Chapter 23

2096 Words

“Hmmm!” daing ni William nang tuluyang sakupin ang mga labi ko. Kakaiba ang halik ni William ngayon. Madiin, may gigil, tila ba nangungulila na hindi ko maunawaan. Naghahalong lamig at init ang dumaloy sa katawan ko habang nakikipagpalitan ng halik kay William. Nanindig pa ang balahibo ko nang ipasok agad ni William ang isang kamay sa suot kong t-shirt. Sa luwag nitong damit, malayang-malaya ang kaniyang kamay na lakbayin ang bawat kurba ng aking katawan. Ang ganda sa pakiramdam. Parang musika sa pandinig ang mabibigat na hininga ni William. “Ayos ah, parang masyado kang malungkot,” sabi ko pa nang saglit na bumaba sa leeg ko ang mga halik nito. Teka, bakit alam na niyang humalik pati sa leeg? Pero imbes na sagutin ako ay laking gulat ko nang bigla na lamang akong binuhat nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD