Ipinikit na lang ni Katniss ang kaniyang mga mata at hinayaang halikan siya ni Steven. Ang kaniyang kamay na nasa dibdib ni Steven ay hindi niya namalayang nagtungo na ito papunta sa kaniyang batok para yakapin ang binata.
Unti-unti na rin siyang nadadala sa halik ni Steven. Kaya naman gumalaw na rin nang kusa ang kaniyang labi para sabayan ang sayaw ng kaniyang labi na puno nang pang aakit.
Ang isang kamay naman ni Steven ay kaagad na napunta sa batok ni Katniss para palalimin ang kanilang paghahalikan. Naaadik na kasi siya sa kaniyang labi at hindi na niya alam kung paano pa niya patitigilin ang kaniyang sarili.
Ang bisig naman niyang nasa maliit na bewang ni Katniss, ginamit niya iyon para ilapit lalo ang katawan ng dalaga sa kaniyang katawan.
Umigting na lang ang kaniyang panga nang maramdaman niyang nanunudyo na ang dila ni Katniss. Hinahalikan siya kasi ni Katniss nang french kiss habang siya passionate kiss lang. Iyon bang walang kasamang dila? Ganoon na ganoon.
Kaya naman nang maramdaman niyang ganoon na ang halik ni Katniss sa kaniya, ginaya na niya ito. Nagpa ungol naman iyon kay Katniss at naramdaman niya ang kabog ng kaniyang puso na para bang hinahabol siya at tumatakbo siya nang mabilis.
Napasabunot na lang si Katniss sa buhok ni Steven. Kaya kinagat ni Steven ang kaniyang ibabang labi para ipasok ang kaniyang dila sa bibig ni Katniss.
Kaagad naman iyon naintindihan ni Katniss at nang ibuka niya ang kaniyang labi, he suddenly inserted his tongue just to play with her tongue. Naglaban ang kanilang mga dila na naging dahilan para mahirapang huminga si Katniss.
Nang tuluyan nang magsawa si Steven sa bibig ni Katniss, bumaba ang kaniyang labi sa panga nito at kasabay naman ng pagbaba ng kaniyang labi ay ang pagbaba rin ng kamay niyang nasa batok ni Katniss. Bumaba iyon patungo sa dibdib ni Katniss.
"Wait," kinakapos na hiningang saad ni Katniss. "Baka may makakita."
Kinagat ni Katniss ang kaniyang ibabang labi nang biglang pinisil ni Steven ang kaniyang dibdib nang paulit-ulit. Mabagal iyon pero nagbibigay kasi iyon ng init sa kaniyang katawan na naging dahilan para siya ay pagpawisan.
"Baka may CCTV dito," kinakabahang bulong ni Katniss.
"Wala," sagot naman ni Steven para pakalmahin si Katniss.
Nararamdaman niya kasi ang kabog ng kaniyang puso dahil nga malaya niyang hinahawakan ang dibdib ng dalaga. Pinipisil niya iyon nang paulit-ulit at aaminin niyang nagigising ang kaniyang alaga sa kaniyang ginagawa.
Nasisiguro kasi ni Steven na walang CCTV sa loob ng elevator dahil nga isa siya sa may ari ng isla. Lahat silang magkakaibigan, sila ang nagmamay ari nito. Hindi nga lang alam ng lahat dahil itinatago nila iyon.
Ayaw kasi nila ng atensyon. Ayaw nilang malaman ng lahat kung bakit may ganitong isla. Exclusive lang kasi ito at mangilan-ngilan lang ang nakakaalam dahil nga kinakailangan nila ng invitation para lang makapasok.
"Huwag nating gawin dito," wika ni Katniss.
Bigla namang natawa si Steven sa sinabi ng dalaga. Kaya naman nag angat siya ng tingin para halikan muli si Katniss na ngayon ay halatang kinakabahan.
"But I want to do it here," bulong ni Steven nang matapos ang kanilang paghahalikan.
"Mainit dito," pabulong na sambit ni Katniss.
Kaya naman lumitaw na lang ang ngiti sa kaniyang labi bago tanggalin ang kaniyang kamay sa bewang ng dalaga. Umayos na rin siya ng kaniyang tayo ngunit hindi niya binitawan ang bewang ng dalaga.
"Fine," pagsuko niya.
"Pero paano tayo makakalabas dito? Hindi naman gumagana," problemadong bulong ni Katniss.
"I'll try to call my friend. Baka magawan niya ng paraan," bulong ni Steven at kinuha ang kaniyang cellphone sa loob ng kaniyang swimming trunks.
Ngunit ang hindi alam ni Katniss, si Steven ang may pakana nang lahat. Hindi nga rin inaasahan kasi ni Steven na ganito ang mangyayari dahil ang akala niya lang ay kikilalanin niya lang si Katniss but he ended up kissing her soft plumpy lips.
Mabilis na tinawagan ni Steven ang technician para tuluyan na nilang paganahin ang elevator. Natawa na lang siya sa kaniyang isipan nang makita niyang nanlaki ang mga mata ni Katniss.
May sariling suite si Katniss pero ang gusto ni Steven ay sa suite niya ito matulog habang siya ay nasa Love Island. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa security ng isla dahil nga lahat naman ng mga ito ay employee nilang magkakaibigan.
Sadyang gusto niya lang ipagdamot si Katniss sa lahat ng mga lalaki dahil alam niyang maganda ang dalaga. Hindi rin naman kasi siya makakapayag na agawin na lang basta si Katniss. Madali lang naman maghanap pero siya ang nauna kay Katniss kaya better luck next time na lang sa ibang nagbabalak agawin si Katniss sa kaniya.
Bumukas ang pinto ng elevator at biglang umalarma naman ang mga guard na naghihintay sa kanila.
"We'll carry your bags, Ma'am Romero," saad ng isang guard bago tingnan si Steven.
Hindi naman nagsalita si Steven at mabilis na naglakad palabas ng elevator. Nakapulupot pa rin hanggang ngayon ang kaniyang bisig sa bewang ni Katniss na hindi man lang umalma nang magsimula silang maglakad patungo sa kaniyang suite.
Iyon pala ay may mga bumabagabag na sa isip ni Katniss. Ang paghahalikan nila at kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Ang weird kasi nito para sa kaniya. She had no experience in kissing someone.
Puro lang kasi siya crush. Wala nga sa isip niyang makipag fling pero bakit nang tumungtong siya sa islang ito ay nagbago ang lahat?
Aaminin niyang natatakot siya sa mga posibleng mangyari. Baka kasi mahulog siya tapos puro lang pala fling ang alam ng lalaking katabi niya. Kung makayakap din kasi sa bewnag niya ay parang pagmamay ari siya nito.
Ngunit kailangan na niyang masanay. Hindi man siya lumaki sa liberated country, may mga alam naman siya sa ganito. Hindi naman kasi siya ganoon ka inosente. Sa tanda na niya at pupuwede nang mag-asawa, impossible namang wala pa siyang alam sa ganitong bagay, hindi ba?
Pagpasok na pagpasok nila sa suite ni Steven, nagkatinginan sila pero kaagad na inilihis ni Katniss ang kaniyang mga mata dahil biglang pumasok ang mga guard na bitbit ang kaniyang mga gamit.
Marami rin iyon at sigurado siyang mabigat. Kaya nga nagulat talaga siya nang buhatin iyon ni Steven nang walang kahirap-hirap.
"Just drop her things there," saad ni Steven sa mga guard at itinuro ang vase na malapit lang sa kanila.
Sinunod naman iyon ng mga guard at nagpaalam sa kanilang dalawa. Isinara na rin nila ang pinto pero hindi pa nakuntento si Steven dahil isinara niya pa ang tatlong kandado par alang masiguro na walang papasok.
Kapag kasi hindi niya iyon isinara ay bakak biglang pumasok ang kaniyang mga kaibigan. Mahilig kasing manggulo ang kaniyang mga kaibigan lalo na si Chase Liam Fajardo.
Bukod sa magaling mang asar iyan, kinaiinisan din iyan ni Justin James Sandoval. Kaya nga kapag lumitaw na si Chase sa kaniyang tabi ay bigla ng aalis si Steven dahil ayaw niyang nakikita si Chase.
Nang matapos niyang isara ang mga kandado, nilingon ni si Katniss na ngayon ay nakatingin din sa kaniya. Unti-unti naman siyang lumapit sa kinatatayuan ni Katniss pero umaatras naman ang dalaga.
Mabuti na lang at dingding na ang nasa likod nito. Kaya naman hindi na siya mahihirapan na huliin ang dalaga.
Hinapit niya ang bewang nito at saka idikit sa kaniyang katawan habang tinitinignan nang seryoso si Katniss. "Shall we continue?"