ELLIE'S POV NAGISING ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Inaantok pa ako. Parang gusto ko pang matulog pero pilit ko lang nilalabanan ang antok. Agad akong bumangon at sumilip sa nakabukas na bintana. Mula roon malaya kong napagmamasdan ang paligid. Kulay asul na dagat at malagong kagubatan ang tanging nakikita ko. Bukod doon wala na. Liblib na liblib ang lugar. Naisip ko tuloy kung may iba pa bang nakatira dito bukod kina Hugo. Hmp! Paano naman kaya niya napasakamay o nabili ito? Mariin akong napapikit ng maalala ang sitwasyon ko. Hanggang ngayon takot na takot pa rin ako. Sinusubukan ko lang talagang magtapang-tapangan lalo na sa harap ni Hugo. Pero ang totoo nangangatog ang mga tuhod ko sa kanya. Kung noon nakakatakot na siya, mas lalo na ngayon. Presensiya pa lang niya p

