Nagngitngit sa galit si Katniss habang nakatingin sa invitation na natanggap niya. Wala siyang balak bumalik sa islang iyon dahil nasasaktan siya sa nangyari. Naaalala niya kung paano maglandian ang dalawa nang saglit lamang siyang nagpunta sa comfort room. Lumitaw kasi noon ang isa sa investor ni Steven sa kaniyang business. Same age sila ng babae pero hindi niya maintindihan kung bakit grabe kung makadikit ang dalaga sa binata. Kung makaasta naman ay para silang nagdi-date. Aaminin niyang nasaktan din siya sa ganoon lalo pa at nililigawan naman na siya nito pero ang problema ay inunahan na siya ng galit at kasalukuyan pa lamang niyang inaalam kung anong klaseng pagkagusto ba ang kaniyang nararamdaman sa binata. Naguguluhan kasi talaga siya kaya nga naisipan niyang layuan ang binata.

