ELLIE’S POV NATAWAGAN ko na lahat at nakausap na din ng personal ang mga taong inilista ko sa notebook na hihiraman ko nang pera. Ayon may nagpautang naman at meron ding hindi kahit alam kong may mga pera naman. Madami pang tinatanong na kung ano-ano. Kesyo naghihirap na daw ba ako kaya umuutang na? Ang dami pang sinasabi pero sa huli hindi din lang naman magpapahiram. Haays! Ang tao nga naman talaga. Natulungan ko din naman sila noong nangangailangan sila. Pero ngayong ako na ang may kailangan, wala nang mga pakialam. Hindi na nila naaalala ang ginawa ko para sa kanila. Saka yong perang sinasabi ko sa kanila hindi ko naman hihingiin. Utang naman yon at alam naman nila sa mga sarili nila na kayang-kaya ko lang din namang bayaran. Pero ewan ko kung anong mga problema nila sa akin at ay

