Chapter 8

1890 Words
Diretso ang pagluha ni Sydney habang sumusubo ng pagkain. Hindi ko lubos maisip na aabot siya sa ganito. Nadidismaya ako dahil kung tutuusin ay halos nasa kaniya na ang lahat pero parati pa rin siyang nasasaktan at nahihirapan. “Tahan na. Tahan na,” naiiyak kong sabi at pinupunas ang mga luha ni Sydney. Para akong mauupos nang abutan ko ito ng tubig. Ang hirap-hirap sumaya. Pagtapos kumain ay nagbayad na ako at isinama siya sa palengke para ibili ng maayos na damit at pampaa. Namili na rin ako ng mga kailangan sa bahay nang makita ko ang isang mama na nagbebenta ng ice cream. “Si William!” bulalas ko. “Manong pabili ho!” Hinabol ko ang nagtitinda ng ice cream. “Anong meron?” habol ni Sydney sakin. “Para kay Leo ba?” “Hindi. Ano, saka na lang ako magkukwento. Pwedeng makibili ng mga kakanin? Yong matamis. Babalik rin agad ako.” Nang mahabol ko si Manong, bumili na ako ng marami. Tapos bumili na rin ako ng cotton candy. Ewan ko ba. Pagbalik ko kay Sydney, hinigit ko na ito pabalik sa perya. Halos banggain ko na ang mga tao sa daan. Kaso pagdating sa pinag-iwanan ko kay William wala na ito. “Manong asan na yong kasama ko dito?” galit ko nang tanong dito. “Mam kanina pa ho umalis eh, bigla ho kasing namutla,” “Nanalo ba?” “Hindi po eh,” Ibinigay ko muna kay Sydney ang mga hawak kong ice cream at nagbayad ng isang set ng mga bala. Buti na lamang at isang tira ko lang ay nakuha ko na agad ang malaking stuff toy. “Tara Sydney!” sabi ko at madaling tumakbo papunta sa pinagparadahan ng van. Binuksan ko agad pero wala roon si William. Sobra na ang kaba ko dahil sa dami ng mga tao, paano ko hahanapin yon? “Ano ba kasing nangyayari? Sinong hinahanap mo?” gulong-gulong tanong ni Sydney. “Sa bahay na lang ako magkukwento. Dumito ka lang muna ha, babalik rin agad—" “Annie!” Naputol ang sinasabi ko at madaling humarap sa kaliwang bahagi kung saan nakita kong naglalakad palapit si William na masayang kumakain ng ice cream. “Diba sabi ko wag kang pupunta kung saan? Hindi kita mahahanap—” “Relax, hindi ako mawawala sayo, sinabi ko naman na sayo yon diba?” sabi ni William dahilan para kumalma ako. “Hindi na kita nahintay, napagod na ako. “Tsk! Tara na umuwi na kita,” iyamot kong sabi. Binuksan ko ang pinto ng van para papasukin si Sydney pero pinigilan ako ni William. “Sorry kung nag-alala ka. Pero nangako ako na hindi na ako mahihimatay, di ba?” saad ni William habang nakatitig sa mga mata ko. “Bakit sinabi ko ba na nag-aalala ako? Ang akin, kala ko umalis ka na, saan ako sasakay pauwi?” Ngumisi si William at kinuha ang plastic ng mga ice cream na bitbit ko saka cotton candy. “Pwede ka namang mag commute. Pero salamat sa mga ito,” nangingisi pang sabi. “Hindi yan para sayo,” “Salamat din sa teddy bear. Tumigil na kasi ako dahil dinadaya ako,” “Hindi rin sayo ang teddy bear, sa anak ko yan,” “I can be your baby too,” kindat nito. “Ah! Bwisit ka!” “Sige na sakay ka na, uwi na tayo,” sabi ni William at nakipagkamay muna kay Sydney bago tuluyang sumakay sa driver’s seat. “Sige na, dito na muna ako,” sabi ni William pagparada ng kotse sa harapan ng bahay namin. “Sigurado ka?” “Oo, eenjoyin ko pa ang bigay mo sakin,” nakangisi nitong sabi. “Halika na,” sabi ko kay Sydney at inalalayan ito pababa. “Sino yon?” tanong ni Sydney habang naglalakad kami papunta sa bahay. “Hayaan mo yon. Wala lang magawa sa buhay yon,” Nang makarating sa bahay ay iniwan ko muna sa terrace si Sydney at pinuntahan si Charlie sa likurang bahay. Nang makita itong masayang nakikipaglaro kay Leo, parang gusto ko na namang umatras. “Charlie,” tawag ko rito. Tumingin ito at agad na lumapit sakin. “Anong meron?” “Charlie...” Labis ang pagsipat ni Charlie sa mukha ko at alam kong basang-basa niya na natatakot ako pero ngayon, may halo nang pag-aalinlangan. Kitang-kita ko ang pagbagsak ng mga balikat nito kasabay nang paglungkot ng kaniyang mukha. “Anong ginawa mo, Annie?” “Charlie sorry ha,” “Teka, wag mong sabihin…” “Gusto ka raw makausap ni Sydney,” naiiyak ko nang sabi. Kita ko ang pagsibol ng galit sa mukha ni Charlie. “Hindi ko akalaing sasaktan mo ako ng kaganito, Annie! Sinabi mo na lamang sana na gustong-gusto mo na makasama yong William na yon,” sumbat ni Charlie at kinuha ang susi ng sasakyan. Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Anong ibig niyang sabihin? “Charlie!” tawag ko rito pero huli na para habulin ito dahil pinaharurot na nito ang kotse palayo. Kita ko ang pag-iyak ni Leo. Agad kong kinalong ang anak ko at pinatahan ito. Naiyak na rin ako dahil rinig kong umiyak na rin si Sydney. Bakit naging ganito? Wala naman akong masamang hangad. “Anak, akina na muna si Leo,” sabi ni Tatay na alam kong galing pang bukid. “Puntahan mo na muna si Sydney.” “S-Salamat, Tay,” tugon ko, nanginginig na ang mga labi ko dahil hindi na maawat ang pag-iyak ko. Tumakbo ako papunta sa terrace kung saan ko iniwan si Sydney pero nakita ko itong tumatakbo kasunod ng sasakyan ni Charlie. “Sydney, wag ka nang sumunod!” sigaw ko at tumakbo para pigilan ito. Kita ko ang pagkadapa ni Sydney pero hindi manlang ito tinigilan ni Charlie. “Sabi nang wag nang sumunod,” palahaw ko at mas binilisan ang paglalakad. Pansin ko ang pagbaba ni William sa van at mabilis na binuhat si Sydney kahit nagpupumiglas ito. “Ibaba mo ako!” sigaw ni Sydney kay William. Pero itong William, hindi manlang magpatinag. Hindi niya binitawan si Sydney kahit malalakas na ang paghampas sa kaniya. “Halika na,” sabi lamang ni William nang tumapat sa akin. Tumango naman ako at sumunod rito. “Annie, kailangan kong makausap si Charlie,” hagulgol ni Sydney nang maiupo ni William sa kawayang upuan namin sa terrace. Kita ko ang pagod, sakit, at pagakabilisa ni Sydney. “Sydney, kumalma ka muna. Tingnan mo ako,” “Annie,” “Isa Sydney!” pasigaw kong sabi dahilan para matigilan ito. Yumukyok ako sa harapan ng aking kaibigan at hinawakan ang kamay nito. “Tingnan mo ako.” “Annie, baka pag nagsayang ako ng oras, lalo lamang mawala si Charlie sa akin,” “Mas mawawala siya sayo kung hindi mo muna siya hahayaan ngayon, nauunawaan mo ba? At saka, isipin mo. Kung makikita ka niya ngayon na ganiyan ang kalagayan, sa tingin mo matutuwa siya?” “Pero Annie. Sa oras na matunton ako nina Mama, dadalhin na nila ako sa US at ang masakit, wala akong ibang choice kundi ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto,” “Ano?” “Noong umuwi ako, nakiusap ako na dalhin nila ako kay Charlie pero hindi sila pumayag. Masyado na raw napahiya ang pamilya namin kaya kung babalik ako kay Charlie ay mas malulubog lamang kami sa kahihiyan. Ipagkakasundo ako sa kababata ko raw na anak ng matalik na kaibigan ni Mama. Kaya please, pakiusap, tulungan mo ako,” “S-Sige, pero gusto ko, magpahinga ka na muna. Ipapaayos ko ang kwarto ko at doon ka na muna,” “Ihahatid ko na muna ang kaibigan mo,” biglang sabat ni William. Pansin ko ang pagbabago ng awra nito nang tingnan ko ito sa mukha. “Ayoko umuwi,” pakiusap ni Sydney. “Hindi na, William. Maabala ka pa. Labas ka naman sa gulong ito. Ang ipapakiusap ko na lamang sana ay bantayan na muna si Sydney at kung kakailanganin kong ipahatid si Sydney, ihatid mo siya,” “Anong gagawin mo?” “Hahanapin ko si Charlie,” “Ikaw lang mag-isa? Sasamahan na kita,” “Hindi na,” “Dahil ayaw sakin ni Charlie?” “Hindi. Dahil mababait ang mga tao dito, alam kong madadala ng mga magulang niya si Sydney dahil hindi manlang manlalaban yang mga yan, kaya sayo ko na ipapagkatiwala ito.” “Mag-ingat ka,” “Salamat,” tango ko rito at nagtungo na sa aking sasakyan. Walang ibang pupuntahan si Charlie maliban sa lugar na madalas naming takbuhan na tanging kami lamang ang nakakaalam. Mahigit tatlong oras rin ang binyahe ko bago nakarating sa pribadong villa na binili namin ni Charlie. Nakaparada nga ang kotse nong baliw. “Charlie!” sigaw ko pero walang sumagot. “Hoy! Wag mo akong ginagalit! Alam na alam mong ang pinakaayaw ko ay ang tinatalikuran ako pag nag-uusap,” Wala pa ring sumagot sa akin kaya pumasok na ako sa loob. Pagpasok ay hindi ko makita si Charlie sa kahit saang parte ng bahay kaya napakamot ako sa ulo at madaling tumakbo sa likuran kung saan may daan pababa papunta sa dagat. Pagkababa ay parang lahat ng lakas ko naubos nang makita si Charlie na wala sa sarili, nakatingin sa malayo, at puno ng lungkot. "CHARLIE!!" Hindi ito lumingon at diretso lamang sa paglakad. “Ang tinamaan ng puhang!” palahaw ko at hindi na nagdalawang-isip na magtatakbo agad palapit kay Charlie. Naglalakad ito sa dagat na para bang hindi malakas ang hampas ng alon. Kahit hindi ako marunong lumangoy ay sinubukan kong awatin si Charlie sa binabalak. “Hoy! Nasisiraan ka ba ng bait? Ha?!” bulyaw ko rito habang pilit na nilalabanan ang takot sa akin. Pero parang balewala lamang ang tawag ko. “Hoy! Charliee! Malalim na! Hindi ako marunong lumangoy!” “Ayoko na, Annie,” sabi nito sa wakas. “Bumalik ka na sa tabi!” Pinilit ko pa ring sumunod kahit ba lagpas baywang ko na ang tubig. Lamig na lamig na rin ako, mahina ako sa lamig. “Please, Charlie! Sabi mo hinding-hindi mo ako iiwan!” Natigilan ito at nagawa kong mahawakan ito sa laylayan ng kaniyang damit. Buong lakas ko itong hinigit pero nadulas ako at nalubog sa tubig. “Tangna mo! Ang dami mo kasing a-arte!” palahaw ko habang nalulunod. Pero mabilis akong nabuhat naiahon ni Charlie. Parehas kaming humahangos nang ihig niya ako sa buhanginan. “Sorry, Annie! Sorry,” sumamo nito pero hindi ko ito pinansin. Pinilit kong tumayo pero masyadong nangangatog ang tuhod ko sa takot. Nahawakan ako nito sa baywang at muli ay naihiga. Umibabaw ito sakin at naluluhang nagsalita, “Sorry. Sorry! Sorry, Annie. Hindi ko sinasadya!” Hindi ko naman magawang makasagot dahil sa pagkakataong ito ay parang kakawala na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa matinding emosyon na nagsasama-sama na. Naiyak na rin ako. "Gago ka ba, ha? Magpapakamatay ka dahil lamang sa babae? Paano ako ha?" "May William ka naman na. May magbabantay na sayo," Lalo na akong nainis, "Alagain lang ba talaga ang tingin mo sa akin? Kasi ako hindi, Charlie! Ikamamatay ko pag nawala ka. Bakit? Dahil mahal kita, Charlie! Higiit pa sa magkapatid!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD