Chapter 3

1211 Words
Pagkababa ni Katniss, kaagad na sumalubong ang isang guard na kaagad siyang binati. Ngunit nagulat siya nang biglang may lumapit sa kaniyang lalaki at kaagad kinuha ang kaniyang gamit. "I'll guide her," bulong nito sa guard. Kaya naman umalis kaagad ang guard na iyon. Naglakbay naman ang mga mata ni Katniss sa katawan ng lalaki dahil wala itong kahit anong suot bukod sa swimming trunks nito. "Who are you?" tanong ni Katniss sa kaniya. Lumingon naman ang lalaki sa kaniya at ngumisi. Isinuot niya ang malaking backpack ni Katniss habang ang tatlong hand carry bag naman ay isahan niyang binuhat sa kaniyang kaliwang kamay. Nagulat naman si Katniss nang biglang binuhat ng lalaki ang dalawang naglalakihang maleta niya nang walang kahirap-hirap. "Ako na ang bahala sa mga maleta," pigil ni Katniss sa kaniya. Inilayo naman ng lalaki ang kaniyang mga gamit at nagsimulang maglakad. "Hey! Wait!" sigaw ni Katniss ngunit wala siyang narinig. "Mister—" "It's Steven Ryker Monteverde not mister," biglang saad ni Steven bago lingunin si Katniss na gulat na gulat. "Huh?" nalilitong wika nito. "Steven Ryker Monteverde, Miss," seryosong saad nito. "Follow me." Mabilis na naglakad si Steven na kaagad namang sinundan ni Katniss kahit naguguluhan siya sa biglaang paglapit nito. Nasapo na lang niya ang kaniyang dibdib dahil sa pagtataka. Alam niyang may mali pero hindi niya matukoy kung ano iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong lumitaw kung gayon ay hindi naman niya kakilala ang lalaking ito. "Miss," tawag ulit ni Steven. "Do you want to go to your suite? Just tell me if you don't so I can leave your belongings here." Napaawang na lang ang labi ni Katniss dahil hindi niya inaakala na ganito pala ka ikli ang pasensya ng lalaking tumutulong sa kaniya. "Bakit mo ba kasi binuhat? Hindi ko naman kailangan ng tulong mo!" sigaw ni Katniss at mabilis inunahan sa paglalakad si Steven na ngayon ay napangisi na lang at napailing. Katniss had no idea but the one who sent the invitation is Steven. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Basta ang alam niya lang ay gusto niyang makilala si Katniss. Nagsimula kasi ang lahat ng iyon nang makita niya ang social media account nito na kung saan ay lumitaw ang kaniyang picture. Nasa Boracay siya dati at nakasuot pa ng navy blue na two piece bikini. Hindi alam ni Steven kung bakit bigla siyang nainis. Basta ang gusto niya lang ay huwag na huwag magsusuot si Katniss nang ganoon. But then, it hit him. Hindi sila magkakilala. Wala silang koneksyon. Kaya bakit bigla niyang naisip ang bagay na iyon? Kaya bigla na lang niyang inalam kung saan nakatira si Katniss. Hindi naman siya nahirapan maghanap ng information dahil kaagad niyang nalaman kung nasaan siya sa pamamagitan lang ng social media. Nakakalat din kasi sa internet ang kaniyang information. May mga bodyguard din pala ito pero palaging binabantayan siya sa malayo. Saka lang siya nawalan ng bodyguard nang sabihin ni Katniss sa kaniyang Daddy na pupunta lang siya sa isla. Mabuti nga at pumayag ang kaniyang ama. Kaya ngayon ay walang nakasunod sa kaniya. Well, noon iyon. Pero ngayon ay si Steven na ang nakasunod sa kaniya. Pagpasok nila sa elevator, naamoy ni Katniss ang pabango ni Steven. Sa sobrang bango nito ay napapapikit na lang siya at napapalunok ng kaniyang laway dahil pakiramdam niya ay natutuyo. "Masakit ang ulo mo?" tanong ni Steven sa kaniya. Hindi niya alam kung may mali lang sa kaniyang pangdinig pero may bahid kasi itong pag aalala. She's not sure. Kaya naman umiling na siya at iminulat ang kaniyang mga mata. Ngunit sa hindi inaasahan, nakatitig pala si Steven sa kaniya sa pamamagitan ng reflection nila sa loob ng elevator. Nakita niya sa mga mata ni Steven ang pag aalala pero umirap lang si Katniss at pinagkrus ang kaniyang mga bisig sa kaniyang dibdib. "Why are you wearing bodycon dress—" "Ano ba ang pakialam mo?" masungit na tanong ni Katniss sa kaniya. Umigting naman ang panga ni Steven dahil sa kaniyang narinig. Kaya naman binibaba niya ang mga bag na buhat-buhay niya saka kinuha ang cellphone niya na nasa bulsa ng kaniyang swimming trunks. Mabilis siyang nagpadala ng mensahe sa technician na patigilin muna ang elevator nang ilang oras at huwag na huwag bubuksan kapag hindi niya sinabi. Dahil sa kaniyang mensahe na, rumesponde naman ang technicians at kaagad na pinatigil ang elevator. Nanlaki ang mga mata ni Katniss sa nangyari dahil sa biglaan nitong pagtigil. Hindi siya takot sa dahil biglang tumigil ang elevator. Takot lang siya dahil kasama niya ang lalaking hindi naman niya kilala. "What the fûck is happening?" naiinis na bulong ni Katniss sa kaniyang sarili. "Bakit biglang tumigil ang elevator?" Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Steven ang mga binibitawang salita ni Katniss. Halata kasing kinakabahan ito pero hindi niya masiguro kung bakit. Sinubukang lumapit ni Katniss sa pinto ng elevator at sinubukan itong katukin para lang magbaka sakali na bumukas ito. Isinandal na lang ni Steven ang kaniyang likuran sa dingding ng elevator habang pinapanood si Katniss na hampasin ang pintuan. Ngunit biglang napalingon si Katniss kay Steven nang mapansin niyang chill lang ito. "Bakit ba kalmado ka pa rin hanggang ngayon?!" sigaw ni Katniss sa kaniya. "Hindi ka man lang ba kinakabahan o natatakot?" Umiling naman si Steven sa kaniya. "No. Sasayangin ko lang energy ko. Kaya mas mabuti pang maging kalmado na lang ako." Sino ba ang magiging kalmado sa ganoong sitwasyon kahit na na-stuck na sila sa elevator? Si Steven lang naman. Kaya naman umigting ang panga ni Katniss at nilapitan si Steven na ngayon ay kalmado lang nakatingin sa kaniya. "Stop staring at me," bulong ni Steven. "Paanong ititigil ko? Ang weird mo!" sigaw niya. Umiling na lang si Steven sa sinabi ni Katniss. Hindi niya inaakala na saksakan pala ito ng kasungitan at sobrang ingay but that doesn't change the fact that she's beautiful, sexy, hot and fierce. "Manahimik ka na lang at hintayin mong gumawa sila ng aksyon," pagpapakalma ni Steven sa kaniya. "Hindi ko nga kayang manahimik! Ngayon ko lang naranasan ito—" Kaagad na natigil si Katniss sa pagsasalita nang bigla siyang hapitin ni Steven sa kaniyang bewang at isinandal ito sa dingding ng elevator. Nahigit naman niya ang kaniyang hininga nang maramdaman niya ang mainit na hininga ni Steven na tumatama sa kaniyang mukha. Amoy mint iyon at parang nanghihina siya sa kanilang puwesto ngayon. Parang may naglalaro ring kung ano sa kaniyang tiyan habang hinahaplos nang pasimple ni Steven ang kaniyang likuran. "Are you going to stop talking or I'll kiss you?" bulong ni Steven sa kaniya. "Kiss," nawawala sa sariling ulit ni Katniss sa sinabi ni Steven. Ngunit iba naman ang pagkakaintindi ni Steven doon. Akala niya ay sinagot niya ang tanong nito. Kaya naman bigla niyang sinunggaban ang labi ni Katniss na ngayon ay nakaawang. Nanlaki naman ang mga mata ni Katniss sa nangyari at bigla niyang nailagay ang kaniyang mga palad sa dibdib ni Steven. His soft lips started to move. Mabagal iyon at parang nang aakit. Kaya naman biglang nanghina si Katniss at unti-unting nawala ang kaniyang nararamdamang takot at inis kay Steven. Lahat ng iyon ay dahil lamang sa labi niyang nakalapat sa kaniyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD