ELLIE'S POV KANINA pa ako pabali-balikwas dito sa higaan ko. Hirap talaga akong makatulog. Kahit anong gawin ko'y hindi ako dalawin ng antok. Naalala ko pa din kasi ang nangyari kanina. Hindi yon maalis-alis sa isip ko. Muntikan na akong mamatay. Kung hindi dahil kay Hugo baka pinaglalamayan na ako ngayon. Pero kung natakot ako sa malaking ahas na yon, mas natakot pa ako sa ahas ni Hugo. Diyos ko! Tayong-tayo yon kanina at parang manunuklaw din. Medyo malaki pa naman yon. First time kong makakita nang ganun kaya parang nashock ako. Bwiset kasi siya! Ano kayang nakain niya at pinakitaan ba naman ako? 25 years old na ako pero aaminin ko virgin pa ako. Talagang iniingatan ko ang sarili ko para sa lalaking mapapangasawa ko at makakasama habang buhay. Hindi ko basta-basta isusuko ang p*****

