HUGO'S POV PASIMPLENG nilingon ko ang sasakyang kanina pa nakabuntot sa amin ni Diego. Mula ng paalis kami ng Cartagena Empire Building ay palihim ng nakasunod sa amin 'yon. Iyon din ang sasakyan na ilang linggo ko na ng napapansing laging nakabuntot sa akin tuwing lalabas ako o may pupuntahan. Tila minamanmanan ang bawat kilos ko. Ito ang dahilan kaya ko pinatigil muna sa trabaho si Ellie at mag-stay lang muna sa bahay. Delikado kasi. Kapag nalamang asawa ko siya, sigurado siya ang gagamitin sa akin ng kung sino mang nagtatangka sa buhay ko. Kahit galit ako sa kanya, mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko. At hindi ko kakayaning kapag may mangyaring masama din sa kanya. Makakapatay ako ng tao kapag nagkataon. Galit na galit si Ellie sa ginawa ko sa kanya. Pero hindi na 'yon maha

