ELLIE'S POV NANG magising ako kanina ay agad na din akong naligo. Pagkatapos ay bumaba ako saglit para kumain. Umakyat din ako agad para mag-ayos at magbihis. Pupunta kasi ako kina Ninong Arnaldo ngayon para dalawin siya. Marahan kong pinasadahan ng tingin ang hitsura ko sa salamin. Simple lang ang suot ko. Naka-tank top lang ako at ripped jeans saka nakaflat sandals. Mayamaya'y kinuha ko ang isang pares ng hikaw sa jewelry box na dala ko. Naroon din ang wedding ring ko na hindi ko isinusuot. Nakatago lang 'yon doon. Wala naman kasi akong balak na ipangalandakan sa buong mundo na kasal na ako lalo't maghihiwalay din lang naman kami ni Hugo after 6 months. Matapos makapag-ayos ay kinuha ko na pouch bag ko at bumaba na din ako. Sa sala ay nakita ko si Hugo na may kausap na babae na

