Genea's POV
Pumasok ako ng maaga ngayong araw
dahil halos hindi naman ako nakatulog nang maayos, kaya napagpasiyahan kong pumasok na lang.
Tinignan ko ang ang relos ko at nakita kong 5:30 pa lang pala ng umaga. Medyo madilim pa kaya wala pang istudyanteng makikita sa loob ng School. Sinu-wipe ko ang I.D ko para tuluyang makapasok sa gate.
Bumati sina kuyang Guard ng 'Goodmorning' pero nginitian ko na lang sila bilang sagot, pumasok na ako sa building at nakita ko na may iba din palang mas naaga kaysa sa akin, wala naman kasi akong nakita sa labas.
Agad ko namang tinungo ang elevator at agad na pinindot ang 5th Floor.
Nang makababa ako ay nakita kong sobrang dilim pa din sa hallway. Nakita ko ang switch sa may tabi ng hagdan kaya binuksan ko na ang ilaw.
Dumeretso na ako sa pintuan ng classroom namin at agad ko itong hinila para buksan. Hindi ko naman inaasahan na bukas na talaga siya. Karaniwan kasi e ala-sais ito binubuksan ng mga janitor kaya nakakagulat lang na nakabukas na agad ito.
Nang makapasok ay binuksan ko ang isang ilaw at nagulat ako nang makita kong may kaklase na pala akong mas nauna pa sa akin.
"Oh nandito ka na pala, hindi mo manlang binuksan yung ilaw, natakot tuloy ako sayo"
Sabi ko sa kanya na natatawa habang binababa ang aking mga gamit sa upuan. Hindi naman ako nakarinig ng kahit na anong reply galing sa kanya
Nasa unahan kase siya naka-upo .
Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na ako sa upuan ko. Ti-next ko sina Jhorene at Maria na nandito na ako sa classroom.
Nakaramdam naman ako ng init. Jusko! hindi pa pala nakabukas ang Aircon.
"Bakit di mo pa binuksan yung aircon? Kanina ka pa dito, ang init tuloy"
Tumayo ako at pupunta na sana sa harapan kung nasaan nakalagay ang remote ng aircon .
Papalapit na ako nang mapatigil ako sa paglalakad ...
Tumayo ang aking mga balahibo
Dahil ngayon ko lang nakilala kung sino ba ang kasama ko ngayon sa classroom na ito.
Third Person POV
Halos lumaki ang mata ni Genea nang mapansin niya kung sino ang nakaupo sa harapan ...kung sino ba ang kasama niya.
Bagama't takot ay unti unti namang humakbang patalikod ang dalaga. Kahit na hirap na hirap siyang igalaw ang kanyang katawan dahil sa sobrang gulat at takot.
Kinuha niya ang cellphone niya sa upuan niya nang matapat siya rito at tumingin muli sa harapan.
Duon ay pinagpatuloy niya ang paghakbang patalikod , malapit na siya sa pintuan nang makita niyang unti unti itong humarap sa kanya.
Duon ay nakita niya ang mukha ng lalaki na kasama niya...
Ang lalaki , wala itong mata!!
"Aaaaaaaahhhhhhhhhhh" hindi na napigil pa ni Genea ang sarili at agad ay nagsisigaw siya, sapagkat sobra na ang kaba na nararamdaman niya .
Halos itulak niya nang malakas ang Pintuan nila at buong lakas siyang tumakbo , ninais niyang bumaba para makahingi ng tulong pero, bababa na sana siya sa 4th floor ng makita niya ang lalaki duon , nakatayo at nakangisi.
Kaya agad ay pumataas siyang muli , hindi na niya alam ang ginagawa niya , basta ang gusto niya lang ay tumakbo ng tumakbo at makalayo sa lalaking nagpapakita sa kanya.
Napunta siya sa pinakataas na bahagi ng gusali na iyon, ang rooftop.
Duon ay hindi niya na napigilan ang sarili, naiyak na siya dahil sa sobrang takot at naihi na din sa kanyang palda.
nakita niya na lumabas na din ang lalaki na sumusunod sa kanya. ..sobrang nakakatakot ito, puro dugo ang damit at walang mata. Ibinuka nito ang bibig at lumabas ang isang tunog
'Aaaaaaaaaaaaakkkkkkkkkk'
Tuluyan nang hindi nakagalaw ang dalaga at duon ay nakalapit na sa kanya ang lalaki.
Sobrang nanlalaki ang mga mata ni Genea. Ninais niyang sumigaw pero hindi na niya magawa.
"Magbabayad kayo" pabulong na sabi ng lalaki
At isang sigaw na lang ang napakawalan ni Genea sa Rooftop na iyon.
Jhorene's POV
Hayst! Pasaway naman si Genea , Breaktime na pero wala pa din siya!? Yung totoo.
Alam kong pumasok siya kase nagtext siya sa akin kanina at nandito ang Bag niya. Pero nag start na't lahat ang klase ay hindi pa din siya sumasagot .
"Ano? Na Contact mo na ba? Gutom na akooooooo" pag rereklamo nitong kasama ko , si Maria.
"Wait lang! Ito na nga oh" patuloy pa din na nagri-ring ang telepono at sa wakas ay sinagot na niya ito
"Hay Salamat! Sinagot mo na din! Nasan ka ba ha?! Hindi mo nanaman pinasukan ang Major Subject natin" sunod sunod na sabi ko
"Oh sinagot na? Nasan daw siya?" Singit ulit ni Maria
Pero 10 segundo ang lumipas ay hindi pa rin siya nag sasalita
"Hello? Gen? Ano ,nasan ka ba ?"
"Nasa baba ako" sagot nito at biglang naputol ang tawag
"Oh nasa baba daw siya, halika na !" Sabi ko kay Maria
"Anong ginagawa niya dun? e hindi naman tayo papalabasin ng guard" -Maria
Hindi ko na lang pinansin si Maria at agad ay pumunta ng elevator tsaka pinindot ang 'G'
Jasmin's POV
Umakyat na ako mag-isa sa canteen. Yup Mag-isa ulit ako, hindi pa din ako pinapansin nina Saveena at Adee.
Nalulungkot ako , oo , kase siyempre hindi ko alam kung bakit nila ako iniiwasan.
"Hi" bati sakin ng isang babae. Ito yung bagong Transferee.
"Angel ka diba?" Sabi ko.
"Omo! Buti naman pinansin mo ako ! Omyghad" singhal niya at tsaka ako niyakap
Medyo na awkward ako sa ginawa niya kaya gumalaw ako ng onti
"Ay Sorry. Hahahaha nagulat lang kase ako , yung iba kase nating kaklase hindi ako pinapansin e hindi ata ako welcome dito" saad niya na may tunong malungkot sa boses nito
"Yeah, alam ko" sagot ko na lang
"E bakit nga ba hindi nila ako pinapansin?! Pangit ba ako?! Kapalit-palit ba ako ? E ikaw , bakit pinansin mo ako? Ibig sabihin maganda ako sa paningin mo??"
Sabi niya ng may pagalit na ekspresyon at napalitan ng ngiti
"Haha , hindi noh...... Parehas lang kase tayong hindi pinapansin"
"Ha?! So pangit ako para sayo??!!!.... Pero bakit nga ba hindi sila namamansin?? teka, transferee ka din ba?? " pagtatakang tanong
niya
Nagkibit balikat na lang ako at sinagot lahat ng tanong niya
"hindi, ewan, oo" sabay ngiti.
"Ha? Ano? " naguguluhang tanong niya
"Wala" sagot ko na lang
"E , kung ganun naman pala edi tayong dalawa na lang ang mag-sama! Tutal naman pareho tayong hindi pinapansin ng mga impakto nating kaklase " halos pasigaw na sabi niya
Natawa naman ako sa inasal niya.
"Oh sige tara na nga ,nagugutom na ako e" sabay hila niya saakin papunta sa itaas.
Humanap kami ng bakanteng upuan , nakita ko din ang grupo nina Saveena na nakatingin sa akin pero bigla naman nilang iniwas ang mga tingin nila
Medyo nalungkot naman ako , kase nga wala talaga akong alam kung bakit nila ako nilalayuan
"Hoy!" Sigaw nanaman nitong kasama ko
"H-ha? Ba-bakit?" Tanong ko
"Sabi ko duon na lang tayo oh"
Sabay turo niya sa isang bakanteng table sa tapat ng glass window
"Ako na o-order , ano ba ang gusto mo ?"
"Sure ka? Sige ahmm Lasagna na lang ."
Sagot ko
"Toroyyy! Yan na nga lang din ang bibilhin ko"
Agad naman akong nag bigay sa kanya ng pera , sakto lang para ibayad duon. Tsaka tinungo ang table na kanina lang ay nakita namin.
Tumingin ako sa labas at mukhang malungkot ang langit , gaya ko
"Ito naaaa. " sabi ni Angel tsaka nilapag ang ang Lasagna na nasa Tray , agad naman kaming kumain at nag kwentuhan ng kung ano-ano , kinuwento niya sakin na k-pop lover daw siya at kung ano-ano pa. Sobrang daldal ng babaeng to.
"Hayst ang tagal pa ng oras natin oh , may half hour pa" saad niya
Kakatapos lang namin kumain
"Kung gusto mo akyat muna tayo sa rooftop at magpahangin"
Mukha namang naliwanagan ang muka niya at tsaka kami pumunta sa rooftop.
"Bakit walang tao?" Tanong ni Angel
"Baka nag sibabaan na sila."
Tahimik lang kaming naupo sa Bench na nanduon
"Alam mo ba , napilitan lang talaga akong mag transfer dito"
Panimula niya
"Bakit naman?"
Huminga muna siya ng malalim tsaka ako sinagot
"Nag-abroad kase si mama e , kaya iniwan niya muna ako sa Tita ko , duon ako ngayon nakikitira" malungkot na saad niya.
"Ahhhh, ako din naman e napilitan lang na pumasok dito"
"Bakit? Nag-abroad din ba mama mo?"
Bahagya naman akong natawa, sasagot na sana ako ng mahagip ng mga mata ko si Genea na nakatayo malapit sa pintuan ng Lumang Facualty Room
Agad naman akong tumayo at pinuntahan siya sa pinaroroonan niya. Naiwan naman si Angel na nakaupo pa din sa Bench
"Genea , bakit ka nandito? Kanina ka pa hinahanap nina Jho. Bakit hindi ka pumasok? " tawag ko sa kanya
Tumingin naman siya sa akin tsaka ngumiti. Nagulat ako kase pinansin niya ako at nginitian pa .
"Mag-iingat kayo"
sabi niya tsaka siya naglakad papunta sa loob at bumaba ng hagdan .
Naguluhan naman ako sa inasal ni Genea.
"Sinong tinitignan mo diyan?"
Tanong ni Angel.
"Si Genea, ang Weird niya kase"
"Si Genea? E hindi naman pumasok si Gen--"
Hindi na natuloy pa ni Angel ang sasabihin niya dahil nakarinig kami ng sigawan mula sa ibaba.
Agad naman kaming napatakbo sa gilid at tumingin sa ibaba , duon ay nagulat ako sa aking nakita.
Naroon sa baba ang WALANG BUHAY na katawan ni Genea!!