Chapter 4

1105 Words
ELLIE’S POV MALAKAS na sigawan at palakpakan ang sumalubong sa akin pagkatapos tanggalin ang piring ng aking mga mata. Nagulat ako at bahagyang napaatras nang makita ko kung nasaan ako ngayon. Nangatog bigla ang mga tuhod ko sa sobrang takot. Mangiyak-ngiyak na iginala ko ang paningin sa malawak na arena na punong-punong ng mga taong nakasuot ng maskara. Nakatayo ako ngayon dito sa entablado at pinapanuod nila. Gusto kong magsisisigaw ng mga oras na yon pero dahil may busal ang bibig ko ay di ko yon magawa. Nag-iiyak na lang ako habang nagpupumilit makawala sa pagkakahawak ng lalaking nasa tabi ko. "Okay here we go,"masiglang sabi nang babaeng may hawak na mic. Tumingin pa ito sa akin saka maluwang na ngumiti. Nasa entablado din ito at nakasuot ng half mask. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayaring ito sa akin. Hindi ko akalaing dahil lang sa utang ng boyfriend ko, malalagay ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Bwesit talaga siya! Isinusumpa ko ang hayop na yon! "Who will take home this beautiful lady?" malakas na sabi nang babaeng may hawak ng mic. Dinig ko ang nakakabinging hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob. Lalo akong naiyak at nanginig sa takot. Kahit pa siguro tawagin ko lahat ng Santo ngayon, walang magliligtas sa akin. Sinong mag-aakalang may ganito pa lang nangyayari dito sa Pilipinas. Pati pala tao ngayon puwede nang ibenta sa Auction. Ang masaklap ako pa! "We'll start the bid at 500,000,"anang babae. "Do I get 1 million? 1 Million?" Mayamaya pa'y nagsimula nang magbigay ng price ang ilan sa mga nanunuod dahilan para mataranta ako. "5 million," narinig kong bid agad ng isa sa nakaupo. "No! No!" gusto kong sabihin pero naging daing lang yon at ungol dahil sa nakabusal kong bibig. 'This can't be happening!' hesterikal kong sabi sa isip ko. "10 million," sabi nang isa pa. "20 million." "30 million." Pataas na ng pataas ang bid. Nakakalula ang mga binibitawan nilang mga pera. At isa lang ang ibig sabihin nun, mayayamang tao ang mga narito ngayon. Wala na bang mapaglagyan ang mga ito nang kayamanan nila, kaya dito sa illegal na gawaing ito sila nagtatapon ng pera. Nakakapagtaka lang. Hindi ba aware ang kapulisan o NBI na may ganitong kalarang nangyayari dito sa bansa ngayon? Maraming taong involve dito kaya nakakaalarma. "I can see 30 million. Would ya give me 40 million?" tanong ng babaeng may hawak na mic sa mga naroon. Nagpapanic na talaga ako. Desido talaga ang mga ito na bilhin ako. Wala silang pakialam sa mga pinapakawalang pera kahit gaano pa kalaki ang mga yon. Sa mga oras na ito, natatakot na ako para sa sarili. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin sa kamay ng kung sino mang makakabili sa akin. Awang-awa ako sa sarili ko pero wala akong magawa kundi umiyak na lang. Kung may masamang mangyari sa akin, paano na lang ang kapatid kong maiiwan ko at umaasa sa akin? Kawawa naman siya. Kami na nga lang ang magkasama at nagtutulungang dalawa, tapos maiiwan pa siyang mag-isa. Sigurado nag-aalala na yon sa akin lalo na kung hindi niya ako makontak. Kung makakatakas pa ba ako dito, yon ang hindi ko alam. Pero sana lang maisipan ni Nathan na magfile nang missing report sa mga police para hanapin ako. Malay mo lang, magawa nilang matrace ang lokasyon ko. "40 million," anang lalaking nakaupo sa harap. "50 million," sigaw naman ng katabi nito. Kahit nakasuot ang mga ito nang maskara, makikitang mga banyaga ang mga ito. Nagpunta pa talaga ang mga ito dito para lang sa ganitong gawain. "Now I get 50 million. What about 60 million?" sabi uli nang babaeng nasa entablado. Natahimik ang mga tao sa loob. Nagsimulang magtinginan ang mga ito at magbulungan. Hinihintay kung may magbi-bid pa nang mas mataas sa 50 million. Dahil kung wala pag-aari na ako nang huling bidder. "100 million!" malakas na sigaw ng lalaking naka-custom black suit na nakatayo sa likod. Umalingawngaw ang boses nito sa loob ng arena. Kaya halos lahat ng mata'y natuon dito. Natahimik ang lahat. Pati ako'y parang natulala sa perang binitawan niya. Hindi ko akalaing may magbi-bid sa akin ng ganun kalaking pera. Mukhang bilyonaryo yata ito. Kaya walang pakialam sa 100 million na basta na lang itinapon. Walang suot na maskara ang lalaki. Dahil medyo madilim sa kinatatayuan nito, mahirap ding aninagin ang mukha nito. Pero base sa tindig nito at pangangatawan, mukhang bata pa ito. Marahil nasa late 30’s ganun. Hula ko lang naman. "Okay. That's the final call.” "100 million going once. 100 million going twice. Sold to that fine gentleman at the back!" malakas na sigaw ng babae. Kasabay nun ay malakas na palakpakan at sigawan muli ang maririnig sa paligid. Halos manlambot ang tuhod ko sa mga nangyayari sa paligid ko. Hanggang ngayon nahihirapan pa ring magsink in ang mga yon sa utak ko. Ang hirap kasing paniwalaan sa totoo lang. Sinong mag-aakalang ang isang El Morales na isang famous model at kilala sa buong mundo ay ibenebenta ngayon sa isang Auction. Kahit isa ba sa mga narito ngayon, wala man lang nakakakilala sa akin? Or puwedeng nakilala ako pero sadyang wala lang silang pakialam sa akin. Hindi ko akalaing sa isang iglap magiging ganito ang kapalaran ko. Ni sa hinagap hindi ko lubos maisip na mangyayari sa akin ang ganito. 'F*ck! F*ck! F*ck!' paulit-ulit kong mura sa isip ko habang panay pa rin ang tulo nang mga luha ko. Ano pa nga bang magagawa ko kundi mag-iiyak na lang talaga. Parang puputok na sa sobrang galit ang dibdib ko sa mga taong nasa paligid ko ngayon. Pero higit lalo na kay Bernard na siyang puno't dulo ng lahat. Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad sa ginawa niyang ito sa akin! Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Ang kapalaran ko ngayon ay nakapadepende sa lalaking nakabili sa akin. Kung makakauwi pa ba ako o hindi, yon ang hindi ko alam. Mayamaya'y inalis na ako sa entablado. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ngayon. Gusto ko sanang manlaban pero parang hindi ko na kaya. Pagod na ako at tila wala nang lakas pa para gawin yon. Nang marating namin ang malawak na pasilyo. Agad tinakpan ng lalaki ang ilong ko nang panyong may gamot. Biglang nasapo nang isang kamay ko ang ulo ko nang makaramdam ng matinding pagkahilo. Bago tuluyang mawalan ng malay may narinig pa akong kausap ang lalaki. "Dalhin na siya sa sasakyan. Maya-maya lang aalis na din tayo papuntang Isla Martina,"anang baritonong boses na siya ring narinig ko kanina. "Sige. Boss." Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD