HUGO'S POV TAHIMIK kong pinagmasdan si Ellie habang marahang hinahaplos ang malambot nitong buhok. Awang-awa ako sa kanya ng mga oras na 'yon. Pero wala man lang akong magawa. Sobrang inuusig talaga ako ng konsensiya ko sa nangyari sa kanya. Nadamay pa ito dahil sa akin. Mayamaya'y hinaplos ko ang maputi at malambot nitong pisngi. May mga sugat ito sa mukha pero hindi 'yon nakabawas sa kagandahan niya. Kahit saang anggulo mo siya tingnan, maganda talaga ito. Sabi ng doktor ay ligtas naman na daw ito. Pero hindi pa niya sigurado kung kailan ito magkakamalay. Kaya hindi ko maiwasang hindi pa rin mag-alala sa kalagayan niya. Hindi rin naman malala ang mga sugat na tinamo ko. Pagkatapos malapatan ng first aid ang mga 'yon ay agad na din akong bumangon para puntahan si Ellie. Hindi talaga

