"It's a girl!" Excited niyang balita kay Aidan. Nang araw na iyon nila nalaman ang gender ng kanilang anak. At hindi nga nagkamali ang lahat sa kanilang mga hula. They're having a baby girl and her name is Penelope.
Sad to say, hindi niya kasama sa clinic ang kabiyak dahil sa trabaho nito.
"Really? Sabi ko na nga ba eh, hindi ako nagkamali. Blooming ka kasi at walang gaanong body changes sa'yo, thart. No dark neck and armpits. Instead your skin glow even more!"
"Naku binola mo pa ako, haha!" Natatawang sagot niya sa asawa.
"Nah, you're amazing! End if the story..."
Hindi na lang siya kumibo sa sinabi ng asawa. Hindi rin kasi ito magpapatalo sa kanya. Maybe it's his way of reassuring her that she is still lovely no matter how big she gets.
She's on her six months of pregnancy and she really gained weight. According to her ob-gyne, her baby is huge kaya nagbilin ito na mag diet na siya para hindi mahirapan sa panganganak.
She immediately told her parents about her baby's gender and as expected they're all happy as could be.
"Congratulations, anak! We're over the moon at this moment. We will be having a mini version of you!" Ani Monica.
"Lolo's girl 'yan for sure!" Sabad ni Ely.
"Naku po, Papa. Huwag sanang ma-spoil itong anak ko sa'yo, haha!" Biro niya sa ama.
"Of course not, kung paano kita pinalaki, ganoon rin sa apo ko."
"Good to hear that, Pa..." Nakangiting sagot niya sa ama. Napakaswerte niya talaga at sa ngayon wala siyang ibang hiling kundi ang safe delivery ng kanyang anak.
"Good afternoon po, Sir Niko..." Bati niya sa boss. Pinuntahan niya ito sa opisina para sa kanyang maternity leave.
"Yes, Emerson?" Malumanay nitong sagot habang nakatitig sa kanya. "Magli-leave ka na ba?"
"Yes, Sir! Kailangan na rin po naming magprepare ng asawa ko sa paglabas ni baby. Like buying stuff for our baby's need."
"Oh yes, I'm gonna send you a gift for your baby, too." Anito.
"Talaga po Sir? Thank you, much appreciated po,"
"You're welcome... I wish nothing but the best for you and your child. Take care!"
"Kayo rin po Sir." Aniya bago lumabas sa opisina nito.
Mabait si Sir Niko, para lang nila itong ka-level sa opisina kapag nakikipag-usap. Hindi nila naramdaman ang pagiging superior nito sa opisina dahil trinatrato sila nito na parang kaibigan.
Sinalubong naman siya ni Jessie at inalalayan papunta sa cubicle niya.
"Last day mo na pala today dito, mami-miss kita."
"Para namang hindi na tayo magkikita ulit. Hello, you can visit me anytime." Natatawang sambit niya. "Saka hindi resignation yung pinasa ko, leave lang, ikaw talaga."
"Syempre iba pa rin 'yong dito sa opisina. Alam mo namang ikaw lang ang ka-close ko rito."
"Andiyan naman si Cora, make friends with her. I think she's a nice person naman, nakaka-intimidate lang ang katarayan niya pero kapag nahuli mo na kiliti niyan, magiging vibes din kayo."
"Never mind, I'm better off alone. Iba talaga ang nasi-sense ko sa babaeng 'yan. At ayaw kong mahalo o madikit sa kanya." Nakaismid na wika ni Jessie habang matalim na nakatingin sa nakatalikod na si Cora. "She smells like a rotten egg, and that is scary!" Dagdag nito.
"Ikaw talaga, baka naman nagkakamali ka lang ng basa sa kanya. We can never tell lalo na at baguhan pa lang siya."
"Well, to be honest, malakas ang pang-amoy ko at ni minsan wala itong mintis." Ani Jessie.
Si Cora ay baguhan pa lang sa kanila ngunit nagpapakita na ng impressive performance sa trabaho. Madalas itong purihin ni Niko kaya naman inaakala ng lahat na sipsip ito sa kanilang boss. Bagay na hindi niya pinapansin dahil as long as hindi siya nito kinakanti there is no reason for her to make a fuss.
"Absent si Nala?" Takang tanong ni Aidan kay Steve nang makita na wala si Nala sa desk nito.
"I think so, wala naman pasabi na hindi siya papasok."
"Ano kayang nangyari roon? Inasar ni'yo ba kahapon? Baka napikon?"
"Hindi ah! Pagkaalis mo, lumayas na rin siya eh. Paano namin siya aasarin?"
"Bakit kaya hindi pumasok 'yon?" May himig pag-aalala sa boses niya. Batid niya na mag-isa lang na naninirahan dito sa Maynila ni Nala. Taga Mindanao pa ito at lumuwas lang sa Maynila para magtrabaho.
"Sandali, tatawagan ko para tanungin ba't hindi pumasok." Ani Steve.
Tumango lang siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi ugali ni Nala ang hindi pagpasok sa trabaho. Minsan nga kahit may lagnat ito ay pumapasok pa rin. Ganoon ito ka dedicated sa trabaho nito.
Nakailang dial na si Steve ngunit walang Nala na sumagot. Lalo tuloy silang nakaramdam ng pag-aalala. Siya sana ang susubok tumawag ngunit natigil siya dahil tumunog ang serena ng kanilang fire station. May sunog na nagaganap kaya kaagad nilang isinuot ang kani-kanilang uniporme at mabilis na sumampa sa firetruck. Mabilis ang pagmamaneho ni Steve papunta sa lokasyon ng sunog ngunit bigla siyang natigilan nang mapagtanto na iyon ay ang apartment na kinaroroonan ni Nala.
"Pare, hindi ba't dito nakatira si Nala?" Aniya.
"Lintik, iyan nga yun!" Ani Steve.
Dahil sa nalaman ay mas lalo pang binilisan ni Steve ang pagpapatakbo sa sasakyan. Sila Kian at Carlo naman at iba pa nilang kasamahan ay nakasunod sa kanila.
Pagdating nila sa tinutuluyan ni Nala ay lumalaki na ang apoy. Marami nang meron sa buong paligid at ang iba ay nag-iigib na ng tubig. Sa kabila ng bayanihan ng mga kapitbahay ay hindi ito sapat sapagkat lumaganap na ang apoy. May kalakihan kasi ang apartment dahil tatlong palapag ito. Wala silang inaksayang oras at agad nilang sinimulan ang pag apula ng sunog.
"May babaeng na-trap sa loob!" hiyaw ng isang ale na sa hula niya ay ang kasera.
"Saang floor siya banda?"tanong ni Aidan.
"Sa third floor. Ikatlong pinto. Siya lang ang namumukod tanging hindi nakalabas. Lahat ng nangungupahan ay nakatakbo na. Siya lang ang hindi!"
"Sigurado ho ba kayo?" Paniniyak niya.
"Oo, sigurado ako. Kasi kaninang umaga bumili siya ng gamot sa tindahan, masama raw ang kanyang pakiramdam."
Hindi na siya nag aksayang itanong kung sino ang babaeng iyon, mabilis siyang tumakbo papasok ng building para iligtas ang babae. Sinuong niya ang naglalaking usok at apoy at lakad-takbo ang ginawa niya para makarating sa third floor.
Ngunit nabigo siyang buksan agad ang pinto dahil nakalock ito.
"Bombero po ito, sisipain ko ang pintuan, kung naririnig mo ako, ay lumayo ka muna." Aniya. Nakailang tadyak siya sa pinto bago niya ito tuluyang nabuksan.
"Nala?!" Gimbal niyang sambit ng makita ang kaibigan. Nakasuot lang ito ng manipis na sando at maikling short. Bakat pa ang dibdib nito sa suot nitong damit ngunit hindi nito magawang takpan ang sarili dahil wala na itong malay. Marahil ay marami na itong nalanghap na usok kaya nawalan ito ng ulirat. Namataan niya ang manipis na kumot ng dalaga at ibinalabal sa katawan nito.
Mabilis niyang pinangko ang kaibigan at inilabas sa kwarto. Tamang tama naman na nakasunod sa kanya si Carlo at mabilis nitong tinakpan ang halos hubad na katawan ng dalaga.
"Is she okay?" Alalang tanong nito.
"I'm not sure. Let's go!" Aniya.
Mayroon naman silang dalang equipment para sa ganoong sitwasyon kaya nakakatiyak siyang maaagapan nila ang dalaga.
Pagkarating nila sa baba ay kaagad na inasikaso ni Carlo at Kian ang dalaga. Habang siya at ang ibang kasamahan ay nag focus na sa pagpatay ng apoy. Ang minuto pa ang nakalipas bago nila ito tuluyang naapula.
"A-aidan?" Mahina at halos pabulong na wika ni Nala. Nagkamalay na ito nang puntahan niya sa sasakyan.
"Kumusta ka na?" Tanong niya.
" A-ayos na ako... S-salamat..." Anito kasabay ng marahang pag ubo.
"Tungkulin ko ang magligtas ng tao sa sunog, sigurado ka bang ayos ka na? Dadalhin ka namin sa ospital para makasigurado."
"Hindi na... Ok na ako..." Tanggi nito habang matiim na nakatitig sa kanya. "Maraming salamat..."muling wika nito.
"Hindi lang sa akin ka dapat magpasalamat, kay Carlo rin. Siya ang kumarga sa'yo pababa. At syempre sa buong team. Team effort ang dahilan ng kaligtasan ng lahat ng tao rito." Aniya sa dalaga.
"K-kay C-carlo?" Nanlalaki ang mga matang turan nito. Maya-maya pa ay agad nitong tiningnan ang kabuuan habang namumula ang buong mukha.
Naalala niya ang suot ng dalaga nang matagpuan ito. Marahil ay nakaramdam ito ng hiya. Buti na lamang at natakpan na niya ang katawan ng dalaga bago pa man dumating si Carlo kaya wala rin itong nakita.
"Oh my God..." Pabulong na wika ni Nala habang nakatakip ang magkabilaang palad sa mukha. Bagay na ipinagtataka nila Kian at Carlo.
"Napaano ka Nala? May masakit ba sa'yo?" Inosenteng tanong ni Carlo.
"H-ha? W-wala... Wala naman," kandautal na sagot ng dalaga sa binata.
Samantala lihim naman na napapangiti si Aidan sa nasaksihan. Kung hindi siya nagkakamali, may isa sa mga kaibigan niya ang inlove. Kung sino ito? Malalaman natin sa mga susunod na kabanata.