Natigilan naman si Katniss sa kaniyang narinig at hindi alam ang kaniyang sasabihin. Kumalabog din kasi nang husto ang kaniyang dibdib habang nakatingin kay Steven na ngayon ay nakasandal ang kaniyang balikat sa pintuan. "What do you mean?" nalilitong tanong ni Katniss. Sinusubukan niyang huwag tumingin sa bumabakat na bagay sa gitna ng kaniyang hita dahil nakaka distract talaga iyon. Kaya naman napalunok na lang siya ng kaniyang laway at inilihis ang kaniyang mga mata sa lalaking kasama niya sa suite. "Maliligo rin ako," paliwanag ni Steven. "Sasabay ako sa iyong maligo." Nahigit naman ni Katniss ang kaniyang hininga nang marinig niya ang sinabi ni Steven. "Sasabay ka sa akin?" ulit ni Katniss. Napalingon muli siya kay Steven na ngayon ay nakaangat ang kaniyang kilay. "Yes," pao

