Chapter 32

3198 Words

ELLIE'S POV NANGHIHINANG naupo ako sa kama ko. Katatawag lang ng isang anak ni Ninong Arnaldo at hindi magandang balita ang hatid nito. Patay na diumano si Ninong. Hindi ko alam kung anong ikinamatay nito dahil wala naman malinaw na detalyeng sinabi si Raphael. Sumungaw ang luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa balitang yon. Mabait si Ninong Arnaldo at pamilya nito. Mula noong umalis kami ng Santo Paulo ng kapatid ko ay kinokontak pa din nila kami at palihim na tinutulungan. Hindi namin tinanggihan 'yon lalo't nangangailangan kami ng mga panahong yon. Pero ng makaluwag na kami at gumanda na ang buhay namin ay hindi na namin tinanggap ang tulong nila. Bagkus kami na ang tumutulong sa kanila bilang pasasalamat din namin sa mga kabutihang ginawa nila sa amin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD