Dumating sa Hotel sina Alex at Precious na halos nagsisimula na. Nasa stage na ang COO ang nakababatang kapatid ni Grey na si Liam.
Napabaling ang tingin ni Grey sa pinagtitinginan ng mga taong nasa ballroom ng hotel. Biglang umaliwalas ang kanyang mga mata akala nya'y hindi nito sisiputin ng dalaga dahil hindi nya ito nagawang sunduin man lang.
Napaka ganda sophisticated at elegant ng awra ni Alex. Bagay na bagay sa kanya ang pinagawa nyang gown para dito.
Nagtama ang tingin nila sa isa't isa kaya tumayo na sya at nilapitan na nya ito. Nang makalapit sya ay isang matamis na ngiti ang isinalubong sa kanya ni Alex.
Napaka fragile ni Alex para sa kanya, naiinis syang isipin na halos lumuwa ang mga mata ng mga lalaking nakatitig dito.
Natauhan na lamang sya ng humawak sa kanyang bisig ang dalaga.
"Dun tayo sa table ng family ko" saad ng binata.
Kagyat na napa hawak ng mahigpit ang dalaga dito. Ramdam ni Grey ang tensyon hindi siya kumportable.
"Don't worry they will not gonna bite you, nandito naman ako and surely magugustuhan mo sila." Pagpapakampante naman ng binata sa dalaga.
Ipinakilala ni Grey ang kasama sa kanyang mga magulang at kapatid na babae. They welcome Alex normally, the sweet gesture of Grey's parent ang nagpawala ng kaba kay Alex.
Magkatabi silang naupo at hindi inalis ni Grey ang kamay nya sa mga kamay ng dalaga.
"Is she's the one?" Panunundyo ng bunsong kapatid ni Grey na si Gia at naka ngiti pa ito sa kanila.
"Not now my dear, baka mabusted agad ang kuya mo sige ka." Kindat pa dito ni Grey habang pinipisil ang kamay ni Alex.
Napangiti na lamang ang dalaga sa bunsong kapatid ni Grey. Ngunit sinundan pa ito ng pang aasar ng daddy ni Grey. Hindi din naman papatalo ang matandang Dela Torre.
"Baka mabusted?? Aba napaka hina naman pala ng panganay mo Delilah" hindi maitago ang ngiti ng matandang lalake.
"Naku tigilan nyo nga ang panganay ko, pagpasenciahan mo na ang mga ito Alex mga alaskador lang talaga ang pamilyang ito." mahinhin na sabi ng matandang babae "masasanay ka din kapag nakasama mo na kami ng madalas kaya sagutin mo na ang panganay ko" dagdag na hirit din naman ni Senyora Delilah
"Kunwari ka pa nasa huli din naman pala hirit mo asawa ko" singit pa ni Senyor Mateo Dela Torre.
Nagkatawanan na lamang sila. Hanggang sa matuon na sila sa sinasabi ng nasa entablado na si Liam.
"As we grow and grow nakikita natin ang bawat potential ability ng bawat isa sa atin na malaking ipinagpapasalamat ng DLT Law Firm. Without you guys hindi natin mapapagtagumpayan ang lahat ng cases na atin ipinapanalo. Kaya para sa huling mensahe ibinibigay ko na sa inyo ang ating CEO my very own brother na himala at sa kauna unahang pagkakataon ay nakitaan natin ng date sa gabing ito" sabay kindat at turo pa sa kapatid na napapangiti na lamang habang napapadalas ang pagpisil sa kamay ng dalagang kasama. "Let's have a warm of applause to Attorney Gabriel Elijah Dela Torre."
"Saglit lang ako promise" paalam ni Grey sa katabi at hinalikan pa ang ulo ng dalaga.
Pag akyat sa stage ay mas lalong lumakas ang sigaw ng mga tao at palakpakan pati naman si Alex ay nakikipalakpak na din. Nahagip ng mata nya ang pinsan na katabi ang iba pang mga secretary ng executive sa law firm. At nagkangitian na lamang sila.
"Salamat po.." pag uumpisa ni Grey habang ikinukumpas ng binata ang mga kamay para umupo ang lahat "Hindi ko na po pahahabain pa ang sasabihin ko sa gabing ito" saad nito "Gaya ng sinabi ng kapatid ko kung wala kayo ay wala din ang tagumpay na mayroon ang DLT Law Firm, kayo ang s'yang nagdala ng bawat tagumpay ng ating firm kaya para po sa inyo ang gabing ito." saad niya at tumanaw sa parte ng table ng kanyang mga magulang kung nasaan din si Alex.
"Everyone will get a bonus kasabay ng salary po ninyo sa month na ito." nag palakpakan at hiyawan naman ang mga empleyado nila pagkarinig sa kanyang announcement.
"Nakuha natin at naipanalo ang mahigit na 16 out of 17 cases na hawak natin para sa unang semester ng taong ito. Kaya nararapat lamang po ang gabing ito naihandog namin sa inyong lahat." saglit syang tumigil at inabot ang isang glass ng wine at itinaas sa lahat. " A toss for more success cases, let's start the party!" Pagtatapos ni Grey.
Nagtayuan muli ang mga tao gayun din ang pamilya nito at ang babaeng nagpapaningning sa mga mata ni Grey. Nagpalakpakan ang mga ito, hanggang sa magpatugtog na ng musikang nagpapaindak sa lahat.
Sinalubong si Grey ng ama at ina nang isang mainit na yakap mula sa mga ito gayun din sa bunsong kapatid at sa kapatid na lalake. Paglapit ni Grey kay Alex ay nabigla ang binata ng halikan siya nito sa pingi "Congratulations" pagbati ng dalaga.
Hindi napigilan na nayakap na nya ang dalaga kaya kitang kita sa mga magulang nito ang kasayahan ng gabing iyon.
Walang pagsidlan ang saya ng bawat empleyado ng firm kitang kita iyon ng mga mata ni Alex.
Sa pagkakarinig nya sa pag uusap ng pamilya Dela Torre ay hakos one hundred percent ng sweldo ng bawat empleyado nito kasama ang mga associate lawyer and executive ang makukuhang bonus. Sa isip nya ay di biro ang pumasok na pera sa kumpanya kung ganun.
Napapitlag sya ng hawakan muli ni Grey ang kanyang kamay. "Okay ka lang ba?" Tanong nito
Tumango lamang siya at ngumiti sa binata. Habang pinagmamasdan ang mukha nito. Napaka gwupo at lalakeng lalake ang dating nito. Ngayon lang nya napag tatanto na halos terno pala ang suot nila ang burda sa kanyang gown ay syang burda din sa suot nitong tuxedo.
"Come may pupuntahan tayo" yaya sa kanya ng binata kaya nagpahila na lamang sya dito. Tumigil lang sila sandali ng makita ang kapatid nito at may binulong sabay tapon ng ngiti kay Alex, gayun din ang ginawa nito ng madaanan si Precious. Nagflying kiss lang sa kanya ang pinsan.
"Ano bang sinasabi mo sa kanila" bulong nito kay Grey. Na nagkibit balikat lamang.
Sumakay sila sa isang porche na black ng pagbuksan sila ng driver nito.
"Tayo na po tay Lito" utos naman ni Grey
"Saan tayo pupunta?" Hindi natiis na tanong ni Alex.
Hinawakan muli ni Grey ang kamay ng dalaga bago ito nagsalita "Somewhere na masosolo kita at yung hindi mo na ako mapagtataguan pa" sabay kindat pa sa dalaga.
Napaisip si Alex, how come nalaman nito na pinagtataguan nya ito. Medyo kinabahan din sya sa sinabi nito pero nandito na sya. Nagpatinaod lamang sya dito kanina kaya wala na syang kawala din.
Nagpuan na lamang ni Alex na nasa building ng Law Firm sila nagpunta ibinababa lang sila doon ni Tay Lito at umalis na din. Hindi na nagsalita pa ang dalaga at sumunod na lamang kay Grey hanggang mapadpad sila sa tuktok ng building kung saan may nag aantay na helicopter hindi nya alam na may helipad pala ang building na ito.
"Grey saan tayo pupunta" halos sigaw nyang tanong.
"Trust me babe" yun lang ang sinabi nito at iginiya na sya paakyat ng helicopter. Sinuotan sya ng headphones at seatbelt saka ito tumabi sa kanya.
Sa una ay sobra ang kaba nya kaya mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ni Grey. Ngunit di kalaunan ay nawala na din ang kaba nya at nag enjoy sa view mula sa himpapawid kitang kita nya ang liwang ng mga ilaw sa kamaynilaan. Inihilig nya ang kanyang ulo sa balikat ni Grey kaya hinawakan ng binata ang kanyang ulo.
Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya sa byaheng iyon. Nagising na lamang sya ng medyo naramdaman nya ang pagbaba ng helicopter.
Naramdaman din nya ang lamig lalo na ng buksan na ang pinto ng helicopter at bumaba sila.
Ipinatong ni Grey ang kanina nyang suot ng tuxedo sa dalaga dahil nakita nya ito napapahalukipkip sa sarili.
"Salamat" nanginginig na boses ni Alex.
"Let's go mababa na ang fog baka magkasakit ka" sabay hila ni Grey sa kamay ng dalaga at iginiya papasok sa isang pintuan na bukas at may nag aabang na isang lalake. Nasa isang luxury hotel sila sa Tagaytay na pagmamay ari ng pamilya Dela Torre.
Nang makapasok sila sa hotel ay sa isang luxury suites sila tumuloy. May nakahanda ng dinner para sa kanila napaka romantic ng ambiance with candle lit and roses everywhere. Magkahalong Bohemian and European style ang loob ng suites na ito.
Amoy lavander ang lumabas na aroma sa mga kandila na nakakapag parelax pa kay Alex.
Habang naglilibang sya sa pagmamasid sa kabuuan ng kwarto ay nahagip ng kanya mata ang papalapit na si Grey, hawak ang isang boquet ng sunflower hawig sa bigay nya noong dumalaw minsan na hindi nya ito hinarap.
"For you babe" napakalambing ng boses nito. Pagkakuha ni Alex ay hinila ng binata ang beywang nito palapit sa kanya at niyakap sya nito ng mahigpit. "Sorry hindi ko alam kung ano ang nagawa kong pagkakamali para iwasan mo" sambulat nito.
"Shhh.. wala masama talaga ang pakiramdam ko ng gabing yun maybe dahil hindi lang kita nakita siguro. Dala lang ng pag iisip." Yakap din nito.
Nagtagal ang kanilang yakapan hanggang si Alex na mismo ang kumalas.
"Kain na tayo sayang naman ang pagkain na ipinahanda mo lumalamig na" natatawa nyang sambit.
Bago pa sila kumain ay niyakap muli sya ng mahigpit ng binata at hinalikan sa kanyang ulo.