Ramdam ko ang matigas na bagay na tumatama sa aking gitna. At halos gahibla na lang ang lapit ng mukha nito sa akin. Halos hindi ko na magawa huminga sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko ang malakas na t***k ng puso ko, maging ang nagliparan na paroparo sa tiyan ko. "Tama ba ang narinig ko na inaalala mo ako? Na mimis mo ako?" "ano?" "Sa pagkaalam ko, sinabi ko na nag-aalala ako, pero hindi ko sinabi na mimis kita." "Ganun na rin iyon, kaya ka nga narito, hindi ba?" "Ha! Hindi iyon ang ibig ko sabihin. Ano kaba!" Ngumiti ito sa akin na halos ika-tunaw ko na. Hindi ko alam na mas gwapo pala ito kapag ngumingiti. Sa ilang araw na pag-sasama namin ay Ngayon ko lang ito nakita na ngumiti sa akin. mas kilala ko kasi ito sa seryoso at mapanakit na asawa at hindi sa palangiti

