“Anton? Anton?” Ilang ulit na kinatok ni Matilda ang pinto ng kwarto ng kanyang anak. Kakain na lang kasi ulit sila para sa maghapunan ay hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Mula noong umuwe galing sa bakasyon nito. Tinatanong naman niya ito pero hindi ito sumasagot. “Anton! Please. Open this door. Talk to me!” tawag ulit ni Matilda sa anak pero wala pa rin siya narinig. Kaya naman ay malungkot siyang umalis doon. Susubukan na lang niya ulit mamaya. Bumuntonhininga si Anton nang marinig niya ang mga yabag papalayo ng kanyang ina. Nakahiga lamang siya sa kama habang nakatitig sa kisame. Tatlong araw na noong makauwe siya mula sa Samar pero hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari. Pakiramdam niya bigla ay nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay. Ni hindi na nga siya makakain kakaisip s

