Pinagmamasdan ko ang kwarto ni Luke habang siya'y busy naman magbihis, nagmadali nga siyang pumasok sa banyo. Nahihiya 'to kaya pumasok sa banyo. Hindi ko naman nanakawin abs niya? wala akong pakialam. ''Whoaaa'' saad ko. Napatingin naman ako sa isang malaking aquarium. Lumapit ako do'n at napapakunot na lamang ang aking kilay. Langgam? ''Huwag mo galawin 'yan.'' rinig kong sabi ni Luke na nasa likuran ko at tapos na pala magbihis. ''Pero, para sa'n ang mga 'to?'' usisa ko sa kanya. Habang nakatingin sa mga langgam na busy maglakad at nagkukumpulan sa makapal na aquarium na walang lamang tubig. Kundi lupa! ''Kay Cloe 'yan.'' Aniya na ikinaiwas naman siya ng tingin sa akin. ''May kapatid ka pa pala na babae?'' lapit ko naman sa kanya na bihis na bihis. Saan kaya siya pupunta at n

