Kinagat ni Steven ang kaniyang ibabang labi habang nakatingin sa dalaga na ngayon ay nakangiti sa kaniyang cellphone. Hindi niya alam kung bakit natigilan siya at hindi niya magawang pindutin ang camera para makuhanan ng picture si Katniss. Nakita naman iyon ni Katniss na natigilan siya. Kaya naman bigla siyang natigil sa pagngiti lalo na nang magtagpo ang kanilang mga mata. Inangat na kasi ni Steven ang kaniyang mukha para tingnan nang maayos si Katniss pero hindi naman niya inaasahan na magtatagpo pala ang kanilang mga mata. Kumalabog ang kaniyang puso at habang tinitingnan ni Katniss ang binata na hanggang ngayon ay nakatingin sa kaniya nang seryoso. May mga nababasa siyang emosyon sa mga mata ng binata pero hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang nakikita. Pagmamahal. Pagka

