Natulala si Katniss sa ginawa ni Steven sa kaniya. Saglit lang naman ang paghalik nito pero para siyang nawalan ng hininga at ulirat. "Sh-t! What's happening?" naiinis at gulat na tanong ni Katniss sa kaniyang sarili nang hawakan niya muli ang kaniyang dibdib. Naramdaman niya roon ang bilis ng pagkabog ng puso niya na kay Steven niya lang naranasan. May mga nabubuo na sa kaniyang isipan pero ayaw niyang paniwalaan dahil hindi naman siya sigurado. "I can't like him!" bulong ni Katniss sa kaniyang sarili. Hindi kasi talaga pupuwede na magkagusto siya kahit pa gaano ito kaguwapo, kaganda ang katawan at boses. Wala siyang pakialam. Dahil alam naman niya sa sarili niya na alanganing magkagusto sa kaniya si Steven. Almost perfect na kasi ang lalaking iyon. Kaya alanganin talaga ang kaniyan

