"Iba ba talaga ang pakiramdam maging tatay? You look really happy," ani Nala sa kanya.
Nasa foodcourt sila at kasalukuyang nagme-merienda. Tumabi ito sa kanya para makisalo.
"I couldn't say the exact word about how I feel, being a dad for the first time is something new sa'kin. Mixed emotions kumbaga. Nariyan ang takot, pangamba, pag-aalala and of course nariyan ang excitement." Sagot niya kahit bahagyang nagtataka sa inaasal ng katrabaho. "Bakit mo naitanong? Gusto mo na rin bang magpamilya?"
"No. I doubt it. I think, I can never be happy in this lifetime..." Malamlam ang mga matang sabi nito habang nakatingin sa kawalan.
"Aba'y bakit naman? Maganda ka, mabait at mabuting tao. Imposibleng hindi ka makatagpo ng lalaking magbibigay sa'yo ng pamilyang gusto mo." Aniya.
"Of course maraming lalaki sa mundo. But you know the saying, the heart knows what it wants?"
"And?" Nagugulumihang tanong niya ulit.
"My heart already owned by someone who's not aware that I am head over heels with him. The love that I have? I'm afraid that I cannot give it to someone no matter how hard I try. Though I know he can never love me back hindi ko rin mapigilan and it's hurting me so much," anito habang nagbabadya ang mga luha sa mata.
"Hindi naman kasi pinipilit 'yan, Nala. Love is not something na pwede pilitin. Marunong naman magkusa ang puso natin na tumibok para sa tamang tao. You just have to be patient, I'm sure may darating na tao na magpaparamdam sa'yo ng totoong pagmamahal. Kaya huwag kang umiyak."
Hindi umimik ang kaibigan ngunit nilaro-laro lang nito ang pagkain na nasa pinggan nito.
"Tingnan mo kami ni Emerson, hindi namin akalain na magiging kami but now tingnan mo kami. We're now starting a family of our own." Aniya. "Ngapala, sino ba itong unggoy na lalaki na hindi kayang suklian ang pagmamahal mo? Or better yet, tell him what you feel para alam niya ang nararamdaman mo."
"Never mind, hindi mo rin siya kilala. He is someone you would never want to meet." Anito habang pilit ang ngiti.
Hindi na niya pinilit pa ang kaibigan na umamin dahil nakikita niyang malaki ang tsansa na maging emosyonal ang kaibigan. Ayaw naman niya na akalain ng ibang mga katrabaho na inaaway niya si Nala.
"Mukhang ang lalim ng pinag-uusapan natin ah, anong problema?" Ani Steve na na papalapit na pala sa table nila habang kasunod nito sina Carlo at Kian.
"Naku itong prinsesa natin ang tanungin ninyo huwag ako. Inosente ako at wala ring alam sa nangyayari." Paiwas niyang sagot. Ayaw niyang siya pa ang magsabi sa dinaramdam ni Nala at baka maoffend pa ito.
"Huhulaan ko, break na kayo ng boyfrend mo?" Ani Carlo.
"Wala namang boyfriend 'yan si Nala. Sa tagal nating magkatrabaho ni minsan wala pang sumundo diyan." Ani Kian.
"Magsitigil nga kayo, dyowa lang ba ang pinoproblema ng mga babae?" Sabad ni Steve. "Anong atin, Nala? Sabihin mo lang. Narito kaming bruskobros na magtatanggol sa'yo. Apoy nga kaya naming patayin yung nananakit pa sa'yo?" May halong pagbibirong dagdag nito.
"Kayo talaga, ako na naman nakita ninyo. Wala namang problema, nag-uusap lang kami ni Aidan about sa pagbubuntis ng asawa niya."
"Gusto mo na rin?" Sambit ni Kian.
"Hindi!" Gilalas na wika ng dalaga. "I mean, not now."
"Magsikain na tayo, tama na ang tsika. Mamaya magiging busy na naman tayo, alam ni'yo naman na lagi tayong may emergency." Saway niya sa mga ito para hindi na kulitin ang dalaga. "Maiwan ko na kayo at tatawagan ko pa ang asawa ko." Dagdag niya bago nagmartsa palayo. Pagkaalis niya ay lumakad na rin ang dalaga at naiwan ang tatlo.
"Ito si Nala sa tingin ko may pagtingin diyan kay Aidan." Ani Kian habang nakatingin sa papalayong dalaga.
"Paano mo nasabi?" Kunot-noong tanong ni Steve.
"Iba mga titig niya kay Aidan eh, alam ni'yo guys, lalaki tayo eh. Alam natin kung gaano kalagkit tumingin ang mga babae sa mga mahal nila. I can see that to Nala kapag tinititigan niya si Aidan."
"Hay naku, Kian... Tigilan mo nga 'yang pinag-iisip mo. May asawa na 'yong tao, gulo lang 'yan. Kung meron man siyang gusto o wala ang dapat gawin ay umiwas. Lalo buntis na si Emerson at alam niya 'yon."
"Sayang ang ganda niya kung sa maling tao niya iuukol ang pagmamahal na mayroon siya." Ani Carlo.
Nakaramdam siya ng awa sa dalaga. Who would have thought na may dinaramdam rin ito? And unfortunately, wala siyang magagawa para tulungan ito. The very least that he can do is to pray na makahanap ito ng tamang lalaki na paglalaanan niya ng pagmamahal. To love and to be loved is the most amazing gift that we people can have it for free. But sometimes, human nature make it so complicated that we have to pay the price.
Samantala breaktime rin nila Emerson nang mga oras na iyon at magkasama sila uli ni Jessie na kumakain.
“So, are you going to leave me now?” malungkot na wika sa kanya ni Jessie noong araw na iyon. Nabanggit niya kasi rito ang balak sana ni Aidan na patigilan siya sa pagtatrabaho. Noong una ay sumang-ayon siya pero nagbago rin ang kanyang isip kalaunan.
“We’re still talking about that, alam mo naman na magastos ang pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng bata. I just want to be financially ready bago ako manganak.”
“But, does your husband can wait? I know Aidan, he’s a tough guy when it comes to his word.”
“I know, dinadaan ko na nga lagi sa lambing. Honestly, gusto ko sana magwork until six months of my pregnancy. Saka parang exercise na rin itong work ko.”
“Then, let him know about your plans. He’ll understand kapag nagpaliwanag ka. Lahat naman nadadaan sa maayos na usapan.”
“I hope so…”
“At kapag parehas na kayong nagdesisyon, just let us know. Makakaasa ka ng suporta naming lahat.”
“Thank you so much, Jessie… You're the best!”
Hey, ladies! Is this seat taken?” biglang sabi ng isang tinig. Sabay pa silang napalingon ng kaibigan at nagulat pa sila nang makita ang kanilang boss na si Niko. Si Niko Ballenger ay kwarenta 'y sais pa lamang. Batam-bata pa at matikas pa rin ang pangangatawan. Mahitsura rin ito kaya nakakapagtaka na wala pa itong asawa sa edad nito.
“Opo Sir! Bakante po ang silyang ‘yan.” Magkapanabay na wika nilang magkaibigan.
“Okay, mind if I join you?”
“Sure Sir, wala pong problema.”
“Thank you, Emerson. You’re so nice.” Anito sabay kindat sa kanya. “So, how’s the life of the newly-wed? Is it good?”
“Okay naman po Sir, so far, we’re doing good. Nama-manage naman naming mag-asawa.”
“Nice to hear that,”
“Bakit po pala ninyo naitanong, Sir?” tanong niya.
“Well, I was just thinking if you want to work abroad. Look, I know your married life has just started, and maybe I was asking too much… But I badly needed an assistant in Singapore and I think, you’re the best candidate for that position. I am planning to stay there for half a year and I need someone whom I can trust.”
Nagkatinginan sila ni Jessie, ang maipadala sa ibang bansa bilang representative ng kanilang kompanya ay isang karangalan. Their company is well known for their leather bags and shoes that named after Niko. Hindi pa ganoon kalaki ang kanilang kumpanya but they’re starting to expand abroad. Tiyak niyang mas malaki ang sahod kung sakali dahil dolyar na rin ang matatanggap niyang sahod kung matutuloy. But the problem is, she can't. She's pregnant and Aidan won't allow her too.
"Thank you so much for the offer, Sir. I really appreciate it. But,"
"But?" Tanong nito.
"I'm pregnant po Sir, I'm afraid na hindi ko po ito magagampanan ng maayos. I would recommend Jessie, instead." Aniya sabay hawak sa kaibigan na hindi na nakapagsalita sa gulat.
"Oh! You are expecting?" Mulagat na tanong nito.
"Yes, Sir." Medyo nahihiya niya pang sagot.
"Well, congratulations! I am happy and sad at the same time. This might be your biggest break, sayang lang at wrong timing ang sana ay promotion mo." Ani Niko.
"Thank you again for the offer, Sir. Pero hindi po ako makakapag commit sa ngayon. I hope you understand."
"You're welcome and yeah, sure, I understand." Ani ng boss kasabay nang pag ngiti nito.
Sasagot pa sana siya sa boss ngunit tumunog na ang kanyang cellphone, tumatawag ang kanyang asawa kaya nagpaalam muna siya sa dalawa para sagutin si Aidan.
"I am too late for giving the promotion, I guess," ani Niko habang nakatingin sa empleyado.
"Pwede pa naman po, Sir. Once manganak si Emerson, baka pumayag sila. Who knows?" Ani Jessie.
"Yeah, I hope so..." Turan nito sabay pagak na tumawa.
Walang kamalay-malay ang dalawa na labis ang panghihinayang ni Niko nang mga oras na iyon. Kung sana ay nadala niya agad sa Singapore si Emerson ay maaaring hindi pa ito maikakasal at mabubuntis nang ganoon kadali. May chance pa sana siya para sa babaeng lihim niyang iniibig mula ng mag-apply ito sa kanyang kompanya.
Ngayon ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin para sa nararamdaman niya.
"Hey, sweetheart!" Masiglang bati niya sa esposo pagkasagot niya ng telepono.
"Hi, kumusta ang pakiramdam mo? Kinain mo ba 'yung baon mo?"
"Of course! You're a great cook, ang bilis nga namin naubos ni baby." Malambing niyang sagot habang hinahaplos ang bahagya nang nakaumbok na tiyan.
"Very good! Mag-iingat kayo diyan ha! Susunduin kita mamaya,"
"Huwag na, sweetheart. Sabay kaming uuwi ni Jessie. You don't have to worry about me. I know you're tired, too."
"Are you sure?" Paniniyak nito.
"Yes. See you later." Aniya. "I love you, mister!" Malambing niyang wika sa asawa bago pinutol ang tawag.
Mga wikang nagdulot ng kakaibang ligaya sa puso ni Aidan. He surely hit the jackpot with his wife. And he will never waste it, no matter what.