"Uy ... pare, tama na yan, baka maubos na ang labi ng asawa mo," sabi ng lalaking matangkad pero gwapo. "Anung maubos baka mamaga kamo!" wika naman ng chinito lalaki. " "Naku pare mukha iniinggit yata tayo ng kaibigan natin tumawag kaya tayo ng mga chika babes" wika ng lalaki my dimples. Lahat sila ay puro gwapo, pero mas gwapo parin sa kanila si Leo. Iyon nga lang ay halimaw ang ugali nito. Matapos niyang gawin iyon ay hinapit ako nito palapit sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang maliit na baywang ko at dinala ako sa isang upuan. Umupo siya doon at pinaupo ako sa kandungan niya. "Kanina ka pa ba naliligo mag-isa?" katakatakang mahinahon ang pag sasalita nito kaya napatitig ako sa mukha nito. "Uo" sagot ko na lang habang hinahaplos nito ang mukha ko. Nakita ko ang dugo sa kamay n

