Chapter 34

1862 Words

ELLIE'S POV BINUKSAN ko ang isang bintana sa kuwarto. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin at ang madilim na paligid. Tumingala ako sa kalangitan. Nakita ko ang maiitim na ulap. Mukhang uulan na naman yata. Halos tuloy-tuloy din ang ulan mula kaninang umaga. Tumigil lang ng mga bandang hapon na. Hindi tuloy ako nakalabas para dumalaw sa puntod ni Nanay. Andito lang tuloy ako sa kuwarto ko at maghapong nakakulong. Hinawi ko ang mahabang buhok ko na tumabing sa mukha ko. Marahan akong napabuntong-hininga. Alas onse na pero ewan ko kung bakit hindi pa ako dalawin ng antok. Ganito din noong nakaraang gabi. Marahil ay hindi lang ako sanay na narito uli. Lalo pa't mabigat ang loob ko sa bahay na ito. Tuwing naalala ko ang nangyari sa amin dito, lalong nadadagdagan ang big

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD