Hinawakan ko ang kamay ni Luke na ikinatigil naman nito at tumingin sa akin at tinaasan ko ng kilay. Abah! Baka hindi niya ako i-libre mahirap na. ''Yes. Hindi naman ako ang nagkamali sa atin dalawa hindi ba?'' simple at matapang na sabi ni Luke. Hindi ko alam na may ganito palang side si Luke na parang si Cassius. Sabagay mag pinsan din naman sila. Nagulat ako ng biglang tumayo naman ang nag ngangalan na Morgan at mabilis na kinuwelyuhan si Luke na ikinatayo ko din naman sa gulat. Anyari? ''Why? Wala naman ako sinabing masama?'' saad naman ni Luke, habang nakangisi. Na ikinatingin ko sa paligid na misto lang naging sa amin ang tutok ng mata nang mga tao. ''Tsk, puwede bang bitawan muna ang boyfriend ko? Hindi mo naman siguro gusto ang gulo.'' Hindi ko alam pero, ayoko masira ang ar

