Pinilit ni Katniss na ilayo ang kaniyang mukha dahil sa biglaang paghalik ni Steven sa kaniya ngunit kahit ano naman ang kaniyang gawin ay hindi siya makalayo sa lalaking ito. Kaya naman hinayaan na lang niya ang kaniyang sarili para damhin ang halik ng binata. Ang sabi lang kasi ni Steven ay uupo lang sa kaniyang kandungan pero wala silang gagawing kung ano pero mali pala siya. Kaya heto siya ngayon, nakikipagpalitan ng halik sa binata. Hinayaan na lang niya ang kaniyang sarili na malunod na naman sa halik at haplos ng lalaki. Kahit man labag sa kaniyang kalooban ang ganito dahil sa kagustuhan niyang magpahinga na muna sana at maligo, wala siyang ibang nagawa dahil sa haplos ni Steven sa kaniyang katawan at sa kaniyang halik sa kaniyang labi. Napaungol na lang si Katniss nang biglang

