CHAPTER 15 - Babala ni Marga

1764 Words

"MAKINIG KA sa sinasabi ko. Hindi ka dapat makipaglapit o kahit makipag-usap lang sa lalaking 'yon. Umiwas ka sa kanya kung ayaw mong pare-pareho tayong mapahamak," mariing sabi ni Marga. Malamig ang tinig nitong kinahihimigan ng pagtutol at babala. Nakita ni Anna ang pagsulyap sa kanya ng bunsong kapatid. Nagpapasaklolo ito, naghahanap ng kakampi kaya kahit may tamang punto ang sinasabi ng nakababata sa kanya ay namagitan pa rin. "Nakikipagkaibigan lang naman 'yung tao. Wala naman sigurong masama kung--" "Nakikipagkaibigan?!" Angil agad ni Marga. Pinutol ang pangangatwirang sasabihin pa sana niya. Napipilan siya at inilihis ang paningin upang maiwasan ang matalim nitong tingin. "May ibang motibo ang lalaking iyon kung bakit nilapitan si Bunso! Kitang-kita ko sa mga mata niya ang naka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD