ELLIE'S POV NANG makapag-almusal ay tinulungan ko si Manang Rosa na mag-urong. Naawa naman ako sa kanya lalo nang makita kong tambak ang hinuhugasan niya. Hindi ko alam kung ilang taon na ito. Pero matanda na din ito at mukhang matagal na ding naninilbihan kay Hugo. Ayaw sana nitong magpatulong pero mapilit lang ako. Kalauna'y wala na din itong nagawa kundi pumayag na lang. Lumaki ako sa hirap kaya natural na sa akin ang kumilos kung kaya ko namang gawin. Kahit may mga katulong kami sa bahay, hindi ko inaasa lahat sa kanila. Kung kaya ko naman ginagawa ko. Dati din akong katulong kaya alam ko ang hirap nila. Pagkatapos maghugas ay ipinasya kong maglakad-lakad dito sa labas. Hindi naman istrikto ang mga nagbabantay sa may gate. Pinalabas naman nila ako nung sabihin kong mamamayal lang sa

