ELLIE’S POV AGAD akong napatayo nang marinig kong may nagbubukas ng pinto. Nagulat ako nang pumasok doon ang isang di pamilyar na lalaki na pormal na pormal ang hitsura. "Lumabas na daw po kayo, Ma'am, sabi ni Boss,"seryosong sabi nito na hindi man lang ngumingiti. "Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya nang mapansing parang nakahinto na ang yate. "Nasa Isla Martina po tayo," sagot nito bago tumalikod. Halatang iniiwasang kausapin ako. Napilitang sumunod na lang ako sa kanya. Paglabas ko'y nakita kong nakadaong na ang yate sa isang malawak na pantalan. Nasa taas na din ang ibang tauhan ni Hugo. Samantalang ang iba naman ay kasalukuyang paakyat pa lang sa kahoy na hagdan. Agad na natuon sa akin ang atensyon ni Hugo nang mapansin ako. Nakita kong pasimple niya akong tiningnan mula ulo ha

