24

1139 Words

HINDI pa rin alam ni Joaquin kung ano ba talaga ang ginagawa niya sa bahay nina Penelope. Totoo ang sinabi niya na curiosity ang dahilan ng pagpunta niya, ngunit hindi lang iyon ang dahilan. May mas malaking dahilan. Aminin man niya o hindi sa sarili, nais niyang makita uli si Penelope. Nais niyang kumpirmahin ang sinabi sa kanya ni Jace noong nagkita sila sa bar. “Minahal ka ni Pen. Mahal ka niya at ayaw niyang mawala ka sa kanya.” Hindi siya naniniwala sa mga sinabi ni Jace. Masyadong matibay ang mga ebidensiyang nakita niya noon upang magbago ang kanyang isip, ang paniniwala niya. Hindi siya minahal ni Penelope. Ginamit lang siya nito. Ginawa siyang panakip-butas. Hindi nito pinahalagahan ang pag-ibig na buong puso niyang ibinigay. Kung gano’n, bakit ka narito ngayon sa bahay nila ku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD