ELLIE'S POV KAPAPASOK ko pa lang ng gate ay nakita ko nang nakaabang sa front door si Hugo. Tila galit ito at madilim ang mukhang nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot ng masalubong ang mga mata niyang kasing-itim ng gabi. Humarang ito sa pinto nang tinangka kong pumasok sa loob. "Bakit ngayon ka lang?" galit na tanong nito sa akin. Salubong ang mga kilay nito habang madilim na nakatitig sa akin. Para akong natuyuan ng lalamunan habang sinasalubong ang mga mata nito. Naniningkit ang mga yon sa galit. Paggising ko kaninang umaga ay tadtad ako ng text at tawag galing sa kanya. Ang iba'y kagabi pa at kani-kanina ko lang nakita. Base sa mga text nito ay galit na galit ito. Hinahanap kung nasaan ako at kung bakit hindi ako umuwi kagabi. Kaya naman aligaga akong na

