ELLIE'S POV NAGISING ako nang maramdamang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Ewan kung guni-guni ko lang pero nararamdaman kong tila may mga kamay na humahaplos sa iba't ibang parte ng aking katawan. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Sa tulong ng liwanag ng nanggagaling sa lampshade, nakita ko agad ang bulto ng katawan na nasa ibabaw ko. Halos mapasigaw ako ng makita si Hugo na nakapatong sa akin at unti-unting hinuhubad ang suot kong manipis na pantulog. "A-anong ginagawa mo?!" sigaw kong tarantang-taranta. Maaga akong nakatulog kanina. Pero hindi ko sigurado kung nai-lock ko ba ang pinto. Nagpumiglas ako at sinipa ito saka mabilis na bumangon. Lumapit ako sa pinto at kinapa ang switch ng ilaw doon saka isinindi yon. "Hayop ka! Balak mo pa akong ga

