Matapos nilang mag usap ay naiwang tulala si Katniss dahil hindi niya napansin na pinatay na pala ni Samantha ang kanilang video call. Kahit ano kasi ang pagpipilit ni Katniss sa kaniayng kaibigan ay buo na kasi talaga ang kaniyang desisyon na ayaw niya raw magpunta sa isla kahit na sagot na niya ang invitation. Puwedeng-puwede naman kasi niyang sabihan si Steven tungkol doon dahil gusto niyang ayain ang kaniyang kaibigan na magsaya kahit na saglit lamang kaso mukhang impossible dahil nga nakatatak na talaga sa kaniyang isipan na ayaw niya talagang magbakasyon. "Grabe naman pagiging workaholic niya. Susunod na talaga siya sa yapak ni Valkyrie," bulong ni Katniss sa kaniyang sarili. Humugot na lang siya nang malalim na hininga dahil hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kaniyang isipan

