Chapter 9 : Return

1801 Words
Jasmin's POV Umuwi na agad ako after nang Dissmisal kase mukhang wala silang balak na pansinin ako. Agad naman akong nahiga , whooo isang nakakapagod na araw nanaman. Hangang sa nakatulog na ako .. ○○ Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mga impit na hikbi. Tumingin ako sa paligid at nagulat ako nang makita kong wala ako sa kwarto ko. Teka? Bakit nasa School ako? At nakahiga sa Bench? Tumayo ako na labis pa ding nagtataka. Sobrang dilim ng paligid, tanging ang ilawan sa poste lamang ang nagbibigay ng liwanag dito. Tumingin ako sa itaas ng makita kong walang ilaw sa mga building ng School namin. E bakit ba kasi nandito ako? Sa pagkakaalam ko umuwi ako kanina tapos nat- 'Aaaaaaaaaaaaakkkkkkk' Natigil ako ng makarinig ako ng isang kakaibang tunog. Tunog na parang nagbubukas ng pinto na dahan dahan. Natigilan ako sa pag iisip nang maalala ko kung ano ang pamilyar na tunog na 'yun. Bigla akong kinabahan . . . Jusko! Hindi ako nagkakamali, s-siya 'yun! Ipinikit ko agad ang aking mga mata Ayokong makita ang lalaking yun, a-ang lalaking walang mata. Ilang segundo ko pang ipinikit ang mata ko nang dahan dahan namang nawala ang tunog na 'yun. At dahan dahan ko din iminulat ang aking mga mata. 'Duon ay nakita ko ang isang lalaki na nakabitay sa tapat ng posteng kinatatayuan ko ngayon. Labis akong nagulat at kinabahan, gusto kong tumakbo, g-gusto kong sumigaw! pero hindi ko magawa. Sino tong lalaking to? Hindi ko maintindihan ang sarili ko, para bang ayaw kong i-alis ang paningin ko sa lalaking nasa poste . . . Pero mas lalo akong nagulat sa sumunod na nangyari . . . . Mula sa walang malay na katawan ay biglang nabuhay ang nakabitay na katawan, minulat ang mata at 'duon ko napagtanto na ito ang lalaki na laging nagpapakita sa akin! Ang lalaking walang mata! Parang wala na lang sa kanya kung nakabitay siya dahil parang hindi naman siya nasasaktan sa kalagayan niya. Biglang nagkaroon ng dugo ang kanyang maputing damit, at ngumiti siya sa akin na siya namang lalong nagpakaba sa akin, hindi ko pa lalong maigalaw ang aking katawan, hindi ko pa mabuka ng aking bibig. Nais kong sumigaw at humingi ng tulong pero hindi ko magawa! Naramdaman kong basa na ang inaapakan ko lupa, ibinaba ko ang aking paningin at nakita ko ang madaming dugo na naroon. S-saan to nang-galing? Ibinalik ko ang aking paningin sa lalaki at labis akong nagulat na wala na siya sa poste. Kundi nasa harapan ko na siya! Naramdaman ko ang malamig niyang kamay na nasa aking leeg, sinasakal niya ako! T-tulong!!! "AAAAAHHHHHHHH!!" Dahil sa labis na takot ay nakasigaw ako ng malakas. Gusto ko nang umalis dito! Gusto ko nang mawala ang lalaking to! "HUMANDA KAYO! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!" Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Naramdaman ko pa din ang malamig niyang kamay sa aking leeg. Unti-unti ko nang nararamdaman ang sakit, hindi na ako makahinga! Hindi ko na kaya. . . . . . . . . . . . "DIYOS KONG BATA KA!" Naramdaman kong lumapit sa akin si Mama at niyakap ako, nakita ko din naman si Lola na umiiyak. Pe-pero bakit? "AKALA KO MAWAWALA KA NA!" Sambit ni Mama sa pagitan nang kanyang mga iyak, samantalang ako ay tulala pa din at hindi alam ang nagyayari, ngayon ko lang napansin na may hawak na kung ano si Lola, parang palaspas. Pero. . . Ano bang nangyayari? ●● Third Person's POV Natapos nang maghain si Rose, ang Ina ni Jasmin. Kaya naman umakyat siya sa taas upang tawagin na ang anak para kumain, hindi pa kasi ito bumababa simula ng makauwi ito galing eskwelahan. "Jasmin, anak? baba na kakain na" Tawag niya sa pagitan ng mga katok niya, ngunit hindi naman sumagot ang dalaga. "Jasmin! bumaba ka na" Tawag muli ni Rose sa anak, iniisip niya kasi na baka nakatutok nanaman ito sa cellphone kaya hindi napapansin ang pag-tawag niya. Kumatok siyang muli ng ilang beses bago niya kinuha ang spare key ng pinto, naisip niya kasi na baka nakatulog ang anak kaya hindi siya pinagbubuksan nito. Mabilis niyang pinasok sa butas ng susi sa pintk nguniy nang mabuksan niya ito ay laking gulat niya nang makita ang anak na lumulutang sa ere! "NAYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!" Malakas niyang pagtawag sa ina na si Remy. Kinakabahan siya sa maaring mangyari sa anak niya. Narinig naman ng matanda ang pagtawag ni Rose kaya naman dali-dali din itong umakyat sa itaas na may nababahala na ding ekspresiyon. Nang makarating ay nanlaki din ang kanyang mata nang makita ang kalagayan ng apo. "NAYYY! TULUNGAN MO ANG ANAK KO!!!" mangiyak ngiyak na tangis ni Rose, mabilis namang pumunta ang Matanda sa kwarto niya at kinuha ang mga kagamitan niya 'nuong siya ay nag gagamot pa, kinuha niya ang mga kagamitan na ginawa niya pa 'nuon para sa pang-gagamot. Mabilis din siyang bumalik sa kwarto ni Jasmin at natigilan ng saglit nang maramdaman niya ang ispirito na kasama nila. Napakalas na enerhiya ang nararamdaman niya, at dahil 'dun ay nilabas niya agad ang isang palaspas at nilapitan ang kama ng apo, ibinuhos niya din ang isang langis sa lumulutang na katawan ng apo. Ito ay langis na mula pa sa kanyang ninuno na ginagamit talaga kapag may sinsaniban o kapag may gustong paalisin na masamang elemento. "LUBAYAN MO ANG APO KO!!" Sigaw nito, ngunit sadyang malakas ang Ispirito na kasama nila, alam niyang malalagay sa kapahamakan ang apo kung hindi niya agad mapapalayas ang masamang ispirito. "LUBAYAN MO ANG APO KO!" kahit na nakakaramdam na nang panghihina ay hindi niya itinigil ang ginagawa, binibigkas niya na rin ang isang dasal na hindi nauunawaan ninuman. Samantala ay iyak lang ang nagagawa ni Rose sapagkat natatakot siya sa maaring mangyari sa kanyang Anak. Inulit muli ng Matanda ang mga salita na binitawan niya kanina at matapos ang ilang minuto ay bigla na lamang nahulog ang katawan ni Jasmin sa kama nito. Nagkaroon pa ng panandaliang katahimikan at nang makita nila na namulat ng mata ang dalaga ay mabilis na pinuntahan ni Rose ang anak at niyakap, naiyak na din sa tuwa ang matanda ng makitang ligtas na ang kanyang apo. ●● Jasmin's POV. Bumaba kami sa salas at binigyan ako ni mama ng tubig, gusto ko silang tanungin kung bakit ba sila naroon sa kwarto ko at kung bakit may hawak na kung ano si lola. "La, ano po bang nanyari?" Tanong ko sa kanila, mula kasi ng bumaba kami ay hindi pa din natitigil sa pag-luha sj mama. "Apo. Wala ka bang naalala?" Iiling na sana ako ng maalala ko bigla ang napanaginipan ko kanina, T-tama. . . . nabangungot na naman ako. At. . . . Y-yung lalaki. . . N-bagbalik siya! "Apo, sabihin mo nga sa amin, ano ba ang napapanaginipan mo?" Tumingin ako kay lola na may pangambang ekspresiyon, hindi ko na to kayang itago. . . . Natatakot na ako. . . . . Naramdaman ko na tumulo na ang mga luha ko, hindi ko na napapansin na nanginginig din pala ako dahil sa napanaginipan ko. Naramdaman ko ding hinawakan ako ni lola sa kamay, umupo naman si mama sa tabihan ko at hinahagod ang aking likuran. "La. . . y-yung lalaki, bumalik siya. . . Bumalik siya La. . . . N-natatakot po ako" Lalong bumuhos ang mga luha ko na kanina pa nagbabadya, kanina. . . Parang totoo na talaga, a-akala ko mamamatay na ako. Umiyak ako ng umiyak at napayakap kay mama. Alam kong umiiyak na din sila dahil nakikita nila ako sa ganitong sitwasiyon. Binigyan naman ako ni lola ng isa pang baso ng tubig at agad ko yung kinuha at ininom "A-ayos lang yan anak, okay lang lahat" sambit ni mama. Nang medyo okay na ako ay napag-pasiyahan ko na ikwento kina lola at mama ang lahat. "Nagsimula po ito bago po kami lumipat dito sa inyo. . . ." Natigilan ako saglit, o-oo nga! hindi pa kami nakakalipat dito e napanaginipan ko na ang lugar na iyon, yung bench, yung poste at yung . . . Lalaki. "Tapos?" Napatigil naman ako sa pag-iisip nang mag-salita si Mama. "Tapos tuloy-tuloy na po, yung araw na n-nakita niyo din akong nababangungot, yung lalaking iyon din ang laman ng panaginip ko. Pero mas natakot po ako, nang minsang nag-pakita siya sa akin sa School. Akala ko po kasi dati panaginip lang. Pero nung nag-pakita siya sakin. 'Duon na po ako nangamba na, totoo siya." Paliwanag ko sa kanilawa, binalot nanaman kami ng katahimikan bago ulit mag-salita si Lola. "Apo, kilala mo ba ang lalaking iyon, o pamilyar ba siya sayo?" Napaisip ako saglit, Wala akong natatandaan na nakilala ko siya 'nuon kaya naman nagtataka talaga ako kung bakit ako ang pinupuntirya niya. "H-hindi po" Sagot ko kay Lola, may kinuha naman siyang isang bagay na mula sa basket na dala-dala niya kanina. Nilabas niya 'duon ang isang porselas. "Apo may ibibigay ako sayo, kung maaari ay huwag na huwag mo itong iwawala kahit saan ka mag punta o kahit ano pa ang gawin mo, maligo ka man o kahit na ano pa" Iniabot niya iyon sa akin, at sinuot ko naman ito sa aking kamay. "Mag-iingat ka Apo, dahil ang ispiritong iyon, ay hindi lang basta ispirito" Nakaramdam nanaman ako ng kaba nang marinig ko iyon kay Lola, A-anong ibig niyang sabihin? "B-bakit po La?" "Hindi ko alam kung bakit gusto niyang gawin ito, pero dapat malaman mo ang dahilan" Malaman ang dahilan? Pa-paano? E ni-hindi ko nga siya kilala. "Baka naman Nay may mensahe lang siyang gustong ipadala kay Jasmin, o kaya naman si Jasmin lang ang nakikita niyang makakatulong sa kanya" sambit ni mama sa pagitan ng usapan namin, ngunit mukhang hindi nakumbinsido si lola sa sinabi ni Mama. "Sa tingin ko ay malabo yan, hindi 'ganung ispirito ang hihingi ng tulong sa isang tao, may nais siyang gawin. . . . May nais siyang tapusin, naramdaman ko ang malakas niyang presensiya habang nilalabanan ko siya kanina" "Kung ganun nay, ano bang gusto niya sa anak ko?" Nangangambang tanong ni Mama kay Lola, pero hindi siya sinagot nito, bagkus ay tumingin sa akin na may pag-aalalang ekspresiyon "Basta Apo, mag-iingat ka. . . . Lumayo ka sa mga bagay o tao na lalong magpapatindi ng galit niya" "Pero b-bakit po? Tsaka La, hindi ko alam kung ano bang gusto niyang ipagawa sa akin." Tanong kong muli sa kanya. Kahit na alam kong imposible, gusto kong malaman kung ano bang papel ko sa buhay ng lalaking yun. "Wala siyang ipapagawa sa iyo dahil siya ang may gagawin sa iyo." Dagdag pa niya at tumingin sa akin. Lalo akong kinakabahan. . . . . . "A-ano po iyon?" Nauutal kong tanong kay lola. Gusto ko nang matapos ito, ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa akin? Ngunit labis kong ikinagulat ang mga sumunod na sinabi niya. . . . . . . . . "Gusto ka niyang patayin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD