Chapter 9

1622 Words
“Annie,” “Ano, gulat ka?” “H-Hindi ko ginusto na maramdaman mo ‘yan,” “Alam ko. Ako...ako ang gumusto nito. Ang tanga ba?” Sinapo ko ang magkabilang pisngi nito at tumitig ng sinsero. Sa pagkakataong ito ay wala na akong balak na magtago pa. “Sorry, Annie,” “Anong sorry? Wag ka namang magsorry. Wag mo nang dagdagan ang sakit na binigay sa akin ng marami. Hindi ko naman hinihingi na ibalik mo ang nararamdaman ko. Ang akin lang, wag mong isiping walang nagmamahal sayo. Dahil ako, mahal na mahal kita Charlie.” Hinawakan nito pabalik ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa noo. “Salamat, Annie. Pero hindi mo naman kailangan magbiro para pagaanin ang loob ko.” Umalis ito sa ibabaw ko at tumawa. Tinulungan rin akong tumayo ni Charlie at ginulo ang buhok ko. “Tara na, maligo ka at magpalit. Mahina ka pa naman sa lamig.” Tumawa na rin lamang ako at pinahid ang mga luha ko na buti na lamang nakatago sa basang tumutulo mula sa aking buhok. “Pagkatapos nating magpalit, magpunta na tayo sa bahay nina Sydney. Kausapin mo ang mga magulang niya,” “Annie,” “Aalis na si Sydney. Ipapakasal sa iba. Kaya kung mag-iinarte ka, eh di wag. Sinasabihan lang naman kita kung talagang mahal mo si Sydney,” “Parang hindi ako nasaktan, Annie,” “Alam kong mali si Sydney pero, sa tingin ko, sa pagkakataong ito hindi na niya sasayangin ang pagkakataon,” “Kung pupunta man tayo, ipapaalam ko lamang na masaya ako kung ikakasal na siya sa iba,” “Charlie...” “Annie, gaano man natin kamahal ang isang tao, hindi naman tayo pwedeng tumanggap ng sakit paulit-ulit,” “Charlie, wag naman ganon,” “Kung ilalaban naman ako ni Sydney at hihintayin pag handa na ako, bakit hindi?” “Mag-usap kayo,” “Oo, gagawin ko yon,” Iyon lamang ay saktong pagpasok namin sa bahay ay rinig ko ang pagring ng cellphone ko. Madali kong tiningnan kung sino ang tumatawag at nakitang si Nanay ang tumatawag. “Nay, bakit ho?” sagot ko. “A-Anak---” Nanigas na ang kamay ko dahil sa garalgal na boses ni Nanay. “Anong nangyari Nay? Wag niyo ho akong takutin!” “Anak, si---si Sydney, kinuha siya rito ni Paolo at ng iba pang mga kalalakihan,” Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Charlie. “Pauwi na ho kami, kumalma po kayo ha,” “Sige anak, hintayin kita,” Pagbaba ng tawag ay hinigit ko na si Charlie at hindi na nagpaliwanag pa rito kung anong nangyayari. “Alam kong nagtataka kung anong nangyayari pero mamaya ko na lamang sasabihin, wala nang oras,” “Annie, tinatakot mo ako,” “Pwes, ako rin ay natatakot,” sabi ko rito at pinaharurot na ang kotse pabalik sa aming bahay. Kaso nang makarating kami sa likuan na wala halong katao-tao, ilang metro na lamang papunta sa amin ay nakarinig ako ng matinis na tunog at sa isang iglap ay bumangga ang minamaneho kong kotse sa malaking puno. “Charlie!” palahaw ko nang subukan ako nitong yakapin. “Annie!” Hindi ko na nagawang maabot ang kamay ni Charlie. Nagdilim na ang lahat at napuno ng matinding katahimikan ang sandaling iyon, tanging mahihinang paghangos mula sa aming dalawa ang nagrerehistro sa aking tenga. Nagising na lamang ako sa isang madilim na kwarto at nanginginig ako sa lamig. Pinilit kong aninagin kung nasa ospital ba ako pero hindi. Malabong ganito kadilim sa ospital. “Gising na siya.” Ibinaling ko ang mga mata ko sa babaeng nagsalita at pansin kong nakasuot ito ng lab gown na pang doktor. “Asan ako?” tanong ko sa mahina kong boses. Tumingin lamang ito at naglakad papunta sa pinto at lumabas. Nangunot ang noo ko dahil sa di maipaliwanag na kakaibang pakiramdam na naghahari sa akin. Puro makina na pang ospital ang buong kwarto at may kung ano sa hangin na naamoy ko ang tila nagpapahina sa akin. “Anong nangyayari?” sabi ko ulit na pilit na iginagalaw ang katawan ko pero bigo ako. “Charlie?” Maya-maya pa ay may narinig akong pamilyar na boses at nang maaninag ko sa labas ng kwarto ay si William na nakikipagtalo sa isang matandang babae. “Hindi ako pumapayag sa ginawa mo! Ma!” sigaw ni William base sa lakas ng dating ng boses sa loob ng kwarto. “Wala ka nang magagawa, William. Hindi ka tumupad sa usapan, bagkus nagpakasaya ka. Inisip mo talaga na magkakaroon ka ng normal na buhay? Alisin niyo ito dito!” sabi ng matandang babae. Maraming lalaki ang nagsidatingan at ganon na lamang ang gulat ko nang kaladkarin nila si William. May sumuntok at sumipa pa rito bago tuluyang nabitbit palayo sa aking kwarto. Maya-maya pa ay may umilaw sa tabi at ganon na lamang ang bumalot na takot sa akin nang makita ang isang babae na nakahiga rin sa kama na tila ba nanghihina rin kagaya ko. May pumasok na lalaki at sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ko napigilang masuka sa nasasaksihan ko. Walang-awang pinagsamantalahan niyong lalaki ang babaeng walang kalaban-laban. “T-Tama na,” bulong ko pero alam ko namang malabong marinig ang sinasabi ko. Umilaw pa ng sunod-sunod ang mga katabing kwarto. Doon ko lamang napagtanto na nasa isang kwarto kami na gawa sa bubog. At may iba pang mga kababaihang parehas na nakaraans ng dinanas nitong babae sa katabi kong kwarto. Nabalong lamang ang pansin ko pabalik sa pintuan nang marinig itong bumukas. May lalaking pumasok na kagaya ng mga kalalakihan sa kabilang kwarto ay wala manlang kaemo-emosyon. Bumaling ako sa katabi kong kwarto at napansin na maging iyong babae ay wala ring emosyon kahit mababakas ang panghihina nito. “Anong ginagawa mo?” tanong ko sa lalaki pero hindi ito sumagot, bagkus nagsimula itong maghubad ng damit. Sa labas ng kwarto ko ay nag-ipon ang ilang mga tao na naka lab gown maliban sa matandang babae na kasagutan ni William. Nagbubulungan sila na tila ba may mga pinoproblema. Umilaw ang kwarto ko at labis na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na ang lalaki sa harapan ko ay si Fred. “Fred?!” pilit kong sabi pero huli na ako, nahubad na nito lahat ng suot. Lumapit ito at pilit na binuka ang mga binti ko. Doon ko lamang napagtanto na wala akong suot na kahit anong panloob sa suot kong patient’s gown. “Ay bwisit! Tinamaan ng magaling,” sabi ko at buong lakas na sinipa si Fred. Nahihilo-hilo pa ako nang pinilit kong umupo sa pagkakahiga at inalis ang mga swerong nakatakid sa akin. Tumayo si Fred at naglakad na naman palapit sa akin. “Fred, itigil mo na o sasaktan talaga kita,” banta ko rito, pero malabo. Parang wala itong naririnig. “Ano ba kasing nangyayari?” sigaw ko nagbabakasakaling marinig ng mga tao sa labas. Sa pagkakataong ito ay hindi na mukhang problemado ang mga mukha ng mga tao sa labas, mukha silang gulat at namamangha. Sa katitingin ko ay nalimutan ko si Fred na hinila ang paa ko. Sinipa ko ito at pinilit na tumayo. “Itigil na sinabi, Fred!” palahaw ko dahil nagkabangga-bangga na ako sa mga makina na nakapalibot sa kama ko. Tumayo na naman si Fred at sumugod sa akin, sa pagkakataong ito ay may naramdaman akong tila kuryenteng dumaloy mula sa aking ulo. Nagulat ako nang mawalan ako ng lakas at tuluyan akong naihiga ni Fred. Bagamat gusto ko manlaban ay parang walang kalakas-lakas ang aking katawan. Labag ang katawan at isip kong panooran si Fred na hubaran ako. “Hindi! Hindi! Hindi!” palahaw ko at muli ay nasipa ko si Fred. Hubo’t-hubad man ay pinilit kong ibangon ang sarili ko. Nakatayo ako at buong lakas na binuhat ang lagayan ng swero at walang awang inihampas kay Fred. Nagulat pa ako na sa isang hampas lamang ay bumaon sa ulo nito ang paa ng lagayan ng swero. Napaatras ako sa gulat, hindi dahil sa nagawa ko kundi dahil tumayo si Fred na parang walang nangyari at inalis ang nakapasak sa kaniyang mata. Wala pa rin itong emosyon. “T-Tulungan niyo ako!” sigaw ko sa mga taong nasa labas pero abala sila sa pag-uusap. Nagawang mahila ni Fred ang braso ko at inihagis ako. Tumama ang ulo ko sa pader pero pinilit kong hindi indahin iyon. Pinilit ko muling tumayo pero parang natigilan ako nang kita kong walang hirap na pinutol ni Fred ang tubo ng lagayan ng swero at naglakad palapit sa akin. “May mali rito,” bulong ko at buong lakas na itinukod sa pader ang isa kong kamay para makatayo. Tumakbo ako palapit sa nakita kong tila fire extinguisher sa malapit at pinapuslitan ang Fred na parang robot. Nang makita ko itong natumba at nahirapang makakita, inagaw ko ang tubo at sa pagkakataong ito ay umibabaw ako dito saka ipainasak sa ulo nito. “Sorry pero hindi pwedeng pabayaan kitang ganito. Mas mabuti pang mamatay ka na,” humahangos na bulong ko saka unti-unting umalis sa ibabaw nito. Kita ko ang pag-agos ng dugo nito sa sahig. Nasuka ako at naramdaman muli iyong tila kuryente na dumadaloy sa ulo ko. Kita ko ang marahang pagbukas ng pinto at dahil sa tumitinding kuryente na nararamdaman ko sa aking ulo, wala akong nagawa kundi ang mapahiga na rin sa malamig na sahig habang pilit na tinitingnan iyong matandang babae. Napapikit ang mga mata ko pero buhay pa rin ang ulirat ko. “Dalhin ito sa ibang kwarto,” sabi ng matandang babae. “Sa tingin ko ay tagumpay ang model 43.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD