Ring…..ring ring, tunong ng cellphone ni Eden.
Sunday, 9:30 am. Naka pikit pang kinuha ni Eden ang kanyang cellphone na naka patong sa side table na naka lagay sa kaliwang bahagi ng kanyang kama. May naka patong dito na wooden table lamp. Pagka kuha sa cellphone ay tiningnan kung sino ang nag chat sa kanya.
“Hmmmp, Carter lang pla. Ang aga- aga eh,”naiinis na sambit ni Eden.
Inilapag ulit sa cellphone at kinuna ang kanyang yakap . Yakap ang tawag ni Eden sa unan na lagi niyang yakap tuwing siya ay matutulog. Suot ang sandong puti at red short, bumalik ulit ang dalaga sa pag tulog. Kadalasan kapag ganitong rest day nya, before lunch or 11 am siya bumabangon. Binabawi nya ang mga araw na palaging maaga ang gising para pumasok ng opisina. From Monday to Friday 6 am palang ay gising na siya. Dapat mag ready at sasabak sa ka takut- takut na traffic bago makarating sa kanyang pinagta trabahuan.
Habang tinutupi ni Eden ang kumot na may design na Pocahontas, with matching pillow cases pa, tatlo ang mga unan ni Eden.Ugali na nyang mag spray ng linen spray upang ma disinfect ang mga ito. Kasama na ang mga kurtina, gusto kasi ng dalaga na laging amoy fresh ang kanyang munting paraiso or kwarto. Nag walis ng sahig at ipinagpag ang furry mini carpet na naka lagay sa unahan ng kanyang kama.
“Ayan….. fresh at malinis kana ulit ,”papikit na nag inhale at exhale ang dalaga , nilalanghap ang lemon fresh scent na inispray nya sa kwarto .
Nang makita nyang maayos at mabango na ang kanyang room ay nag tungo na siya sa banyo. Oras na para maligo. Nag hubad ng damit, binuksan ang shower at bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang katawan. Nag shampoo ng buhok at kinuha ang hair scrub, minasahe ang kanyang scalp. Ang sarap ng feeling tuwing ginagawa niya ito. Pag katapos ay kinuha ang body wash at nilagyan ang loofah pad. Iniscrub ni Eden ang buong katawan. Saka nag banlaw ng buhok at sinunod mag lagay ng keratin conditioner.Habang naka babad ang conditioner sa kanyang buhok ay kinuha naman nya ang facial scrub na para naman sa kanyang mukha. Yan ang ritual ni Eden every rest day nya. Detox at exfoliating day ito para sa kanyang katawan.
Presko at ang sarap ng pakiramdam ng dalaga pag labas niya ng banyo. Naka tapis ng pink towel, nag punta sa kanyang white vanity dresser na may bilog na salamin na napapalibutan ng mga ilaw. Kinuha niya ang kanyang paboritong body lotion saka niya ipinatong ang kanang paa sa gilid ng kama at nag lagay ng lotion, saka isinunod ang kaliwang paa. Then nag apply sa mga kamay ,braso ,balikat, siko at iba pang parte ng kanyang katawan. After that dumiretso naman ang dalaga sa cabinet. Kumuha ng red seem less panty, red sports bra, brown sleeveless blouse at black jogging pants. Ito ang pam bahay nyang outfit para sa araw na iyon.
Nang makapag bihis , umupo naman siya sa harap ng kanyang vanity dresser, kinapa ang switch ng mga ilaw ng salamin. After mag brush ng kanyang buhok, nag umpisa na niyang gawin ang kanyang beauty routine; nag toner, day cream at sunblock. Nag lip balm na may red stain at nag lagay din sa kanyang pisngi para rosy cheeks ang dating. Pag katapos saka nag lagay ng baby powder sa leeg, dibdib , likod at sa kanyang face para matte finished ang dating. Now, ready na siyang bumaba at kumain ng lunch.
Bitbit ang cellphone ,amoy na amoy ni Eden ang adobong baboy na niluto ng kanyang mama.
“Ang bango naman niyan ma,”sabi ni Eden habang papunta siya sa kinaroonan ng mama nya na nag tatanggal ng saksakan ng rice cooker.
“Kumuha ka na ng mga pinggan , tawagin mo na si tatang mo at mga kapatid mo para maka kain na.”Utos naman ng mama nya habang nag sasandok ng kanin .
Tumungo si Eden sa main door ng bahay at tinawag ang kanyang tatang Bert. Tinawag din niya ang dalawang kapatid na lalake ng busy sa pag lalaro ng mobile legeds.
Bumalik sa kusina ang dalaga at kinuha ang mga plato , baso at kubyertos sa dispenser. Nag labas din siya ng isang litrong iced cold coke. Nang naka upo na silang lahat ay sabay -sabay silang nag sign of the cross, bilang pasasalamat sa grasyang naka hain sa kanilang harapan. Sabay -sabay nilang pinag saluhan ang adobong baboy na halos nag mamantika, nag lalaban ang asim alat at tamis. Umuusok ang kanin , habang sinasandok sa kanya- kanya nilang mga plato. Pati ang left over nilang ginisang sayote na may giniling . Palitaw for desert, na inorder ni aling Ingga online. Tahimik ang mag anak habang kumakain dahil ayaw ni mang Bert na nag uusap while eating, lalo na yung mag se cellphone while eating.
Pag katapos maghugas ng mga pinag kainan at mag linis ng lamesa , umakyat na sa kanyang kwarto ang dalaga. Humilata sa kanyang moon shape lazy sofa at nag umpisang mag scroll ng kanyang cellphone. Nag update sa kanyang social media account. After 10 minutes naisipan niyang mag sounds, itinurn on ang Bluetooth speaker at tumugtog ang kanta ni Myrus na….Sa Isang Sulyap Mo ang title.
Saad ng kanta :
Bakit kapag tumitingin ka, natutunaw ako
Bakit kapag lumalapit ka , kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka, sumasaya ang araw ko
Lahat ng bagay sa mundo , parang walang gulo
Bakit kapag nakikita ka, parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita, nauutal utal sayo
Bakit kapag nandito ka na babaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko
Sa isang sulyap mo ay na bihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo na bighani ako
Nabalot ng pag asa ang puso …….
Parang dinuduyan si Eden habang pinapakinggan ang kanta. Ang sarap sa tenga at nakaka gaan sa pakiramdam.
“Kelan kaya ako makakantahan ng ganyan ?” Aniya sa sarili. Na nakahiga sa kanyang kama habang yakap ang unan. Ini imagine niya na may isang lalakeng kinakantahan siya ng mismong kanta, habang sila ay nasa isang garden na puro bulaklak habang may mga paru-parong lumilipad sa paligid. Si Eden ay isang Pisces kaya mahilig siyang mag day dream or mahilig mag fantasized ng mga bagay -bagay. Maaliwalas ang simoy ng hangin na nag papa duyan sa kurtina sa kanyang bintana. Hangin na nag papa antok sa dalaga, hanggang sa maka tulog ito .
Sunday afternoon, ka tatapos lang nina Eden at Karen mag misa sa isang mall. Mas pinipili nilang sa mall na lang mag simba tuwing Linggo dahil mas convenient sa kanila. After mag misa, diretso na sila mag window shopping or mag shopping kapag may budget or kapag may nakita silang gusto nilang bilhin.
Sunday OOTD of Eden; White puff short sleeves V neck blouse, blue skinny jeans at black wedge shoes . Karen's OOTD; Maroon casual dress at wedge shoes in cream .
“Bruks, Arabic cuisine tayo later,”pakindat na sabi ni Karen kay Eden .Habang nag lalakad at nag wi window shopping.
Ang daming tao , nag kataon kasi na katapusan at tumapat pa sa araw ng Linggo kaya halos magka bungguan ang mga tao kahit halos karamihan sa kanila ay gusto lang mag palamig.
Nag -isip saglit bago umangkla sa braso ni Karen, “ okey ,sige for a change,” sagut ni Eden kay Karen
Nag ngitiian ang mag kaibigan. Senyales na nag agree sila sa isat -isa. Habang magka angkla ang mga braso. Lilingon- lingon sila, nabubusog ang mga mata sa mga magagandang damit, sapatos, bags, accessories ,etc…Ang sarap mamili kung marami lang sana silang pera.
“Mag sale lang , bibilhin kita,”turo ni Eden sa brown tote bag na naka display kanilang harapan.
Mahilig si Eden sa mga bags na pang harabas, yung maraming mailalagay at bagay ipang partner sa kahit na anung outfit. Ilang minuto nilang hinintuan ang shop na kinalalagyan ng tote bag.
“Ipag dasal mo na hindi pa yan mabili bago mag sale ,”sad ni Karen habang nakatitig din sa bag.
“Wag kang mag papa kuha sa iba ha?” Inilapat pa ni Eden ang palad sa glass window ,animong kinakausap ang bag.
Saka sila dumiretso sa pag lalakad. Lingon dito ,lingon doon. Ang sarap sa mata ng mga iba't ibang gamit na naka display sa iba't ibang shops na kanilang na dadaanan. Tiningnan ni Eden ang oras sa kanyang cellphone.
“Oh, malapit na mag 6pm. Sa annex pa yung resto .Bilisan na natin , baka mamaya puno na yun at wala na tayong maupuan .”Ani Eden sa bff . “Bilisan na natin at na aamoy ko na ang masala .”dagdag pa nito.
“Heto na nga oh, anu pa bang ginagawa natin ,”mabilis na sagut ni Karen .
Sunod-sunod ang kanilang mga hakbang hanggang sa maratiing nila ang Arabic restaurant na nasa second floor .
Pag pasok palang ng restaurant, amoy na amoy na ang iba't -ibang aroma ng mga spices . Garam masala, cinnamon, curry powder, fenugreek, garlic , turmeric at marami pang iba Sari- saring lahi ang nakikita ng dalawa. Maraming paintings ang naka sabit sa dingding, mga Indian Gods at mga paintings ng iba:t ibang mukha ng mga babaeng may bindi or pulang tinta sa kanilang gitnang noo.
Lumapit ang waiter sa kanilang kinaroroonan at inaabot sa dalawa ang menu card. Tig -isa sila ng menu card. Sabay silang namili ng putaheng kanilang kakainin. Indian ang mga boss nila pero once in a blue moon lang kung maka kain sila ng mga Indian foods , kapag may prayers lang kadalasan nag luluto ang asawa ni Mr. Vashu at meal for all ito, hindi lang para sa mga big boss.
“Hmmm…, mutton masala and biryani rice sa akin. Also itong jamu for desert,”habang naka turo ang darili sa picture ng jamu, isang delicacy sa India na hugis bilog .Parang chiffon cake na binilog ng maliliit saka nilagyan ng honey sauce.
“Fish curry , palak paneer at dosa masala ang sa akin,” order ni Karen habang naka tingin sa waiter.
“Also two orders of iced tea please,”pahabol na ni Eden sa waiter.
Habang inaantay na ma serve ang mga orders ay lilingon-lingon si Karen sa pailigid. Indian Arabic ang motif ng restaurant.Dinig na dinig ang kalansing ng mga baso at kubyertos at ang mga foreign languages na hindi nila maintihan.
Sa wakas after 30 minutes ay dumating na rin ang mga pagkain. Pero bago lantakan ang mga ito , hindi nila makakalimutan mag pictures para sa kanya-kanya nilang posts at My day para sa kanilang social media . Pictures ng food , pose dito at pose doon . Masala overload ang naging caption ni Eden sa kanyang post. Cravings satisfied naman ang caption ni Karen.
“Ang lambot ng karne at hindi pa masyadon maanghang ,” saad ni Eden habang hinihiwa niya ng kutsara at tinidor ang lamb or karne ng tupa ,Ito ang karne na ginagamit sa pag gawa ng mutton masala.
“Pati ‘tong Biryani rice. Ang bango ,ang sarap grabe….kanin palang ulam na,” habang ngumunguya ,hindi nya mapigilan ang sunod-sunod na pag subo.
Wala namang kibo si Karen habang kumakain. Tango lang ang naging tugon niya sa mga sinasabi ng bff. Sarap na sarap din kasi siya sa putaheng kanyang kinakain. Once in a while kumukuha si Eden sa pag kain na inorder ni Karen, ganun ang ginawa ni Karen sa pag pagkaing inorder ni Eden, Share share ika nga. Sila lagi ang mag kasama halos every weekend. Pareho kasi silang mga single. Si Karen na halos one year ng walang ka relasyon at si Eden naman na two years na nung huling makipag date.
Bago umuwi ay dumaan muna ang dalawa sa grocey. Namili ng toiletries si Eden , ganun si Karen.
Habang nililibot ang grocery, napadaan sila sa condiments area.Naisipan ni Eden na bumili ng mga spices. Naiisip nya kasing mag luto ng masala one day. Gusto rin niyang ipatikim sa kanyang pamilya ang Indian foods, especially ang mutton masala. Kaya pag aaralan nya kung pano ito niluluto . “With the help of YouTube university matututunan din kita,”biro ni Eden sa sarili habang naka ngisi .Hook na hook ang dalaga sa lasa ng masala, kahit anung klaseng masala; mutton masala, chicken masala or kahit vegetable masala , sarap na sarap sya . Hindi niya mawari ang nararamdaman tuwing kakain siya nito. May kung anung aroma ito na nakakapag satisfied sa kanyang panlasa at parang sumasaya ang puso niya sa tuwing kumakain nito.
Maliban sa bigla siyang naging interesado sa pag luluto ng mga Indian foods ay nagkaroon din ang dalaga ng interest sa panood ng Bollywood. Kung may Hollywood ang United States of America, mayroon namang Bollywood ang India. Sa YouTube niya unang nakita ang mga Bollywood movies. Na curious lang sya . Nag scroll at namili ng pelikula at nang maka pili ay inumpisahang panoorin ito. Isang action fantasy na may english sub title , kaya hindi naging mahirap sa dalaga na panoorin at intindihin ito.
White oversized t-shirt na may Garfield print at boxer short ang suot pantulog ni Eden. Tapos na sya sa kanyang night beauty routine. Dim light na nag mumula sa kanyang lamp shade ang nag sisilbing liwanag sa kanyang silid. Tanging ang mahinang tunog ng aircon ang ingay na maririnig. Naka higa na ang dalaga, hawak ang cellphone at inumpisahan na niyang panoorin ang pelikula. Sa intro palang ay na amazed na si Eden. Pasabog agad.
“ Ang guwapo naman ng lalake na ito, ang ganda ng mata at ang ilong…. Shocks…..,” manghang saad ni Eden
She’s enjoying her first Bollywood movie. Hindi niya namamalayan ang pag lipas ng oras , lalo siyang nawindang nang biglang kumanta at nag sayaw ang bidang lalake at babae sa kalagitnaan ng pelikula. Meron itong intermission. Na parang sa napapanood nating pelikula noong 1950’s hanggang 1060’s, nung kapanahunan ng ating nga lolo at lola. After ng intermission, isang oras pa ang lumipas bago natapos ang pelikula. Three hours mahigit ang haba ng pelikula. Subalit hindi siya nainip, on the other way pa nga ang nangyari. Maganda ang istorya at detalyadong-detalyado ang bawat tagpo. Hindi cheap ang pag kakagawa ng mga effects at action scenes. Lalo na yung mga flying scenes, parang totoo talaga.
“One movie down and more to go……,” sambit ng dalaga habang ibinababa ang cellphone sa ibabaw ng side table.
“Bakit kaya ngayun lang kita na explore Bollywood ?” Aniya.
Habang ninanamnam ang napanood na pelikula ay nadako ang kanyang tingin sa wall clock na naka sabit sa itaas ng kanyang study table.
Napa balikwas ito at sinipat kung tama ba ang oras na kanyang nakikita.
“My gush 1:30!?,gulat at di maka paniwala na ganun sya katagal nanood .
Kaya humiga na siya , fetal position akap ang unan at pinilit mag relax para maka tulog. Dahil sigurado siyang bukas matinding traffic na naman ang kanyang susuungin sa pag pasok ng opisina. Nag sign of the cross at sabay sabing. “ Good night self, sweet dreams.”