HUGO'S POV NANG makapagbihis ay lumabas na din ako ng kuwarto ni Ellie. Umakyat ako sa kuwarto ko sa pangatlong palapag at kinuha ang ipinabili kong contraceptives sa isang katulong kanina. Muli akong bumaba at bumalik sa kuwarto ni Ellie. Naabutan ko siyang hawak-hawak ang roba at ang underwear nitong hinubad ko kanina. Hindi pa ito nakabihis kaya kitang-kita ko ang kabuuan niya ng mga sandaling 'yon. Hindi ko maiwasang hindi mapalunok ng muling mapagmasdan ang maalindog nitong katawan. Ramdam kong nagsimula na naman akong mag-init. Kung hindi lang ako nagpipigil ay baka naangkin ko na naman siya ng mga oras na yon. Hindi ko rin kayang ipaliwanag kung bakit ganoon na lang katindi ang epekto niya sa akin. Tuwing nakikita ko talaga siya hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko. Hind

