Jasmin's POV
Hindi ako makapaniwala sa nangyari ?! Pa-paano nangyari iyon ? E kanina lang kausap ko pa lang siya t-tapos ngayon
Nasa baba na ang kanyang katawan at patay na . Nagtinginan naman ang mga tao sa itaas at alam kong nakita nila kami ni Angel.
"s**t!" Sambit ni Angel
Agad naman naming nakita ang mga guard na nag tatakbo sa loob ng building .
This can't be! Mapagkakamalan pa yata kami!
"Huwag na tayong umalis dito . Baka mas lalo nila tayong paghinalaan kapag tumakbo pa tayo" wika ni Angel
Tama , alam naming wala kaming ginagawang masama, at mas lalong HINDI NAMIN ALAM ang mga nangyayari!
Maya maya ay nakarating na ang mga guards sa rooftop , may iba namang sumunod na istudyante.
At pinagtitinginan kami , alam ko ang mga iniisip nito .
"KAYONG DALAWA! BAKIT NINYO TINULAK ANG BABAENG YUN!" Sigaw sa amin ng guards.
Bigla naman akong nainis aa sinabi ng guard na yun pero hindi ko siya pwedeng sagot sagutin .
"Hindi po kami ang tumulak sa kanya" mahinahon pero seryosong pagkakasabi ni Angel
Nakita kong nandirito na din sina Saveena at sina Rina
Akma sana kaming susugurin ni Maria pero naawat naman siya nina Marvin.
"ANO TONG GINAWA NIYO JASMIN!!!! ANO TONG KAHAYUPAN!!!! HA!!"
sumisigaw at mangiyak ngiyak na sabi sa amin ni Maria .
Natulala na lang ako nang makita ko ang isang pigura ng lalaki na nakahalubilo sa mga istudyante duon, ang lalaki na walang mata .
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Marian at naitulak niya ako.
Hangang sa nakita ko na lamang ang aking sarili na nakatumba sa sahig
Patuloy pa din sila sa pag-awat kay Maria. Samantalang ako naiyak na lang bigla. Niyakap naman ako ni Angel
"Okay lang yan Jas. wala tayong gingawang masama ...wala"
Alam kong pinapalakas lang niya ng loob ko .
May mga dumating naman na teacher at agad pinalabas ang mga istudyante. Dinala naman nila kami sa D.O nandito na din si Ma'am Mila at Tito Oliver.
Nakikita ko naman mula sa labas ng pintuan ang Class 103 marahil ay nag aabang sila kung bakit at ano ba talaga ang nangyari .
Rina's POV
Kakatapos lang namin kumain , at dahil half hour pa ang natitira e napagpasiyahan naman nila na manatili na lang muna sa kinauupuan namin at nilabas nila ang ibang mga assignments, At ginawa na nila
"Hayys , nagi-guilty na talaga ako sa hindi natin pag pansin kay Jasmin" sabi ni Adee.
"Yeah" pag sang ayon ko naman
Maya-maya ay nakita namin ang tatlong guards na tumatakbo paitaas , sinundan naman ito ng ibang mga istudyante .
"Teka anong nang yayari?" Curious na sabi ni Heidi
"Maria! Bakit? Bakit ka umiiyak?" Sigaw ni Caryl
At nakita namin si Maria na nag mamadali din pumunta sa itaas at umiiyak
"SI JASMIN! PINATAY NILA SI GENEA!" pasigaw na sabi ni Maria at nag patuloy nang umakyat sa taas
"Ano daw?" Naguguluhang sambit ni Caryl kaya agad kaming umakyat at duon ay nakita naming kinakusap ng tatlong guard si Jasmin at si Transferee girl , nakalimutan ko pangalan niya e.
"Anong nangyari?!" Nandito na din pala sina Marvin
"Hindi namin alam" sabi ni Jhunrey
At maya maya ay sinugod ni Maria si Jasmin at napa upo ito.
Inaakusahan niya na Pinatay daw ni Jasmin si Genea .
Wait si-si GENEA??! PA-PATAY NA??!
Inawat naman nina Brix at Marvin si Maria na galit na galit pa din
May mga dumating na teachers at agad naman kaming pinababa
Nakita naming hinatid sa D.O sina Jasmin at si Transferee girl.
At duon ay dumating na ang ibang Class 103 at nag abang na lang sa Labas.
"Ano ba talagang nangyari ?" Tanong ni Mark
"Pinatay nila si Genea" sabi ni Maria habang pahikbi hikbi
"Paano mo naman nasabi na pinatay ni Jasmin si Genea?" Tanong ko
"Nakita ko! Nakita ko mismo ! Nang mahulog si Genea mula sa Rooftop nakita namin silang dalawa!" Sigaw ni Maria sa akin
Di ko na siya papatulan alam ko namang nadadala lang siya sa nararamdaman niya.
"Maria , huminahon ka lang muna, hindi pa natin alam kung ano ba talaga ang nangyari" saad ni Saveena
"Yun yung nangyari! Pinatay nila si Genea! Yun yun!"
At pagkatapos ay umiyak muli si Maria .
Angel's POV
Nandito kami ngayon sa D.O
Hinihintay yung mga pulis. Hayt nang dahil sa umakyat lang kmi sa Rooftop e naging suspect pa kami
"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong nang adviser namin na halos masabunutan na niya ang kaniyang Buhok
"Ma'am maniwala kayo, wala po kaming kinalaman, sa-sa nangyari, ka katunayan po niyan e nakita ko pa nga po si Genea na bumaba ng Hagdan"
Paliwanag ni Jasmin. Pero anong sinasabi niya ? Nakita niya pa si Genea na bumaba ng Hagdan?
Naalala ko bigla ang mga sinabi niya nung umalis siya sa bench habang nag uusap kami , bigla niya sinabi na tinitignan niya daw si Genea , Weird daw kase.
"Nakita mong bumaba ng Hagdan? Pero bakit niyo siya tinulak?" Sabat nung guard
"TEKA NAMAN HO! HINDI NGA PO KAMI ANG GUMAWA NUN!" halos pasigaw na sabi ko
"MISS ABANAG!" sigaw ng Adviser namin
Napatahimik na lang ako , bakit ba kase kami ang dinidiin ng guard na to ? Bwesit
"Pasensya na Ma'am pero ma-walang galang na po, magpapaliwanag na lang po kami mamaya sa mga pulis" saad ko
"At ikaw kuya, Guard ka, hindi ka imbestigador at mas lalong hindi ka Abogado , para idiin kami sa isang bagay na hindi nga namin ginawa"
dagdag ko , kanina niya pa kase kami pinagbibintangan e, narinig ko namang pinalabas siya nina Ma'am Mila at Sir Oliver ng pinto kasama ang dalawa pang Guard
matapos iyon ay umupo na ako sa upuan.
Tinignan ko naman si Jasmin, mukhang nag-aalala na siya kung ano ba ang mangyayari sa amin
"Huwag kang mag-alala Jasmin, wala tayong ginagawa kaya wala tayong dapat ikabahala"
Salaysay ko sa kanya.
"Papunta na ang Mama mo"
Seryosong sabi ni Sir Oliver kay Jasmin na hindi ko mawari kung galit ba siya o hindi.
Marvin's POV
Patuloy pa din sa Pag-iyak si Maria na ina-alo alo naman nina Thea.
"Sabi ko na nga ba e! May tinatagong Agenda yang Jasmin na yan!" Pasinghal na sabi ni Thea
"Pwede ba! Wag muna tayong mang-husga! Wala pa naman tayong alam" sagot naman ni Adee
Marahil ay nahihirapan din sila kase kaibigan nila ng dinidiin
Pero.... Magagawa nga kaya nina Jasmin na itulak si Genea? Kung ganun Bakit?
"Siguro, kaya nila tinulak si Genea kase hindi natin sila pinapansin! Kaya nag pasya silang dalawa na awayin si Genea at tinulak nila ito!" Pasabat na sabi ni Veronica
"Ayaw niyo talagang tumigil ha !"
Sigaw ni Adee na susugurin sana ang Dalawa
"Ano ba?! Dumadagdag pa kayo sa g**o e noh?! Mahiya naman kayo!" Duon ay sumabat na ako.
"Walang kasalanan sina Jasmin"
Napatigil kaming lahat nang biglang magsalita si Bunny.
Teka ? Wala pala siya kanina.
"ANONG WALA?! MERON ! AT NAKITA KO YUN!" parang nabuhayan na sigaw ni Maria na kanina lang e tahimik na umiiyak
"Bakit? Nakita mo ba na tinulak nila si Genea?" Mahinahon na tanong ni Bunny
Natahimik naman ng kaunti si Maria
"See, hindi mo nakita ng buo ang nang---"
"WALANG AKONG PAKI! NAKITA KO ! NAKITA KO SILA SA ITAAS PAGKATAPOS NA MAHULOG SI GENEA! .... *sniff* ano pa bang maiisip kapag ganun?! ... Sila lang ang kasama ni Genea ng oras na yun kaya sila ang Killer!!!"
Sumbat ni Maria
"Bahala kayo , basta ako na ang nagsasabi . Wala silang kasalanan" seryoso nitong sagot at umalis na sa harapan namin
Totoo kaya ang sinasabi ni Bunny?