ELLIE'S POV PAGKATAPOS ng ginawa sa akin ni Hugo ay pilit ko na siyang iniwasan. Kapag wala akong lakad o trabaho madalas na lang akong nagkukulong dito sa kuwarto. Hindi ako lumalabas lalo na kapag alam kong narito siya sa bahay. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya at naaalala ko lang ang kahayupang ginawa niya sa akin. Pero kapag ganoong lalabas ako at may pupuntahan, wala din akong choice kundi kausapin ito para magpaalam. Kung wala naman ito dito sa bahay niya, tinatawagan ko na lang o kaya'y nagtetext ako sa kanya. Tuwing matutulog ako sa gabi, sinisigurado ko nang nakalock ang pinto ng kuwarto ko. Ayaw ko ng maulit pa ang ginawa sa akin ni Hugo kaya nag-iingat na ako. Hanggang ngayon nagpupuyos pa rin ako sa sa galit tuwing naalala ko yon. Noong ma-rape ako parang natrauma a

