Wala mang ekspresiyon ang mukha ko, pero labis ang saya ng kalooban ko. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon ko lamang naramdaman na parang nakakahinga ako ng maayos. “Marunong ka pala magdrive ng motor?” tanong ni Cristo na parang batang nakayakap sa akin sa likuran ng motor. “AH oo. Hindi ko lang magawa-gawa noon dahil bukod sa wala akong oras ay dahil sa kahit matanda na ako, lagi akong pinagbabawalan. Kesyo may anak na raw ako at dapat umayos ako ng kilos. Baka raw sabihin ng tao na kaya raw ako nagkaanak at walang ama ay dahil sa pariwara akong babae,” “Nag motor ka lang, ganon na sinasabi sayo?” “Oo. Diba? Kaya nga kahit maiksing panahon lang kami nagkasama ng papa ni Leo, malaking pasasalamat ko pa rin sa kaniya na hinayaan niya akong maranasan kung paano ang mabuhay,” “Oh eh a

