nuong libing ng iba naming kaklase . Hindi naman kase kami naki-libing sa kahit isa sa kanila sapagkat galit sa amin ang mga magulang nila. "Ang hirap talaga kapag artista ka" sabat ni Angel. nandito na pala siya "Haha Sira , may artistang bang nilalayuan "- Jhunrey Agad naman kaming pumasok sa loob ng Room namin . "Whhoo! Natapos din ang apat na minutong kalbaryo" -Heidi "Oyy, Heidi , Jasmin! Dali may sasabihin ako" tawag sa amin ni Caryl at agad naman kaming pumunta duon. Caryl's POV "Omeged!" Napabulalas ako sa pinakita sa aking litrato ni Rina "Ano ba? Ingay mo naman!" Sabi niya sa akin. Pinakita niya kase sa akin ang Picture ni Ma'am Mila na ibang-iba na ang itsura simula nang makita namin siya nuon. "E kase naman , ang laki na nang pinagbago ni Ma'am " saad ko "Na-istress yun malamang sa malamang" -Rina Biglang may pumasok at nakita ko na pumasok sa Loob . Iilan pa lang naman kase kami dito . "Oyy, Heidi, Jasmin! Dali may sasabihin ako" agad kong tawag sa kanila. Agad naman silang lumapit sa amin . "Bakit?" Tanong ni Rey. Agad naman naming pinakita sa kanila ang litarato ni Ma'am Mila. At kagaya ko nagulat din naman sila. "Saan mo naman nakuha yan?"-Jhunrey "Edi sa i********:" saad ni Rina. Nagkwentuhan lang kami nang nag-kwentuhan hanggang sa dumami na kami sa Classroom Saveena's POV "Sa tingin mo, okay na kaya lahat ?" Tanong sa akin ni Marvin "Ewan ko , pero sana Oo." Sagot ko na lang Nandito kami ngayon sa Rooftop, break namin ngayon. At kagaya nang dati, simula nang nangyari iyon, madalas ,wala nang pumapasok na Guro sa amin, minsan minsan lang . "Bakit mo nga pala ako inaya dito?" Tanong ko naman sa kanya "Tungkol kay Angelo" sagot niya "Oh, anong meron?" "Kanina nung nag f*******: ako , may lumabas sa notification ko" Mukhang naging interesado naman ako sa kwento niya kaya naman nanatili lang akong tahimik "Mag-iisang buwan na simula nang nangyari ang Birthday niya at ang nangyaring p*****n nung nakaraang buwan. May hinala ako na ....... Baka may mangyari nanaman ngayong na darating nanaman ang 27." Medyo naguluhan naman ako dun "Teka? Anong ibig mong sabihin? Na may konekyon ang pagpatay niya sa Araw kung kelan ang kaarawan niya?" "Hayst!, ewan basta . Parang oo, parang... Ganun" sagot ulit niya Ti-nap ko siya sa likod niya. "Marvin, wag na tayong mag-isip nang kahit na ano. Okay na ang lahat" saad ko na lang tsaka bumaba sa 5th Floor. Ayaw kong isipin na mangyayari nanaman ang nangyari last month. Ayokong isipin na babalik nanaman siya, para patayin kami. Marvin's POV Hayst! Sabi na nga ba at hindi maniniwala si Saveena e , hindi niya ako naiintindihan Malakas ang kutob ko na baka mangyari nanaman ang nangyari Labis ko kaseng pinagtataka kung bakit may lumabas pang Notification sa akin na nagsasabi na 'It's been 1 month since Angelo's Birthday' Kaya naman labis akong nag-aalala. Naalala ko din na June 27 pala namatay nuon si Angelo. Siguro ay hindi na iyon naaalala ni Saveena. Kaya nasabi ko sa kanya ang mga bagay na iyon, pero umaasa din ako na sana Okay na lahat , na sana tumahimik na siya . Adee's POV Kakatapos lang ng breaktime at halos lahat kami ay nandito na sa loob ng kwarto namin , kahit na may nangyaring hindi maganda sa amin nuon ay unti-unti namang bumabalik ang sigla nang bawat isa "Hay naku , sayang Voucher" dinig kong sabi ni Shaya ang seatmate ko . "Kaya nga e , sayang pera " pag-sang ayon ko naman . Nag iba talaga ang tingin nang lahat sa amin , kaya naman nilalayuan kami nang ibang mga istudyante tsaka ng mga guro namin sa ibang asignatura Maging ang kaibigan ng ibang naming kaklase sa ibang section ay hindi na sila pinapansin. Mabuti na lamang at hindi ganun ang lovable boyfie ko . "Uy Adee tara , Selfie tayo" pag aaya sa akin ni Nikka kaya naman ay agad akong pumunta a upuan nila para mag Selfie. Naging maayos na din ang pakikitungo namin sa kanila, simula kase nang sinamahan ni Jasmin at Angel si Thea ay naging mabait na ang mga ito Speaking of Jasmin, marahil ay nagtataka kayo kung bakit pinapansin na namin siya pagkatapos kase nung araw na iyon ay kinausap kami ni Marvin na pansinin na daw namin si Jasmin sapagkat hindi kami matutulungan nito , kakailangan daw namin ang bawat isa Katulad ng ginawa ni Jasmin at Angel kahit na hindi namin sila pinapansin nuon ay nagawa pa din nilang tumulong , pero hindi na namin pinaliwanag kay Jasmin ang dahilan kung bakit ba hindi namin siya pinapansin nuon. Baka may malaman pa siya Habang nag se-selfie kami ay may biglang pumasok na isang babae at dumeretso sa teacher's table . Hindi ko alam kung namali lang siyang pumasok , dahil ngayon lang namin siya nakita . Humarap naman siya sa amin at tsaka ngumiti "GoodMorning Class 103, I'm Ms.Cath , your new Adviser "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD