ELLIE'S POV MEDYO tinanghali na ako ng gising. Pagbukas ko ng bintana'y mataas na ang sikat ng araw. Habang itinataas ko ang kurtina, nakita ko sa labas ang dalawang bagong guwardiya na nakatingin dito sa gawi ko. Agad akong umalis sa bintana at naupo na lang sa kama ko. Hindi naman ako palahusgang tao pero iba talaga ang pakiramdam ko sa dalawang 'yon. Sa pagmumukha nila'y parang may hindi sila gagawing hindi maganda. Pero hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin ang bagay na 'yon. Sinulyapan ko ang oras sa orasan. Alas-nuwebe na ng umaga. Siguradong nasa kompanya na si Hugo ngayon. Minsan lang din kaming magkaabutan sa umaga. Maaga din kasi itong nagigising at umaalis. Samantalang ako late nang bumabangon. Palibhasa walang ginagawa. Nakatambay na lang dito sa bahay niya at

