HUGO’S POV
ONGOING ang bid ng mga oras na yon. At ang nakasalang ay ang babaeng nakita ko kanina. Siya ang pinakahuli. Pakatapos niya, tapos na din ang Auction.
Nasa malawak na entablado ito ngayon. Nakabilad ang magandang katawan at pinagpipiyestahan ng mga matang nakapalibot sa kanya.
Mula sa kinaroroonan ko, kita ko ang matinding takot sa mukha nito. Kung hindi ako nagkakamali, parang umiiyak din ito.
Hindi nga ako nagkamali, mabenta ito. Pataas ng pataas ang binibitawang pera nang mga bidders. Talagang pinag-aagawang makuha ang babae. Para ka na rin kasing nakajackpot kapag nabili mo siya. Bukod sa maganda, pamatay pa ang katawan. Kaya hindi ka magsisisi.
“50 million,”malakas na sabi ni Alfon-ang matandang Mafia Don na nakaupo sa harap. Siya ang pinakaayaw ko sa lahat. Kahit matanda na at uugod-ugod na, mahilig pa rin ito sa babae. Kahit hindi na yata makatayo ang birdie nito ay pinipilit pa rin.
Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Ewan ko ba sa sarili ko. Pero parang hindi ko matanggap na mapupunta lang sa kanya ang babae. Sayang naman kung ang matakdang hukluban pa ang makikinabang sa kanya. May pagkasadista pa naman ang hayop na matanda.
Wala na akong suot na maskara. Tinanggal ko na dahil hindi ako komportable. Kaya pinili ko na lang tumayo at pumuwesto dito sa medyo madilim na sulok para hindi makita nang mga narito ang mukha ko.
Bumuga ako nang hangin saka unti-unting itinaas ang isang kamay sabay iling.
Napatingin sa akin si Kevin na katabi ko lang din ng mga oras na yon.
“Oh no!” natatawa nitong sabi.
“100 million,”malakas kung sigaw. Napalingon silang lahat sa akin saka natahimik. Tila mga nabigla sa malaking perang binitawan ko.
Mayamaya'y muli silang nag-ingay. Nagbubulungan na parang mga bubuyog.
Napangisi ako. Hinintay ko kung may magbibid pa nang mas mataas sa bid ko. Pero halos isang minuto na ang lumipas, wala nang nangahas sumubok. At kung meron man sana, tatapatan ko pa rin kahit magkano pa.
“Hindi ka na rin lugi sa kanya, boss,”natatawang sabi ni ni Kevin na may halong pang-aasar.
Natatawang nilingon ko siya. “Pampalipas oras ko lang. Sayang naman kung iba ang makinabang.”
“Dagdag sa koleksyon ano, Boss?” pang-aasar nito.
“Baliw!” napapailing na lang na sabi ko.
Siya at si Diego ay parehong malapit sa akin. Parang mga kapatid na ang turing ko sa kanila. Tauhan pa sila nang namayapa kong ama. Actually, magpinsan silang dalawa. Parehong namatay ang mga pamilya nila sa sunog kaya sa bahay ampunan sila halos lumaki at nagkaisip.
Malaki ang utang na loob nila sa aking ama dahil ito ang tumulong sa kanila pagkatapos nilang umalis sa bahay ampunan na kinalakhan. Nangako silang pagsisilbihan ang aking ama kaya sinanay sila sa organisasyon hanggang sa unti-unting natuto. Kaya kung loyalty ang usapan, wala akong problema sa kanila. Kahit buhay nila handa nilang isakripisyo para sa akin at para sa organisayon
Mayamaya’y muling nagsalita si Janina- ang host sa event at girlfriend ni Diego.
“Okay. That’s the final call.”
"100 million going once. 100 million going twice. Sold to that fine gentleman at the back!"malakas nitong sabi. Kasabay nun ay nakakabinging palakpakan at malakas na sigawan ang pumailanlang sa paligid.
Lihim akong napangiti.
‘Okay. She’s mine’ sa isip-isip ko. Hindi ko pinanghinayangan ang perang binitawan ko sa kanya. Dahil sigurado ko mapapasaya naman niya ako.
Sinenyasan ko ang tauhan kong may hawak na attache case na may lamang pera na saktong 100 million. Ipinahanda ko yon kanina kay Kevin bago magsimula ang Auction. Pero hindi ko alam na magagamit ko din lang pala.
Kahit kami ang nag-organisa nang Auction, kailangan ko pa ring ibigay ang 100 million. After all business is business.
Kung babae lang naman, napapalibutan ako nun. Pero kakaiba ang babaeng ito. Unang kita ko pa lang sa kanya, napukaw na niya ang interes ko. Hindi lang basta libog ang nararamdaman ko sa kanya. There’s something about her na hindi ko kayang ipaliwanag. Sabi ko nga parang nakita ko na siya dati pa. Kaya nacurious ako sa kanya. Gusto kong malaman ang buong pagkatao niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Iginala ko ang aking mga mata sa malawak na arena na pag-aari ko.
Nasa akin na lahat ngayon. Money, power and wealth. 35 years old na ako pero wala akong balak mag-asawa. Kaya lang nitong nakaraang linggo binisita uli ako nang personal lawyer namin. Ipinapaalala sa akin ang laman ng last will and testament ng ama ko. Bago ito namatay ay naipagawa na nito yon. At nakasaad doon na bago ko makuha ang mamanahin ko sa kanya, dapat mag-asawa ako bago ako tumuntong sa edad na 36, kundi mapupunta sa mga kapatid ko at mga Charity Organizations ang mana ko.
Okay lang naman sana yon. Kasi kung pera lang kaya ko namang kitain sa isang iglap yon. Isa na akong bilyonaro ngayon at kumikita nang milyon sa isang araw. kaya hindi ko yon panghihinayangan. Kaya lang kasama sa ari-ariang ipapamana sa akin ng namayapa kong ama ang Hacienda Cartagena. Mahalaga sa akin ang Hacienda dahil doon ako lumaki at nagkaisip. Marami akong masasayang alaala doon. Ako din ang nagpalago at nagpakaganda nun kaya hangga’t maari ayaw kong mapunta sa mga kapatid ko yon. Mapapabayaan lang din naman nila dahil wala naman silang hilig sa mga gawain sa Hacienda. Gusto kong mapasakamay yon kaya namomoblema talaga ako ngayon. I’ll be turning 36 in less than 3 months at hanggang ngayon hindi pa ako nakakahanap ng solusyon. Nauubusan na akong oras.
Madali lang naman mag-asawa. Sa dinami-dami nang mga nakapalibot sa aking babae, puwede ko lang namang sanang alukin ang isa sa kanila ng kasal tapos ipawalang bisa ko din yon agad. Kaya lang mukhang kabisado nang ama ko ang takbo nang isip ko. Matalino talaga ito. Inilagay niya din kasi sa last will and testament na kailangang magsama kami nang babaeng papakasalan ko sa iisang bahay sa loob ng anim na buwan. Pagkatapos nun, doon pa lang isasalin sa pangalan ko ang mamanahin ko sa kanya. Malaking kalokohan para sa akin ang bagay na yon. Pero kung hindi ko naman seseryosohin, mawawala sa akin ang mamanahin ko.
Sumasakit talaga ang ulo ko tuwing naiisip ko ang bagay na yon.
Sa totoo lang ayaw ko namang kung sinong babae lang din ang ayain ko nang kasal. Ayaw ko nang pucho-pucho lang lalo’t magsasama kami sa iisang bahay ng ilang buwan. Gusto ko naman kahit papaano yong presentable din at maayos. Pass sa gold digger. After six months, papawalang bisa ko din agad yong kasal namin. Madali lang yong gawin para sa akin lalo’t marami akong koneksyon.
Kahit kailan ayaw kong matali sa kasal na yan. Hindi ko naman kailangan ng makakasama sa buhay. In short hindi ko kailangan ng babae sa tabi ko hanggang pagtanda ko. Laruan lang para akin ang mga lahi ni Eba. Isang paraosan. Na kapag pinagsawaan at wala nang pakinabang, itinatapon ko na.
Marahas akong napabutong-hininga.
Ewan ko ba kung bakit pinapahirapan ako nang ganito nang ama namin. Sabagay nung nabubuhay pa kasi ito, talagang sakit niya ako nang ulo. Hindi ko kasi siya sinusunod sa mga gusto niya. Ilang beses na niya akong ipinagkasundong ipakasal pero tuwina’y hindi natutuloy yon dahil sa pagmamatigas ko. Ang ending laging napapahiya ang pamilya namin dahil sa akin na lalong ikingalit niya sa akin.
At dahil hindi niya ako kayang ikontrol, si Noah at Nicho at nauto niya. Parehong naging biktima ang dalawa nang pangmamanipula niya. Pinanghimasukan niya ang buhay nila at kinalauna’y parehong ipinakasal sa mga anak ng mga katulong namin.
Mahilig kasi talagang magmanipula ang aming ama. Ang gusto niya ikontrol kami at pasunurin sa lahat ng gusto niya. Pero siyempre hindi naman pupuwede yon sa akin. Sumasagot talaga ako sa kanya at nangangatwiran lalo kung nasa tama naman ako. Sa aming magkakapatid, ako lang talaga ang may kakayahang suwayin siya. Maging si Drake, Alejandro at ang kambal na si Duke at Luke ay takot din sa kanya kaya sunod-sunuran din sila.
Saka lang nakalaya sa anino nang aming ama ang mga kapatid ko nang mamatay ito. Ngayon nga ako naman ang pinapahirapan niya. Sinigurado niya talagang hindi ko ganun kadaling makukuha ang mamanahin ko sa kanya.
Boses ni Kevin ang nagpabalik sa akin sa katinuan mula sa malalim na pag-iisip.
“Okay ka lang ba, Boss?” kunot noong tanong nito.
Tumingin ako sa kanya saka pilit na ngumiti. “Uhm, yeah.”
“Bigla ka po kasing natahimik.”
“May iniisip lang,” sabi ko na lang sa kanya.
“Babalik ba tayong Isla Martina ngayon, Boss?” mayamaya’y tanong nito.
“Ou. Nakahanda na ba yong mga sasakyan?”
“Ayos na, Boss. Lalarga na lang,”anito.
“Okay,”napapatangong sabi ko.
Mayamaya’y tumalikod na din ako. Tapos naman na ang Auction kaya hindi ko na kailangang magtagal pa doon.
Isa pa’y nakuha ko naman na ang gusto ko.