Chapter 5

2160 Words
"Be my wife and it will be your pleasure," Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagpatak ng mga pawis mula sa noo ko. “Ano? Aba'y hambog ka.” Sakto namang bumukas ang elevator. Laking gulat ko nang may humawak sa baywang ko at binuhat ako palabas. “Bitawan mo ako,” pagpupumiglas ko dahil hindi ko pa handang iwan iyong lalaki doon. “Si Charlie to!” Tumigil ako at tiningnan ito. Siya nga. “Charlie!” Ibanaba ako nito at hinawakan sa magkabilang balikat. “Annie!” takot na takot na sabi ni Charlie at niyakap ako nang mahigpit. “Ayos ka lang ba? Anong masakit? May ginawa ba sayo iyong lalaking yon?” “W—wala, ok lang ako,” sagot ko kay Charlie. Gulat at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Di ko lubos-maisip na sa tagal ko nang gumagamit ng elevator rito, ngayon pa ako mamalasin. “Mahigit isang oras rin kayo sa loob,” sabi ni Charlie nang humiwalay sa pagkakayakap at sinipat ako mula paa hanggang ulo. “Ang tagal,” sabi ko rito saka saglit na sumulyap sa may elevator para tingnan kung naasikaso na ba iyong lalaki at doon lamang napansin ang dami ng mga taong nakaipon. “Bakit ang daming tao?” “Tara na sa ospital,” sabi ni Charlie at hinila na ako palayo. Paglabas na paglabas namin ay sakto namang nakasalubong namin ang mga grupo ng mga lalaking may dalang stretcher kaya bumitaw ako sa pagkakahawak ni Charlie at lumapit sa mga ito. “Hello, ano...nawalan ng malay iyong lalaki sa elevator. Hindi ko alam eksakto ang nangyari basta humingi siya ng matamis. Napakain ko naman siya ng ice cream pero hindi ako sigurado kung ok na siya.” Tumango iyong mga lalaki at tumakbo na papasok. Hinigit naman ako ni Charlie at itinakbo na ako sa ospital. Pagdating sa ospital ay doon lamang ako nakaramdam ng panghihina at tuluyang nawalan ng malay. Nagising na lamang ako kinabukasan na katabi ko na ang anak kong si Leo habang si Charlie naman ay nakatulog sa upuan at nakasubsob ang mukha sa kama. Nakahawak pa ang kamay nitong may bandage sa binti ko. “Mommy,” bulong ni Leo nang magising na rin. “Good morning anak, anong ginagawa mo dito?” bulong ko pabalik at hinalikan ito sa noo. “Sinundo po ako ni Tito Charlie. Umuwi po kasi si Yaya dahil may sakit daw ang anak niya,” “Ganon ba anak, sorry, hindi kita napuntahan agad,” “Ok lamang po Mommy, basta safe ka po. Hindi naman po ako pinabayaan ni Tito Charlie,” Napahibi ako habang nakatitig sa anak ko nang maalala ang takot na naramdaman ko habang nakakulong sa elevator. Hindi ko maisip na pag nawala ako, paano na lamang ang anak ko? Sa edad na limang taong gulang, palipat-lipat na siya para lamang maalagaan habang nagtatrabaho ako. “Gising ka na pala,” sabi ni Charlie habang nag-iinat. “Ah oo, salamat. Ang dami ko na namang utang, di na talaga ako makakabayad,” sabi ko rito. “Saka, napano yang kamay mo?” “Wala ito. Sa sobrang galit ko kahapon kasi ang tagal rumesponde, pinagsusuntok ko na yong pinto ng elevator,” “Bakit mo ginawa yon? Nasaktan ka pa,” “Hindi ko kayang may mangyari sayong masama. Kaya kong tiisin na mawala ang kahit na sino, wag lang ikaw. Hindi ko na kayang mawalan ng isa pang kapatid,” sabi nito saka tumayo. “Ok ka naman na. Stress lang daw kaya nawalan ka ng malay. Bibili na ako ng pagkain bago tayo umuwi, anong gusto mo?” “Kahit anong may sabaw,” sabi ko rito, hindi alam kung papano kakalma sa sinabi niya. “Ikaw baby, anong gusto mo?” tanong ni Charlie kay Leo. “Fry chicken po,” tugon ng anak ko. “Ganito na lang. Paglabas ni Mommy, diretso tayo sa Jobi?” Tatalon naman ang anak ko sa saya. Sa mga ganitong pagkakataon, paanong hindi ako maghahangad ng higit pa sa magkapatid kung ganito ang turing niya sa aming mag-ina? “Ok, behave. Bantayan mo muna si Mommy habang wala ako,” sabi ni Charlie at naglakad na palabas ng kwarto. Makalipas ang dalawampong minuto ay bumalik na rin agad si Charlie na samo’t-saring pagkain ang dala. Iniayos niya ang mga pagkain sa mesa at doon kami kumain. Kalong niya si Leo habang pinapakain at ako naman ay masaya silang pinapanooran habang humihigop ng sabaw. Pagtapos na kumain ay lumabas na kami ng ospital. Kalong-kalong ni Charlie si Leo habang hawak-hawak ng isang kamay ang kamay ko. Madalas kaming ganito kagaya kapag mamimili, o susunduin sa playschool si Leo, o kaya naman pag sinasamahan niya akong ipacheck-up ang anak ko. Parang isang buong pamilya kung titingnan. “Pwede bang sainyo muna ako tumuloy?” nahihiya pang tanong ni Charlie pagkasakay namin sa kaniyang kotse saka inayos ang seatbelt ko. “Bakit?” “Hindi ko pa kayang umuwi ulit sa condo ko, maaalala ko lang si Sydney,” tugon niya. “Ah ganon ba. Ok. Welcome ka naman anytime eh,” nakangiti kong tugon sa kaniya. Kung hindi talaga ako magiging higit pa sa kapatid, siguro, susulitin ko na lamang ang mga ganitong pagkakataon na makakasama siya hangga’t hindi pa siya nakakahanap ulit ng mamahalin. Malay ko ba, maging pabor rin ang tadhana sakin. “Salamat, Annie,” “Kahit ano para sayo, Charlie. Lagi mong tatandaan, andito lang kami ni Leo para sayo,” nakangiting sabi ko. “Ice cream?” tanong niya. “Ah, pass na muna. Natrauma na ako eh. Jobi na lang?” Tumango naman si Charlie at sabay pa naming tiningnan si Leo na sabik na sabik na rin. “Ready, anak?” Tumango si Leo at magiliw na sumayaw-sayaw ng madalas nitong ginagawa kapag nasasabik sa mga bagay-bagay. Nagmaneho na si Charlie at di nagtagal ay tumigil kami sa tapat ng paboritong fast food restaurant ni Leo. Sabay-sabay kaming bumaba at nagtungo sa loob. “Oorder lang ako ha,” sabi ni Charlie nang makahanap kami ng pwesto. “Sige. Salamat.” Umupo kami ni Leo at masayang naghintay kay Charlie. Habang naghihintay ay nagkukulitan pa kami. Pero natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses at nang tumama ang tingin ko sa t.v., hindi ko akalaing makikita ko iyong lalaki sa elevator. Maayos na ang kalagayan nito, mukhang masigla at wala ng sakit. Pero anong gingawa niya sa t.v.? “Alam ko na andito ako para sa interview, pero buong buhay ko na iniinterview niyo ako, pare-parehas lamang ang sagot ko kaya, masaya akong sabihin na ngayon, bibigyan ko naman kayo ng bago. Sinabi ko noon na wala na akong balak mag-asawa at masaya na ako sa tinatamasa kong success, pero mali ako. May mga bagay palang mas higit sa kaginhawaan na dala ng pera. May nakilala ako kahapon na babae. Hindi niya ako kilala at hindi rin siya marunong mag-CPR. Kung nasaan ka man at napapanood mo ito, wala ka pang sagot sa tanong ko,” saad nito na labis kong kinagulat. Kung hindi ako nagkakamali, ako ba ang tinutukoy niya? “Natrap ako sa elevator kasama siya at niligtas niya ang buhay ko kahit marami siyang pag-aalinlangan,” dagdag ng lalaki. Ako nga. Ako nga ang tinutukoy nitong William Gareth sa tv. Nagsalita ang host at doon ko lamang napagtanto na kaya siguro hindi niya inaasahan na hindi ko siya kilala ay dahil isa siyang sikat na businessman. Isang bilyonaryo sa larangan ng teknolohiya. “Totoo ba to? Nangyayari ba talaga ito?” bulalas ko sa aking sarili habang nakatulala sa tv. “Alam ko na ang pangalan mo at kung saan ka nakatira, gusto na kitang makita ulit, sana may sagot ka na,” sabi pa ulit ni William dahilan para magkagulo ang mga tao sa studio kung saan ito nagpapainterview at maging ang mga tao rito sa restaurant. Mabilis akong tumayo at kinalong si Leo. “Anak, uuwi na tayo. Sa bahay na lang tayo kakain ng Jobi ha?” “Bakit po, Mommy?” “Ang ingay dito anak, saka mainit, at libre lang ang kanin sa bahay, pwede tayong kumain ng marami,” bulong ko sa anak ko. Nakasalubong ko si Charlie na nagulat nang makita akong naglalakad palapit. “Saan kayo pupunta?” tanong agad ni Charlie. “Ipa take-out mo na lamang ang mga order natin, ok lang ba? Gusto ko na palang magpahinga sa bahay,” sabi ko. “Pero ayos ka lang?” usisa ni Charlie. “Oo, ok na ok lang ako. Sige na, sa sasakyan na lamang kami maghihintay, ha. Salamat.” Madali akong nagpunta sa kotse ni Charlie at maya-maya rin lang ay nakasunod na ito. “Charlie, sa bahay ni Mama na muna tayo tumuloy. Naisip ko kasi, hindi rin makakabuti kung pag-uusapan tayo ng mga tao gayong alam ng mga mga tao sa paligid na kayo ni Sydney,” suhestiyon ko habang nag-aayos ito ng seatbelt. “Sige, ganon na lamang. Namimiss ko na rin naman si Tita at Lola,” sabi ni Charlie. Mahigit limang oras rin ang naging biyahe papunta sa bahay namin sa probinsiya. Tulog na si Leo nang makarating kami. “Ikaw na ang magdala ng mga pagkain sa loob at ako na ang magbubuhat kay Leo,” sabi ni Charlie pagtapos na ipagbukas ako ng pinto. “Sige, salamat. Maghahain na rin ako nang makakain na tayo para dire-diretso ang pahinga.” Sagot ko pagbaba ng kotse. “Andiyan pa naman ang mga damit ko no?” tanong ni Charlie habang kinukuha ang ilang mga pinamili namin sa daan paparito. “Opo. Sa parehas na bahay, di ko inaalis ang mga damit mo,” “Salamat, Annie.” “Charlie, sorry nga pala sa ginawa ko kahapon. Hindi ko lang talaga kayang nasasaktan ka ng ganon,” “Mali rin na nagalit ako sayo, wala ka namang kasalanan,” “Basta, isipin na lang natin na deserve natin magpahinga muna. Heartbroken ka, heartbroken din ako. Malay mo tayo pala no?” “Annie, mga biro mo ha,” “Sorry, hindi na mauulit.” Tumalikod na ako at baka ako na ang sumampal sa sarili ko sa mga pinagsasasabi ko. Malayo ang paradahan ng mga sasakyan sa mismong bahay namin dahil sa mga malalaking tractor at tracers na nakaparada sa gilid ng bahay. Ang mismong bahay namin ay nakaharap sa malaking palayan na pagmamay-ari namin. Oh haciendera, pero hindi kami mayaman. Tamang nakakaraos lamang dahil hindi naman araw-araw ang kinikita, tapos marami rin kaming pinapasahod. Buti na lamang at bukod sa mga bigas ay supplier din ang pamilya namin ng mga gulay at mga prutas sa ilang mga restaurant sa kabayanan. “Ma?” Tawag ko sa aking ina dahil alam ko namang wala si Tatay sa bahay at nasa bukid ng ganitong oras. Nang makalapit-lapit ako sa bahay ay ganon na lamang ang gulat ko nang makitang may kasiyahan sa bahay. “Sinong may birthday? Wala naman sa pagkakaalala ko. May ikakasal? Teka, hindi kaya wala na si Lola?” Dali-dali akong tumakbo at humagulgol na dahil tandang-tanda ko na ang bilin ni Lola ay pag nawala siya may pa-zumba grande at bingo royal sa buong barangay. “Lola! Bakit naman hindi mo kami inintay ni Le—aray!” “Nalintikan ka na naman Annita! Anong iniiyak-iyak mo diyan?” singhal ni Lola pagtapos akong hampasin ng tambo dahil nagwawalis sa terrace ng bahay. “Lola! Sorry na po! Kala ko kasi nagreunion na kayo ni Lolo eh. Wala namang selebrasyon ngayon kaya ikaw lang ho ang naisip ko,” magiliw kong yakap dito. “Miss kita, Lola kong mukhang twenty-two.” “Tsk! Ikaw ay pumasok na, asan si Leo?” “Ah, si Charlie ho ang may dala at tulog na,” nakangiting sabi ko. Nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Lola. Hindi siya masaya gayong siya ang ultimate shipper namin ni Charlie. “Halika.” Hinawakan ni Lola ang kamay ko at inakay ako sa pinakaloob ng bahay at parang tumigil ang hininga ko nang tumambad sakin iyong lalaki sa elevator, si William Gareth. Masaya itong nakikipagkwentuhan habang kumakain kasama nina Mama at ang mga tiyahin ko. Sabay-sabay silang lumingon at nagsitinginan na daig pang sinusunog na ako sa mga mapang-usig na mga tanong. “B-bakit andito ka?” uutal-utal na tanong ko sa lalaki. Iniwasan kong umuwi sa apartment para makapagtago sa lalaking ito, pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Tumayo ito at naglakad palapit sakin pero humakbang naman ako paatras. Kaya tumigil na lamang siya at ngumiti. Ang mga kamag-anakan ko, abang na abang sa mga mangyayari. “Sorry kung nagpunta ako nang walang pasabi, gusto ko lang sanang pormal na hingin muna ang permiso ng pamilya mo bago kita tuluyang ligawan,” sinsero nitong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD