Alex POV
Nakahiga na ako sa kwarto buti na lang at hindi kami iniwan ni Precious sa living room hanggang sa umalis si Sir Grey.
Hindi ko akalain ang mga nangyare hanggang ngayon ay hindi mag sink in sa utak ko na hello totoo ito.
Isang Attorney Gabriel Elijah Dela Torre, CEO of DLT Law Firm, multi billionaire bachelor of the country manliligaw sa isang simpleng katulad nya. Hayyy nailakumos ni Alex ang mga palad sa mukha nya.
Halos antok na antok pa siya ng pumasok sila ng pinsan nya dahil hindi ito masyado naka tulog.
Nagtataka din sila at halos magtatanghali na ay wala pa din ang boss nila.
Sumilay sa may pintuan si Precious
"Pstt.." sitsit nito sa akin "Ano ba sinabi mo kay Sir kagabi bago ito umuwi?" Tanong nito sa akin habang papalapit sa table ko.
"Wala naman nag good night lang naman sya so sabi ko ingat sa pag uwi and good night din" sagot ko.
Pero kahit ako ay nagtataka, dahil sa loob ng tatlong buwan ko dito ay hindi ito naabsent man lang kung malelate ay nag me-message na agad ito either sa akin ay kay Precious.
"Naku halika na sa pantry at nang makakain na tayo ng lunch" aya nito agad.
Pagkakain namin ay naghiwalay na din kami dahil may mga aasikasuhin pa ito na mga document na napirmahan kahapon na need na maibigay sa kanya kanyang department nito.
Pagbalik ko sa table ko ay tumunog ang phone ko at galing kay Grey ang message.
Grey:
Please eat your lunch on time. Sorry I can make it to call you this morning nasa emergency meeting ako sa isang client.
Ayun naman pala at nasa emergency meeting sya. Nagtipa nandin ako ng reply sa kanya.
Alex:
Tapos na kami, ikaw naglunch ka na ba?
Grey:
After this meeting na lang siguro.
Alex:
Baka gutom ka na, kain ka na muna. ?
Nakailang silip pa ako sa cellphone ko pero wala na syang response pa ulit baka busy na ulit sya kaya hindi ko na din kinulit pa.
Hanggang sa mag uwian na ay walang Grey na dumating sa office ganun siguro kalaki ang client na ito.
Nag-grocery muna kaming magpinsan sa isang malapit na store sa condo.
Habang tulak tulak ko ang push cart papunta kay Precious hindi naka ligtas sa mata ako ang isang babae at lalake na nasa may can goods area. Kahit naka talikod ito ay kilala ko ang tindig nya. Naka white tshirt ito at denim jeans at white sneaker shoes.
Nanlaki mga mata ko ng makita ko ang kasama nyang babae, buntis ito at isa ito sa mga napunta sa office nya. Kapag ito ang bumisita pinalalabas nya muna ako kaya hindi ko alam kung ano meron sa kanila. Ayaw ko din magtanong kay Precious baka akalain pa ng pinsan ko na chismosa ako.
Dali dali akong nagtungo sa meat corner kung nasaan si Precious para hindi ako makita ni Grey.
"Tagal girl ahh dishwashing at napkin lang kukunin" ismid sa akin ng pinsan ko. Hindi na lang ako kumibo hanggang sa makauwi kami ay tahimik ako.
Pero hindi ko na kinaya ng makapasok ako ng kwarto ko. Tuluyan ng tumulo ang luha ko, ano nangyayare sa akin bakit nasasaktan ako.
Ito ba ang tadhana ko ang lokohin ng lokohin ng mga lalaking nakikilala ko. Una si Edward tapos ngayon naman si Grey na kagabi lang ay nandito para magpaalam na manliligaw daw.
"Kanina lang may pa text text pa, tapos makikita ko nalang na may kasamang ibang babae buntis pa" pagmamaktol ko habang nag aayos ako
Nakahiga na ako at walang balak na lumabas ng kwarto wala din naman akong ganang kumain pa ng bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Baks may bisita ka" bungad nito
"Baks di ko kaya masakit talaga ulo ko eh, ikaw na bahala kailangan ko itulog ito." Pagsisinungaling ko, kilala ko na kung sino nasa labas wala naman akong ibang kilala dito. Ayaw ko sya muna makita at baka masigawan ko lang sya. Boss ko pa din naman sya bahala na bukas.
*****
Isinara ni Precious ang pintuan ang nagtungo sa living room.
"Sir masama pakiramdam baka inaatake ng migraine nya kaya mas gustong matulog" sabi ni Precious
Nakaramdam ng pag aalala si Grey
"You sure she's okay?" Kunot noong tanong nito "baka need nya magpacheck up para mabigyan ng gamot kaagad" napatayo na ito.
"Sanay na ako sa pinsan ko Sir ganyan po sya lalo at malapit na ang buwanan dalaw" sagot agad nito.
Nagpaalam na din agad si Grey at iniwanan ang dala nyang boquet of sunflower para kay Alex at chocolates. Ipinasok naman yon ni Precious sa kwarto ng pinsan.
Nagtulog tulugan na lamang si Alex ng maramdamang may nagbukas ng pinto at ng maramdamang lumabas din ito ay saka sya bumangon. Hindi nya nilapitan ang mga bulaklak at chocolate wala syang paki alam dito.
Tuluyan na lamang syang natulog dahil hindi naman din sya nakatulog ng maayos kagabi.
Lumipas ang 2 pang araw na walang Grey na pumapasok.
Kay Precious din ito natawag mula ng ilang beses nyang hindi nasasagot ang tawag nito. Sabi nalamang ni Precious ay may kausap na client or may piniprint at naiwan ang phone sa table sa pantry, pero ang totoo umiiwas ang dalaga.
"Baks yung black na malaking box sa table mo yun daw ang isusuot mo bukas sabi nung designer" naka ngiting turo ng pinsan nya
"Baka hindi ako pumunta kailangan ko umuwi bukas ilang buwan na ako di nauwi sa Laguna" walang sayang sagot nito sa pinsan.
"Naku hindi maaari baks" napahampas pa ang kamay nito sa noo nya "alam ng mga magulang ni Sir na may date ito bukas, baks first time magdadala ng date si Sir sa isang victory party" pagpapatuloy ni Precious
Napamaang naman sya sa nalaman, kung ganun bakit sya bakit hindi yung kasama nyang buntis. Sa utak lang yan ni Alex.
"Ano ba itong pinasok ko baks hayy naman" bulalas nya.
Nagatataka ang pinsan nito sa tinuring nya ngunit hindi na ito pinansin at nagpatuloy sa trabaho.
Pumasok na si Alex sa office at nakita nga ang malaking box sa table nya. Nilampasan pa nya ang table ni Grey na halos tambak na ang trabahong naroon. Halos lahat ng folder ay for revision mismo ni Grey at kinakailangan ng signature nito.
Wala din naman syang magagawa pa kaya inuwi na nya lamang ang gown, for the sake of her job kailangan na nyang magpanggap na wala syang alam or much better walang syang nakita ng araw na yun.
Saturday 2pm ng hapon ng may dumating na mga make up artist na pinadala daw ni Grey para kina Precious at Alex. Nabigla man ang dalawa ay wala na silang magagawa bayad na daw ang service ng mga ito. Sayang din naman kung paaalisin pa nila hindi rin naman sya marunong mag ayos lalo at isang malaking event ang pupuntahan nila.
Nagsimula na silang ayusan ng mga iti dahil susunduin daw sila ng driver ni Grey ng 5pm para dalahin sa Manila Hotel kung saan gaganapin ang event.
Natapos silang make up-an at tinulungan pa silang magsuot ng gown.
Si Precious din pala ay pinagawaan nito ng black cocktail dress style na mismong ang pinsan pa pala ang pumili.
Samantalang sya ang ay naka long evening gown with Swarovski crystal design and a long side slit na nakapag bigay ng mas eleganteng dating sa gown. May pagka v shape ang pagkabackless nito at ang tela ay sumusunod ang lapat sa hubog ng kanyang katawan. Kaya pala itinaas na mala queen ang kanyang buhok at may kaunting mga nakalawit ang make up nya ay light lamang dahil sabi ng bading na nag ayos sa kanya gusto nitong ienhance lamang ang taglay na nyang ganda. Napagkamalan pa nga syang kamag anak ni Charlene Gonzales dahil may pagkakahawig daw ang dalaga dito.
"Pak! Bongga mo day!!" hindi natiis na bulalas ng bading. Pinaiikot sya nito suot ang stilletos na itim. Akala mo daw sasali sa Miss Universe ang peg ng dalaga.
Napapangiti na lamang si Alex sa mga sinasabi ng mga ito. Hawak ang kanyang pouch ay nahampas pa nya ang pinsan sa ibinulong nito sa kanya.
"Lalong maiinlove si Sir sayo baks" bulong nito
Hindi nagtagal at dumating na din ang sundo nila at sabay sabay na din sila lumabas ng condo kasama ang mga Hair and make up artist.